Deanna's POV
*Fast Forward (April 15)*
Training na naman. Hay naku! Puspusan ang training namin para sa Final Four and we want to win the championship title for Ate Jho and for the other graduating players.
"Good morning Deans." Bungad sakin ni Ate Maddie nang makababa ako.
"Good morning din." Nagtimpla ako ng kape at tumabi sa kanya.
"Wongskie, may lakad ka after class?" Tanong ng bagong dating na si Ponggay na parang kagagaling lang sa pag-jogging.
"Meron. Ngayon yung date namin este lakad ni Jema." Biro ko.
Naging close kami kahit sa text lang. Nagtanong ako about sa kanya and then vice versa pero di ko siya sinagot kasi sabi ko pag nagmeet na lang kami. HAHAHA!
"Ihh patulong sana ako sa assignment natin. Pakopya na lang?" At nagpout pa siya.
"Eww Pongs hindi bagay sayo hahaha!" Asar sa kanya ni Ate Bea kaya natawa kami.
"Wag ka nang magpacute dyan. Sige kunin mo na lang sa study table ko dun."
"Yehey! Thank you Deans! Alabyow!" Nagpalundag-lundag pa ito.
"Isip bata." Bulong ko.
"Parang ikaw hindi hahaha." Singit ni Ate Jho. "Narinig ko yun."
"Guys, mag-ayos na kayo. We need to go to the BEG." Utos ni Ate Maddie.
"Aye aye Captain!" Sabay-sabay naming sabi kaya napailing na lang si Ate Mads.
.....
*Priiiiitttt!*
"Gather here girls." Coach Tai said kaya nagsama-sama kami.
"I know all of you are already tired but we need to continue the training. You want to enter the championship game and title, right?" Tumango naman kami. "Tiyaga lang girls. Deanna, you're the play maker. Bigyan mo ng magandang set ang mga spikers kung kaya ha."
"I will coach." Nakangiting sagot ko.
"Spikers, lakasan niyo pa ang palo niyo. Kapag alam niyo hindi maganda ang set, kayo na ang dumiskarte. Okay girls? Dismiss."
Nakahinga naman kami ng maluwag. Hay salamat tapos na!
Dumiretso na kami sa dorm. Yung iba nakatulog na agad dala na rin ng sobrang pagod. Nagpahinga lang ako saglit at nag-ayos dahil may lakad pa kami ni Jema.
"Ate Mads, alis na ako." Paalam ko.
"Mag-iingat ka Deans. Uwi kaagad ha." Tumango ako dito at sumakay sa kotse.
Tinext ko muna si Ate Jia bago nagmaneho.
Nang makarating ako sa tapat ng dorm nila, nakita ko siya na nakatayo sa may pintuan.
"Ate Jiaaa!!" Lumapit ako sa kanya at agad niyakap.
"Miss mo ko?" Kumalas siya sa pagkakayakap namin.
"Assuming mo naman Ate."
"Oh Deans, nandito ka na pala." Singit ni Ate Ly.
"Ate Ly!! Si Jema po nasan?" Niyakap ko siya.
"Wow ah di man lang nangamusta?" She pouted at me. "Mareng Jema! Nandito na si Bata!"
Lumabas naman si Jema and I waved at her. Ang simple niya manamit. Naka black V-neck shirt, shorts and shoes.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)