Chapter 43

6.5K 129 5
                                    

Jema's POV

OTP

"Jessica."

"Oh papa, napatawag po kayo?" Tanong ko.

"Umuwi ka dito Jema." Seryosong sagot niya.

"Bakit po?"

"May kailangan kang ipaliwanag samin. Bakit nababalitaang nagsasama kayo ulit ni Deanna?" Tanong nito. Shoot! Hindi ko pa pala nasabi sa kanila yung tungkol doon.

"Papa."

"Akala ko bang iniwan ka na nya?! Bakit magkasama kayo ulit?! Magpaliwanag ka Jema!" Ramdam ko ang galit niya.

"Pa, huminahon ka. Magpapaliwanag po ako pagkauwi ko dyan."

"Siguraduhin mo lang Jessica." Mga huling salitang narinig ko at binaba na niya ang tawag. Napabuntong-hininga na lang ako at tinabi ang phone.

*Tok tok tok*

"Jema, kakain na." Boses ni Ate Jia. Nandito na nga pala ulit ako sa dorm at si Deanna nasa Ateneo na. Medyo okay na ang pakiramdam niya kaya bumalik na siya ulit sa pagte-training. Bumaba na ako at kumain. After that, napagpasyahan ko munang pumunta sa dorm nila Deanna tutal wala silang afternoon class and training. Wala rin kaming training. Nagpaalam muna ako kay Ate Ly bago umalis. So yeah.

Pagkarating ko sa dorm nila ay tinext ko muna si Deanna.

To: bb
Nandito ako sa labas ng dorm niyo.

After a few minutes, bumukas ang door nila at iniluwal si Deanna. Bumaba naman ako sa kotse at sinalubong siya ng yakap.

"I miss you bb." Sabi ko sa kanya.

"Ilang araw pa lang tayong hindi nagkita ah." Kumalas siya sa pagkakayakap.

"Eh kahit na."

"Pasok tayo bb." Hinatak niya ako papasok sa dorm.

"Hi Jema!!" Masayang bati ni Ponggay sakin atsaka yumakap.

"Makayakap ka naman Ate Pongs hahaha." Natatawang wika naman ni Jaycel. Kumalas naman si Pongs at tumingin kay Jaycel.

"Bakit? Bawal? Ayan, payakap ka kay Yumi. HAHAHA!" Sabay belat pa ni Ponggay sa kanya.

"Ate Deans ohh!" Sumbong ni Jaycel sabay turo kay Ponggay.

"Hoy Gaston! Wag mong inaano itong alaga ko." Suway naman ni Deanna.

"Pinagpapalit ka na Jema oh." - Ponggay.

"Pinagpapalit agad? Hahaha." Napanguso na lang si Pongs sa sinagot ko.

"Nagkakasiyahan ata kayo dito ah." Biglang punta ni Maddie sa sala at napatingin sakin. "Oh Jema, napadalawa ka?"

"Miss na daw niya ako Ate HAHAH!" Si Deanna ang sumagot kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Lagot ka Deans hahaha!" Pananakot ni Bea.

"Dun na nga lang tayo sa room namin bb. Ang daming maiingay dito e." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.

"Hoy!"

"Baka anong gawin niyo dyan ah!"

"Wong!!"

Rinig naming tawag nila pero itong kasama ko hinatak lang ako papunta sa kwarto.

"Makahatak ka naman bb." Sabi ko nang makapasok kami sa kwarto.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now