Chapter 23

5.6K 130 0
                                    

Jema's POV

"Jemalynnnnn!!!" Sigaw sakin ni Kyla kaya napabalikwas ako.

"Ano ba Kyla?! Bakit ka sumisigaw!?" Inis kong tanong sa kanya habang kinukusot ang aking mga mata.

"Tumayo ka na dyan señorita dahil 11 am na po at ngayon ang alis natin papuntang palawan remember?" Sarcastic niyang sabi habang naka cross arms kaya tumayo na ako agad sa kama.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising? Kainis ka Kyla!" Pagmamaktol ko sa kanya at pumasok na sa cr.

"Wow ha? Kasalanan ko pa? Bilisan mo na lang dyan at maglunch ka na sa baba!" Rinig kong sabi niya. I did my morning rituals at bumaba na. Nakaayos na silang lahat at parang ako na lang ang hinihintay.

"Buti naisipan mo pang gumising Mare hahaha." Bungad sakin ni Ate Pau na nakaupo sa couch pero hindi ko siya pinansin at dumiretso sa dining area. Nakita kong kumakain si Ate Jia.

"Sabayan mo na ako dito." Emotionless niyang sabi. Kumuha naman ako ng plato at kumuha ng pagkain. "Sorry sa nangyari kagabi. Gusto ko lang na maging strong ka. Sana kayanin mo."

Tumango lang ako bilang sagot at nagsimulang kumain. Siya na ang nag-alok na maghuhugas kaya hinayaan ko na. After 123456789 minutes, dumating na ang van na maghahatid samin papunta airport.

After 30 minutes, nakarating din kami sa airport. Nagkwentuhan muna kami bago pumasok. Katabi ko ulit si Ate Jia pero walang nagbalak na magsalita samin. Natulog na lang ako.

.....

"Jema, wake up. We're here na." Pagmulat ng aking mga mata, nakita ko si Ate Ly.

"Susunod na po ako." Nag-ayos muna ako bago bumaba. Pagkalabas ng airport, may van na naman na naghihintay para samin. It took a long ride bago kami makarating sa resort na sinasabi ni Coach. Hindi lang siya basta resort, it's a beach reasort.

"Entrance pa lang bongga na!" Sabi ni Risa na kakababa lang ng van.

"True." Pagsang-ayon sa kanya no Ate Pau. Tinignan namin ang pangalan ng resort at nagulat ako sa nabasa ko.

"Wong's Beach Resort?!" Napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya napatingin silang lahat sakin. Pagmamay-ari ba ito ng mga Wong?!

"May problema ba Jema?" Nag-aalalang tanong ni Ate Ly sakin kaya mabilis akong umiling. Tumingin naman ako kay Ate Jia na naka-smirk sakin. Problema nito?

Lumapit siya sakin. "It's time." Bulong niya sakin at naglakad papasok ng resort.

Pumasok naman kami at pumunta sila Coach sa lobby ng resort. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumapit sila samin at nagsalita.

"So girls, okay na ang mga room niyo. 4 persons per room tayo okay? Kayo na ang bahala kung sino ang gusto ninyong makasama." Sabi ni Coach Tai.

"Jema, Jia, Kyla, tayo ang magkakasama." Sabi ni Ate Ly. "Pumunta na kayo sa mga room at magpahinga. Mamayang hapon, magbebeach volleyball tayo. Game?" Masayang sabi ni Ate Ly kaya nagliwanag ang aming mga mukha.

"Game!"

Habang naglalakad kami, may nakita ako na isang familiar na tao kaya humiwalay muna ako kina Ate Ly at nilapitan ito.

"Maddie?" Tanong ko kaya lumingon ito at tama nga ako. Si Maddie nga.

"J-jema? A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal niyang tanong.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now