Chapter 37

6K 122 3
                                    

Jema's POV

First game ng Lady Eagles mamayang 4pm laban sa UP. Hindi ako makakapanood ng live dahil may afternoon training kami. Tapos hindi pa rin kami nakakapag-usap tungkol sa nangyari sa mall. Sad :(

"Oh nakasimangot ka na naman dyan." Sabi ni Ate Jia at tumabi sakin. Water break kasi namin ngayon.

"Hindi na nga kami nakapag-usap ng maayos ni Deanna, hindi pa ako makakapanood ng game nila live." Malungkot kong sagot at napayuko.

"Hayayay pag-ibig nga naman. Just give her time muna Mare Mali kasi ang ginawa mo at nasaktan siya doon." Singit naman ni Kyla.

Napatingin ako kay Kyla at nagsalita. "Ayoko lang na magselos siya kay Ron."

"Pero yung ang nangyari." Mabilis na wika ni Ate Jia kaya mas lalo akong nainis sa sarili ko. Ang stupid mo Jema!

"Gusto ko siyang makausap Jema." Biglang naging seryoso ang tono at mukha ni Ate Jia.

"B-bakit Ate?" Kinakabahan kong tanong.

"Basta. Gusto ko siyang makausap. Tawagan mo na siya ngayon at papuntahin mo dito after training." Sagot niya atsaka umalis.

"Buti na lang at kaibigan kita Jema. Kung hindi, baka matagal na kitang nasaktan." At umalis na rin si Kyla kaya naiwan akong mag-isa dito. Huhuhu! Bakit ko ba kasi ginawa yun?!?

Agad kong tinawag si Ron.

OTP

"Hello Jems!" Masayang bati niya.

"Hi." Walang ganang sagot ko.

"Ang tamlay mo ata?"

"Hindi naman."

"Bakit ka pala napatawag?" Tanong niya.

"Magkita tayo dito sa upper deck mamayang 5:30 pm." Seryosong sabi ko.

"Sure!" Binaba ko na yung tawag at bumalik sa pagte-training.

Pagkatapos ng training, nagpahinga muna kami bago magshower. After that, tinext ko si Ron.

To: Ron
Where r u?

Agad naman siyang nagreply.

From: Ron
Paakyat na. Yiee excited siyang makita ako.

Nakaramdam ako ng inis sa reply niya. Assuming siya!

"Saan na daw siya?" Tanong sakin ni Ate Jia habang inaayos ang gym bag niya.

"Paakyat na daw." Sagot ko at inayos na rin ang gym bag ko.

"Ma'am Jema, may naghahanap po sa inyo. Boyfriend mo daw." Sabi ng isa sa mga guard dito. Taka namang tumingin sakin yung mga teammates ko. Pati rin ako nagtataka.

"Wala po akong boyfriend." Sabi ko kay Manong Guard.

"Girlfriend lang po meron tong kaibigan ko." Nakasmirk na sabi ni Kyla. Bigla namang dumating si Ron.

"Jems!!" Sigaw niya at lalapit sana sakin pero pinigilan siya nung guard.

"Siya daw po yung boyfriend mo." Sabi pa ni Manong Guard.

"Hayaan niyo siya Kuya." Walang emosyong utos ni Ate Jia kaya binitawan nung Guard si Ron at dali-dali siyang lumapit samin.

"Jem---" Hindi na pinatapos ni Ate Jia si Ron.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now