Deanna's POV
Last night na namin mamaya dito sa resort at nandito pa rin ang creamline. I'm planning to ask Jema tonight to be mine again. Syempre I'll put some effort na. Humingi ako ng tulong sa ibang teammates ni Jema, teammates ko and sa teammates ni Mafe.
*Flashback*
Gumising ako ng 2 am para pagplanuhan yung gagawin ko mamayang gabi.
"Pongs, wake up." Gising ko kay Ponggay na mahimbing pa ang tulog.
"Deans naman e. Bakit kasi ngayon mo pa naisipang iplano to? Pwede namang mamaya na lang ng umaga e." Maktol niya habang kinukusot ang mata niya.
"Sige na Pongs oh. Don't worry kapag bumalik tayo ng Manila, ililibre kita." Halos tumalon na siya sa kama niya nang marinig yung sinabi ko.
"Ano pang hinihintay mo dyan Wongskie? Tara na." Nauna pa siyang lumabas ng kwarto. Aba, nakalimutan niya atang may iba pa kaming kasama dito sa kwarto.
Nilapit ko naman sina Ate Bei at Ate Mads at ginising. Di naman ako nahirapang gisingin sila dahil sila nga ang nagpush sakin na gawin ito. Pinuntahan din namin ang ibang ALE at ginising.
Nang makarating kami sa mala-hotel na building kung saan yung mga rooms ng cool smashers, naabutan na namin sila Ate Jia, Ate Ly, Ate Risa, Ate Mich, Ate Pau, Kyla at iba pa nilang teammates na naghihintay.
"Wow, dumating pa kayo." Naka cross arms na sabi ni Kyla.
"Eh si Pongs kasi ang tagal gumising." Turo ko kay Pongs.
"Hoy! Anong ak---" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil binatukan na siya agad ni Ate Bei.
"Ang ingay mo! Baka magising yung reyna." Inis na sabi niya pero syempre mahina lang.
Pumunta kami sa private lounge ng resort para wala talagang ibang makarinig samin. Nang makarating kami, nadatnan na naming naghihintay ang UST Team.
"Ang tagal niyo naman Ate Deans." - Mafe.
"Sorry hehe. Let's start na." Sabi ko atsaka sila nagsiupo. "So my main plan is to make Jema jealous para magwork talaga yung plan." Panimula ko.
"How?" Tanong naman ni Ate Jia.
I cleared my throat. "Aawayin ko siya and then Ysa will enter the scene." Sabay tingin kay Ysa na parang inaantok pa.
"Siguro ka baby D? Hahaha baka hindi ka na sagutin nun." - Ate Ly.
"Uy grabe Ate Ly ah. There's more. We're going to try some obstacles dito sa resort." I added.
I told them na sila na ang bahalang magpaayos ng lahat. Yung mga volleyball kung saan nakasulat yung 'will be you be my girlfriend again?', yung flowers of course, then yung table and chairs na nasa tabi ng seashore, lalagyan ng petals ang sand, guitar, and most specially yung inorder ko na necklace na may pendant na 'D' and 'J'. They all agreed naman sa plano ko so walang problema.
"Boss mapagmahal for the win!" Sabi ni Dani.
"Basta Deans, may bayad to hahahaha." Natatawang sabi naman ni Ate Ly.
"Hahah no problema Ate Ly. Pagbalik ng Manila, ako bahala sa inyo." Lahat sila napahiyaw sa sinabi ko kaya agad silang sinuway ni Ate Jia.
"Shhhhh!!!! Wag kayong maingay! Baka magising yun at hindi gumana ang plano. Kayo din sige." Suway niya.
"Oh pano Ate Deans, una na kami. Good luck satin mamaya." Paalam nila Mafe. Bumalik na kami sa kanya-kanyang kwarto at natulog ulit.
End of Flashback
"Hoy Wong! Ano na namang iniisip mo? Tumayo ka na dyan at magbe-breakfast na tayo." Tumango na lang ako sa kanya at pumasok na sa cr. I did my morning routine first at dumiretso na papunta sa kanila. Naabutan ko na silang kumakain. As always.
"Good morning baby D." Bungad sakin ni Ate Jia.
"Good morning din." Kumuha muna ako ng pagkain at naupo sa harap ni Jema. "How's your sleep bb?" Tanong ko sa kanya.
"Wow maka-bb ka Wong, jowa mo? Jowa?" Singit ni Risa.
"Hahaha wala ka pala Wongskie e." Asar sakin ni Pongs. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at nagsimula nang kumain.
.....
"So anong plano nyo pagbalik ng Manila?" Tanong sakin ni Jema. Naglalakad kami ngayon sa tabing-dagat.
"Hmm we're going to train again. Maglalaro kami ulit sa season 82." I answered.
Napatigil siya sa paglalakad. "Yun lang?" Tanong niya ulit kaya napatigil din ako.
"Why? Meron pa ba dapat?"
"Ang sama mo talaga Wong! Hindi ba ako kasama sa plano mo?" Sabay walk-out. Hala, siya yung nang-away. Pero okay lang, at least gagano yung plano. HAHAHA! (evil laugh)
So ayun, hindi ko na alam san siya pumunta kaya bumalik na lang ako sa room namin at nadatnan ko ang tatlo.
"Oh bat ka nakasimangot?" Tanong sakin ni Ate Bei nang makapasok ako.
"Inaway ako ni Jema."
"HAHAHA! Okay lang yan baby D. You're plan is working out." Sabi naman ni Ate Mads.
"She's right Deans. Ano bang ginawa ko at inaway ka nun?" Tanong sakin ni Pongs. Kinwento ko naman ang naging usapan namin ni Jema.
"HAHAHAHAHA! Baliw ka pala Deans!" Ate Bei chuckled kaya nabatukan na lang siya ni Ate Mads sa kaingayan niya.
"Just stick to the plan Wongskie." Seryosong sabi ni Pongs at tumango naman ako.
.....
"Hey guys! Let's try that!" Sabay turo ni Dani sa isang wall climbing. Hindi siya ganun kataas kaya hindi na kailangang gamitan ng tali for support. May foam naman sa baba.
Nandito kami sa isang part ng resort kung saan puro obstacle courses. We've already tried some it like savage race, rugged maniac, spartan race, etc. Naeenjoy at kinakaya naman namin. Parang nasa training lang din kami. Workout. Ganern. Hindi pa rin ako pinapansin at kinakausap ni Jema tapos si Ysa todo lapit sakin HAHAHA! Don't get me wrong ha, it's part of the plan. Wag kayong ano dyan!
So ayun, nauna ang ibang lady eagles at cool smashers. Magpapahuli na lang ako. Nung si Jema na ang magta-try, syempre nakaabang ako sa baba at baka mahulog ang bb ko pero madamot talaga ang tadhana. Nakaakyat si Jema ng hindi man lang nalaglag. Then bumaba na sila gamit yung rope. It's the UST Team's turn. Sa di inaasahang pangyayari, nakaabang pa rin ako sa baba nang biglang nahulog si Ysa at nasalo ko siya. Uh oh, I don't think this is part of the plan.
Napatingin ako kay Jema na masama ang tingin samin kaya dali-dali kong siyang binaba. But it's too late, nagwalk out na naman siya.
"Is that part of the plan?" Biglang tanong ko kay Ysa. Lahat sila nakatingin lang at nakikinig samin.
"Sorry Deans. That's not my intention. Pero wag kang mag-alala, tutulungan naman kitang iexplain kay Jema." Nakangiting sagot kaya nakahinga kami ng maluwag.
"Maggagabi na guys. Let's take a shower muna tapos simulan na natin yung last part ng plan." Suggest ni Ate Jia. Last part of the plan: lalagyan nila Ate Ji ng blindfold si Jema tapos dadalhin siya dun sa seashore where everything is all settled. Then boom!
So ayun, we headed back to our rooms and took a shower.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)