Chapter 7

8K 156 3
                                    

Jema's POV

"Girls, we don't have training tomorrow dahil si Coach Tai kasama ng mga Lady Eagles sa laban nila bukas." Sabi ni Ate Ly. "Sino-sino ang mga manonood bukas?" She asked.

"Me." Kyla.

"Ako." Ate Jia.

"Ako rin." Risa.

Nagtaas na rin ako ng kamay.

Kakatapos lang namin sa morning training at nagpapahinga kami ngayon sa dorm. Bukas na pala yung laban ng mga Lady Eagles at Lady Tamaraws.

"Sya sige, magluluto na kami ng lunch." At naglakad na siya papunta ng kitchen kasama si Ate Pau.

"Jems, kamusta kayo ni Deanna?" Tanong ni Kyla habang nanonood ng TV.

Shocks. Nakalimutan ko siyang itext. Mamaya na lang baka naglu-lunch pa yun.

"Okay lang." I shortly said.

"Nakikita ko kung gaano ka kasaya pag kasama siya. Iba yung ngiti mo. Just follow your heart Jems. Support ko kayo." Nakangiti nyang sabi.

"Ang drama mo Kyla hahaha. Pero thank you."

"Ano ka ba wala yun. But once na sinaktan ka ni Deanna, hay naku. Ako makakalaban niya. Alam mo paano ako nagalit nung niloko ka ni Fhen." Inis niyang sabi.

Halos maubos lahat ng bad words na alam niya dahil sa galit niya kay Fhen nung gabing nalaman niyang niloloko na pala niya ako. May kasama siyang babae at partida, naka one night stand na pala niya yon. Kung hindi lang namin pinigilan si Kyla baka napatay na niya si Fhen. Oo, kalog at parang isip bata si Kyla pero pagdating sa mga issue ng kaibigan niya, nagiging seryoso siya. Alam kong hindi magagawa sakin ni Deanna yun dahil ngayon pa lang, nakikilala ko na kung ano talaga siya. Mabait, thoughtful, masiyahin, friendly, minsan cold, laging nanlalambing pero alam kong may different side pa siya.

"Basta kapag may problema or issue kayo sa isa't isa, pag-usapan niyo lang." She added.

"Let's eat!!" Sigaw ni Ate Jia.

Nagsiupo na kami at nagdasal. Nagsimula kaming kumain habang nagkwekwentuhan. Pagkatapos namin ay ako ang nagligpit at naghugas ng mga pinggan dahil ako ang nakaschedule ngayon.

Agad naman akong natapos at tumungo sa sala. Naabutan ko silang nanonood.

"Tapos ka na pala Jema. Wala raw tayong training ngayong hapon dahil tinutukan na nila Coach ang mga Lady Eagles para bukas." Bungad sakin ni Ate Jia.

"Ah okay. Kunin ko lang yung phone ko sa kwarto." Tumango naman siya at umakyat na ako.

Inopen ko naman agad ang phone ko at tinext si Deanna.

To Deanna:
Hey, katatapos lang namin kumain. Naglunch ka na ba? Don't skip meals huh.

Humiga muna ako saglit at pumikit.

*Beep*

Kinuha ko ulit ang phone ko at inopen ang message.

From Deanna:
Finish na po. Papunta na kami sa next class namin. Wala daw kayong training later?

Kawawa ambebe may pasok pa hahahaha. Charot.

To Deanna:
Wala daw kasi tututukan kayo nila Coach hahaha! Kaya magpahinga ka after training. Wag pupunta kung saan saan! May laban pa kayo tomorrow.

From Deanna:
Copy ma'am hahaha. Sige, I'll see you tomorrow na lang. Nandito na yung prof.

To Deanna:
See yah!

Tinabi ko muna ang cellphone ko at bumaba.

"Mareng Jema punta tayong mall. Window shopping tayo hehe." Aya sakin ni Ate Jia.

"Sama ako. Nakakaboring dito e." Singit naman ni Kyla.

"Ay bet ko yan. Palit lang akong damit." At umakyat ulit ako para magpalit ng damit.

"Captain, alis lang kami saglit nila Jema. Punta lang kaming UPTC." Paalam ni Ate Jia.

"Sige. Ikaw na bahala sa mga yan. Ingat kayo." Ate Ly answered at lumabas na kami ng dorm.

"Kaninong car gagamitin natin?" Tanong ko.

"Yung akin na lang." Alok ni Ate Jia at sumakay na kami sa kotse niya.

.....

Sabi nila window shopping lang pero ang dami nilang pinamili. Kakaiba rin itong dalawang toh. Syempre bumili na rin ako ng mga bagong damit.

"Kain muna tayo. Nagutom ako." Aya ni Kyla.

"Saan niyo gustong kumain?" Ate Jia asked.

"Nagcra-crave ako ng seafood. Tara sa seafood house na lang Ate Ji." Suggest ko naman at sumang-ayon naman sila. "Una na kayo dun. CR lang ako." And naglakad na ako palayo sa kanila.

Pagdating ko ng cr, walang tao. Pumasok ako sa isang cubicle. Naramdaman kong may pumasok pero hindi ko sana ito papansinin ng bigla niyang isinara ang main door ng cr.

Pagkalabas ko, nakita kung sino yung pumasok.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko siya kanya.

"Kukunin ka. Jema mahal kita alam mo yun at alam kong mahal mo pa rin ako. Bakit hindi na lang tayo magsama ulit?" Aba nababaliw na ata tong lokong to.

"Nasisiraan ka na ba Fhen? Okay na ako ngayon at masaya. Wag mo na akong guluhin ulit." At akmang lalabas ako pero hinarangan ako nito.

"Dahil ba kay Deanna? Nililigawan ka ba nung mayabang na yun?" Galit na tanong niya.

"Oo and I like her. Kaya wag na wag mo siyang sasaktan." Lalabas na sana ako nang bigla niya akong tinulak kaya napasandal ako sa pader.

Lumapit siya sakin at inilapit ang kanyang mukha kaya napapikit na lang ako dahil alam kong hahalikan niya ako pero bumukas ang main door at....































"Jema!!"

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now