Chapter 10

8.4K 154 11
                                    

Deanna's POV

"Hey Deans wake up. We still have class pa." Gising sakin ng kung sino at minulat ko ng aking mga mata.

"Ang aga pa lang Pongs e!" Maktol ko at nilagay ang unan sa mukha ko.

"Hoy Wong anong maaga? 7:30 na po oh. 8:30 ang class natin remember??" Sarcastic niyang sabi kaya halos tumalon na ako sa kama.

"Pongs naman e! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Inis kong tanong sa kanya.

"Wow ah? Kasalanan ko pa ngayon? Magshower ka na at hihintayin kita sa baba. Bilis!" Utos niya sakin.

I texted Jema first and immediately did my morning rituals at bumaba na. As usual, they are eating na.

"Good morning!" Masayang bati ko sa kanila.

"Good morning. Saya natin ngayon Deans ah." Sabi ni Ate Kat.

"Inlove kasi HAHAHA!" Asar sakin ni Ate Bea kaya napailing na lang ako at sinabayan sila sa pagkain.

"Ate Mads, papaalam sana ako. Aalis ako mamaya pagkatapos ng afternoon class." Paalam ko.

"And where are you going Ms. Wong?" Seryosong tanong niya.

"Kay Jema. I'm going to ask her for a date." Nakangiting sabi ko.

"Date? Tama ba narinig ko Wongskie?" Singit ni Pongs.

"Yes. We are official na."

"Wahhhh! I'm so happy for you Deans!!" Sabay yakap niya sakin.
"Stop it Pongs. I can't breath."

"Hehehe sorry." Sabay kalas niya sa pagkakayakap.

"Did I heard it right? Kayo na ni Jema?" This time si Ate Kat naman ang nagtanong.

Halos lahat na ng teammates ko nakikinig sa usapan namin.

"Ulit ulit? Gusto nyo isigaw ko pa para wala nang magtanong?" I sarcastically said pero tinawanan lang nila ako. "What's funny?"

"Ang aga mo namang magsungit Deans. HAHAHA! Nagtatanong lang naman sila." Dani.

"Whatever." At tinapos ko na yung breakfast.

"Let's go na Pongs. Male-late na tayo." Aya ko kay Ponggay sabay kuha ng school bag ko. "Una na kami. See you later guys." Paalam ko sa kanila at naglakad na kami ni Pongs palabas ng dorm.

"Alam na ba nila Tito yung tungkol sa inyo ni Jema?" Tanong ni Ponggay habang naglalakad.

"Not yet. I'm going to tell them na lang pagkauwi ko sa Cebu." I answered and she nodded.

"By the way, saan mo pala nakita si Ate Bea kagabi? Hindi na namin kayo nahintay because we are all sleepy and tired na rin." She asked.

"Somewhere in Antipolo. Don't worry, she's fine na rin naman." I smiled at her at nagpatuloy sa paglalakad.

Sakto lang kaming nakarating ng classroom dahil kakadating lang din ng prof namin. Physics ang subject and ughhh! I can't understand anything kaya lutang lang ako hanggang sa matapos yung oras.

"Hoy Wongskie, anong tinutunganga mo dyan? Baka gusto mo nang tumayo at pumunta sa cafeteria." Sarcastic na tanong ni Ponggay.

Hindi ko na lang siya sinagot at naglakad papuntang cafeteria. Nakita ko ang ibang rookies na kumakain kaya sumabay na kami ni Pongs sa kanila.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now