Deanna's POV
*Fast Forward*
We are on our way na papunta sa Arena with my teammates cause we are going to be awarded later. Magkakasama naman daw sila Jema, Mafe at Cy na pupunta sa Arena. Halos hindi na mapakali itong katabi ko na si Ponggay dahil sa sobrang excitement kaya napailing na lang ako sa kakulitan niya.
Nang makarating na kami, maraming bumungad saming mga supporters. Nakipagpicture naman kami sa iba at tuluyan nang pumasok. Nakita ko naman sa may gilid ng court sila Jema kaya humiwalay muna ako sa mga teammates ko at nilapitan sila.
"Hi J." Bati ko sa kanya at sinuklian niya ako ng matamis na ngiti. Hindi ko siya pwedeng yakapin dahil maraming makakita.
"Ate Deanna, kanina pa nagsusungit yan kasi daw ang tagal mong dumating hahaha." Sumbong ni Mafe sakin na tawang-tawa ngayon.
"Oo nga lodicakes halos magwala na yan dito kanina. HAHAHA!" Ginantungan pa ni Cy ang sinabi ni Mafe kaya itong si bb ko naiinis na.
"Tumahimik nga kayo! Wag kang maniwala sa mga yan B." Sabi niya sakin na masama ang tingin kina Mafe at Cy.
"Wag niyo nang pagtripan itong reyna ko. Salubong na naman ang kilay oh. HAHAH!" Nakatanggap ako ng isang malakas na hampas dahil sa sinabi ko. "Masakit yun B ah." Kunwaring naiiyak kong sabi habang hinihimas yung part na pinalo niya habang yung dalawa naman ay tawa lang ng tawa.
"Picture na lang tayo B." Aya ni Jema kaya lumapit ako sa kanya at nagpicture kami. Pinost na yun sa IG story niya. "Pumunta ka na dun at mukhang mags-start na."
"Okay. Mamaya na lang ulit ha. Lodicakes, Mafe, dun muna ako ha. Bantayan niyo itong si Jema baka may ibang lumapit dyan." Natatawang sabi ko.
"No problema Ate Deans." Kumindat sakin si Mafe habang si Jema napairap na lang dahil sa kakulitan namin.
Lumapit na ako sa isang side ng court kung nasaan ang mga may special awards.
"Hoy Wong, ano yung nakita ko?" Tanong ni Ced.
"Ano ba yun?" Painosente kong tanong. Si Celine Domingo lady tamaraw siya and katulad ko rin siyang may special award.
"Tigilan mo ako dyan Deans. So anong status niyo ni Mareng Jema?"
"Hmm kami na. Eh kayo ni Tots?"
"Nanliligaw pa lang siya." Nakangiting sagot niya.
"Ayieehh kinikilig siya." Asar ko sa kanya tsaka tinusok ang kanyang tagiliran. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nagstart na ang awarding.
"And for the best setter of this season, Ma. Deanna Izabella Wong."
Lumapit naman ako at binigay ang award. Kinuha ko naman yun at nagpapicture.
"Congrats Wongskie." Bati sakin ni Ced nang makalapit ako sa kanya.
"Congrats din."
After ng awarding, pumunta ako sa pwesto nila Jema para manood dahil maaaward pa kaming Lady Eagles after ng game. Champion na naman ang DLSU at inaward din kaming agad.
"Congrats ulit B. Tara mall tayo. Nag-aaya itong si Mafe. Okay lang ba?" Tanong ni Jema.
"Oo naman B. Let's go." Naglakad na kami palabas ng Arena. Marami kaming nakasalubong na fans na nagpapapicture at pinagbigyan naman namin. Habang naglalakad papunta sa parking lot, biglang nagring ang phone ko.
"Una na kayo sa car B. I'll just take this call." Paalam ko kay Jena at tumango naman siya.
Mom Calling...
OTP
"Congrats sachiii!!!"
"Thanks Mom."
"Kailan ka uuwi dito sachi? We really miss you na." This is Ate Cy's voice.
"After ng school year Achi."
"You should go home Izabella. We are going to talk about something." Seryosong sabi ni Dad. Alam kong alam na niya ang tungkol samin ni Jema.
"Dean, wag mong takutin ang bata. Sachi, take your time okay? Basta umuwi ka dito ha. Congrats again sachi. We miss and love you!!" Mom said.
"Okay Mom. Thanks again. I miss and love y'all." I ended na call. Pumunta na ako sa parking lot at pumasok sa kotse.
"Sino yung tumawag B?" Tanong ni Jema.
"Family." I shortly replied dahil wala na ako sa mood. Hindi na siya nag-abalang nagtanong dahil alam niyang wala nga ko sa mood. Agad namang pinaandar ni Cy ang kotse and we headed to the Ayala Malls.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)