Chapter 16

6.6K 137 0
                                    

Deanna's POV

Jema is currently driving and we're on our way papunta Laguna. Si Mafe ayun tulog samantalang yung bb ko naman ay seryosong siyang nakatingin sa daan. Magulo nga.

"Bb." Panimula ko habang nakatingin sa kanya.

"Hmm?" Hum niya nang hindi man ako tinignan kahit sandali lang kaya napapout na lang ako.

"Wala." Sumandal na lang ako at pumikit.

.....

"DEANNA WONGGGG!!!" Bigla akong napabalikwas dahil sa sigaw sakin ng kung sino.

"Ha? Sunog? Saan?!" Bulyaw ko rin pero tawa niya lang ang tanging narinig ko kaya bumalik ako sa realidad.

"Ano ba yan Mafe! Bakit mo ba ako sinigawan?" Inis na tanong ko sa kanya at umayos sa pagkakaupo.

"Ang epic ng mukha mo Ate Deans HAHAHAHA! Nandito na kasi tayo sa Laguna. Nauna nang pumasok si Ate sa loob dahil tulog mantika ka dyan kaya sakin ka pinagising." Sagot niya habang tawang-tawa pa rin.

"Then why do you need to shout?" Kunot-noo kong tanong.

"Ang tagal mo kasing gumising kaya sinigawan na kita. Effective dba? HAHAHA tara na. Naghihintay na sila sa loob." Umalis na sya at pumasok. Inayos ko muna ang sarili ko at kinuha yung mga dalang donuts and flowers para sa Mama ni Jema. Naabutan ko silang nagke-kwentuhan sa sala pagkapasok ko.

"Uhm good afternoon po." Kinakabahang sabi tsaka tumingin kay Jema. Nilapitan naman niya ako at kinuha ang bitbit kong donuts.

"Oh iha magandang hapon din sayo. Halika maupo ka muna rito." Nakangiting alok nito.

"Salamat po. Para po pala sa inyo." Binigay ko sa kanya yung flowers at tinanggap niya ito.

"Naku salamat. Maghahain lang ako saglit ha." Naglakad na siya papunta sa kusina nila. Umupo naman ako sa couch. Kaharap ko ngayon ang Papa ni Jema. Huhuhu lord tulungan niyo ako.

"Kamusta ka naman iha, Deanna dba?" Tanong niya sakin na seryosong nakatingin.

"A-ah o-po. O-kay naman po." Nauutal kong sagot sabay yuko. Nakakahiyaaa.

"Didirestuhin na kita Deanna, hindi kita gusto para sa anak ko." Parang nawalan ako ng pag-asa sa sinabi niya.

I sighed first at nagsalita. "Gagawin ko po ang lahat at nang magustuhan niyo po ako para kay Jema. Mahal na mahal ko po siya Sir at ipaglalaban ko po siya kahit anong mangyari."

"Kahit anong gawin mo, hindi ikaw ang karapat dapat para sa anak ko." May diin niyang sabi kaya napayuko na lang ako. "HAHAHAHAHA!" Nagulat naman ako kung sino ang tumatawa kaya nang pag-angat ko, Papa pala ni Jema yung tumatawa.

"Masyado kang seryoso iha. Wag kang kabahan hahaha." Tumayo siya at tinabihan ako. "Nakikita ko kung paano ka tignan ng anak ko. Kitang-kita ko sa mga mata pa lang niya ah na masaya siyang kasama ka. Suportado ko kayo. Kung saan sasaya ang anak ko ay doon din ako." Nakangiting sabi niya at tinapik ang balikat ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko naman hindi ako papasa.

"Pero may hihilingin lang sayo ako sayo Deanna." Naging seryoso na siya ulit.

"Ano po yun sir?"

"Wag na wag mong sasaktan at iiwan ang anak ko dahil kapag nangyari yun, hinding-hindi kita mapapatawad. Tawagin mo na rin akong Papa."

"Hindi ko po maipapangako na hindi ko siya masasaktan but I promise po na hinding-hindi siya iiwan at mamahalin ko siya ng buong buo Papa." Nakangiting sabi ko. Ang sarap sa feeling na welcome ka sa family ng taong mahal mo.

"Mukhang seryoso ang usapan ninyo Papa ah. Baka tinatakot mo itong bb ko hahaha." Biglang sulpot ni Jema kaya napatingin kami sa kanya.

"Hahaha masyado kasi siyang kinabahan at nahihiya. Pinapagaan ko lang ang loob niya."

"Kakain na daw!!" Sigaw ni Mafe kaya tumayo na kami ni Tito este Papa. Hihihihi.

Bago kami kumain syempre we prayed first then started eating.

"Taga saan ka pala Deanna?" Tanong ni Tita Fe.

"Sa Cebu po ma'am." Sagot ko tsaka sumubo.

"Masyado ka namang pormal hahaha. Mama na lang ang itawag mo sakin."

"Sige po m-mama." Nahihiyang sagot ko.

Tinanong din nila ako about sa family ko at sinagot ko naman. Nasabi ko rin na uuwi ako ng Cebu next week and balak ko sanang isama si Jema kaso may training camp sila. Sad :(

Nag-alok ako na maghugas ng plato pero tumanggi sila dahil bisita raw nila ako at magpahinga na lang sa kwarto. Dun sa kami sa kwarto ni Jema tapos sila Papa, Mama at Mafe ang magkakasama.

"Seryoso mo naman." Sabi ng kung sino kaya napatigil ako sa pag-aayos ng damit at nilingon siya.

"Hahaha di naman. So what brings you here?" Tanong ko at binalingan ulit ang mga damit ko.

"Wala lang. Sabi ko na e bet na bet ka nila mama at papa. Natakot ka sa sinabi ni papa sayo nung una noh? HAHAHA!" Halos mamatay na siya kakatawa at nahiga sa kama.

"Tuwang-tuwa ka Pangs ah." Singit naman ng isang pamilyar na boses.

"Pano ang epic ng mukha ni Ate Deans nung kinausap siya ni papa." Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa kaya napailing na lang kami ni Jema sa kabaliwan niya.

"Bb, Ano bang sinabi sayo ni Papa kanina?" Tanong niya at tumabi sakin. Niligpit ko muna yung mga damit ko at kinwento sa kanya yung nangyaring usapan namin ni Papa.

"Nahalata ka kasi niyang kabado. Ayan tuloy napagtripan ka." Oh dba ang lakad makaasar ng magkapatid na parehong tawang-tawa ngayon.

"Magkapatid nga kayo." Inis na sabi ko at padabog na pumasok sa cr.

"HAHAHAHA PIKON!" Rinig kong sigaw ni Mafe pero hindi ko na pinansin. I did my night routine na and pagkalabas ko, si love na lang ang nandito.

"Oh nasaan si Mafe?" I asked and sat beside her.

"Tinawag na nila mama."

"Ang saya ko love." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?"

"Kasi tanggap nila kung anong meron tayo. Like they're not against us. Sana ganun din si Dad." Bigla naman akong nalungkot. Knowing dad na hindi niya ako matatanggap the way he talked to me nung tumawag si mom sakin after kong naaward na best setter.

"Hindi naman ako nagmamadaling ipakilala mo ako sa kanila B. No matter what happens, hindi tayo susuko at ipaglalaban ang isa't isa, okay? Smile ka na bb." Dahil sa sinabi niya nawala bigla yung lungkot ko at napalitan ng ngiti. What did I do to have this kind of girl?

Dumiretso na siya sa cr at naghilamos. We cuddled muna bago natulog. Hehehe.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now