Jema's POV
Limang buwan...limang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si Deanna sakin. Pati ang mga teammates niya bigla na lang nawala na parang bula. Hindi sila naglaro sa season 81. Kami naman, nagchampion sa PVL Open Conference. Nung nalaman ng family ko ang tungkol sa nangyari samin ni Deanna, galit na galit sila at ayaw na nilang makita ulit o makalapit siya sakin pero umaasa pa rin akong babalik siya. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop and wala kaming training pero mamayang hapon, kailangan naming pumunta sa gym dahil may importanteng sasabihin daw si Coach Tai. Si Fhen? Ayun, patuloy pa ring nanliligaw kahit nirereject ko siya. And speaking of the devil, nandito na naman siya.
"Para sayo." Sabay abot ng flowers pero tinignan ko lang. "Baka gusto mong tanggapin?"
"Ayoko." Maikling sagot ko at humigop ng kape. Binaba naman niya yung mga flowers at umupo sa harap ko.
"Jema naman, it's been 5 months, si Deanna pa rin?" Inis niyang tanong kaya tinignan ko siya ng masama.
"Eh sa mahal ko talaga siya. Siya pa rin kahit masakit na. Hindi naman kita pinilit manligaw ha? Kaya okay lang kung tanggihan ko yang mga binibigay mo."
"Sagutin mo na ako and just accept the truth na wala na siya. Hindi na siya babalik sayo dahil hindi ka niya naaalala." Bigla namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hahaha nakita ko si Deanna kasama si Michelle Cobb sa isang resort. Balita ko, naka fixed marriage sila." Nag-init ang ulo ko at tumayo.
"Hindi ako naniniwala sayo!" Wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao dito.
"Tss, magmumukha ka lang tanga Jema. Hayaan mo na siya. Masaya na silang dalawa! Maging masaya na lang din tayo." Naka-smirk niyang sabi.
Hindi ko na siya pinansin at lumabas ng coffee shop. Nagdrive ako pauwi sa dorm.
"Oh Jema, salubong na naman yang mga kilay mo." Sabi sakin ni Ate Jia nang makita niya akong pumasok.
"May asungot lang kasi na nanira ng araw ko." Pabagsak akong naupo sa couch.
"Sino naman?" Tanong niya at naupo sa harap ko.
"Feeling ko, Emnas yung apelyido." Sagot naman ni Kyla na kakababa lang.
"Ano na naman bang ginawa niya sayo Jema?" Inis na tanong ni Ate Jia. Odba pati siya galit kay Fhen.
"May sinabi siya sakin."
"Ano?" Sabay nilang tanong.
"Hindi na daw babalik sakin si Deanna. Hindi daw niya ako naaalala. Magkasama daw sila ni Michelle si isang resort and masaya daw sila." Hindi ko alam pero kahit walang katibayan ang mga sinasabi niya, nasasaktan ako. Pano kung totoo? Pano kung iniwan na nga niya talaga ako?
"A-ah Jema, wag mo na lang pansinin yung sinabi niya. S-she don't have proof namn dba? Ginagawa niya lang naman siguro yun para siraan niya si baby Deans sayo." Kinakabahang sabi ni Ate Jia kaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka.
"Anyare sayo Ate Ji?" Tanong sa kanya ni Kyla pero umiling lang si Ate Jia.
Ilang minuto pa ang nakapalipas nang magsalita ulit ang isa samin.
"Pumunta na tayo sa gym." Seryosong sabi ni Ate Jia. Tumayo naman kami at naglakad palabas ng dorm. Kotse ko na lang ginamit namin.
Pagdating sa gym, kumpleto na ang players at tanging mga coaching staff na lang ata ang hinihintay namin.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)