Jema's POV
Nakita ko na siyang muli. Pero bakit hindi niya ako makilala? Ano ba talaga ang nangyayari?! Pinanood ko lang silang makalayo ni Ponggay at naiwan na naman akong tulala.
"Shocked?" Napalingon ako sa nagsalita and I saw Ate Jia na naka-smirk. "Mamaya ka na mag-isip na kung ano-ano dyan."
Hinila niya ako papunta sa mga teammates namin na nagkekwentuhan. "Aly, let's play beach volleyball na." Singit ni Ate Ji.
"Let's go!" Masayang sagot ni Ate Ly at naunang naglakad samin. Nakita niyang may mga tao sa court kaya nagtanong siya.
"Can we join?" Napalingon sila samin at nagtatakang tumingin si Deanna.
"Ate Ly?" Tanong niya.
"Ako nga baby D." Bigla na lang siyang niyakap ni Deanna.
"Ako baby D, hindi mo naaalala?" Tanong ni Ate Jia na katabi. Kumalas naman si Deanna sa pagkakayakap nila ni Ate Ly.
"Uhmmm..." Nag-isip pa siya at inuusisang mabuti si Ate Jia. "Ate Jia?"
"Ako nga!" Sinalubong siya ng yakap ni Ate Jia. "I missed you baby D! Hahaha mamaya na itong drama. Let's play muna. Lady Eagles vs Cool Smashers. Game?" Sabay tingin sa mga ALE.
"Game!" Sagot nila.
So sa team namin: Ako, Ate Ly, Ate Jia, Risa, Ate Pau and Kyla. Sa kabila naman: Maddie, Kat, Bea, Deanna, Ponggay, Jules and Dani.
Nagstart ang first set at service ni Ate Jia, receive ni Dani, sinet ni Deanna kay Kat, off the block! 0-1. Service ni Deanna, receive ni Ate Ly, sinet sakin ni Ate Jia pero nablock ako. Tatangkad kasi ng mga Atenistang to. Nagpatuloy ang first set at nakuha nila. 23-25.
"Grabe, sanay na sanay sila sa buhangin." Manghang sabi ni Kyla habang umiinom.
"Ikaw ba naman magstay at maglaro dito ng 5 months." Sagot ni Ate Jia kaya kumunot ang mga noo namin. "Let's end the game first. Mamaya na kami mag-eexplain." Nauna siyang pumasok sa court, sumunod naman kami.
Nagstart ang seccond set and service ni Deanna, received by Kyla, quick set ni Ate Jia kay Risa then boom! Score! 1-0. Service ni Ate Ji, si Deanna ang nakareceive kaya sinet ni Dani kay Ponggay. Off the block. 1-1. Dumikit ang laban pero lumamang kami ngayon sa score na 15-13. Service ni Ate Ly, received by Jules, quick set kay Maddie pero na receive ni Ate Jia. Sinet ni Kyla sakin ni Kyla, sina Deanna at Bea ang magba-block sakin. Saradong sarado kaya nablock nila ako. Nagkatinginan kami ni Deanna. Deja Vu?!
Pagkatalikod ko, bigla na lang sumigaw ang isa sa kanila.
"Deanna!" Pagkalingon namin, nakahiga na si Deanna sa buhangin kaya lumapit kami sa kanya.
"Anong nangyari?!" Tarantang tanong ni Ate Jia.
"Nakaaalala na naman siguro siya dahil nagstaredown sila ni Jema kanina dba?" Sagot naman ni Bea.
"Mabuti pa dalhin niyo muna siya sa kwarto." Sumunod naman sila kay Ate Ly. Hiniga nila si Deanna sa kama.
"What happened?" Tanong ng isang babaeng kakarating lang.
"Nakaalala ulit siya." Sagot sa kanya ni Mads kaya dali-daling lumapit yung babae kay Deanna. "Hayaan mo muna siyang magpahinga." Dagdag ni Maddie.
Biglang napatingin yung babae sakin ng masama. Nilapitan ako at sinampal.
"MICHELLE!" Galit na suway sa kanya ng mga teammates niya.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)