Jema's POV
Nakakainis si Deanna! San naman kaya pupunta siya pupunta at parang mas importante pa yun kesa sakin. Di man lang siya nagsasabi.
"Salubong na naman yang kilay mo." Nilingon ko yung nagsalit at nakita si Ate Jia na nasa pintuan.
"Si Deanna kasi... Hindi daw kami tuloy dahil may pupuntahan siyang iba." Nakasimangot kong sabi.
"Naku Jema, may ibang babae na yun." Singit ni Kyla na nakaupo sa kama niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang." Sabi niya sabay peace sign.
"Hindi magagawa ni Deanna yun." Mahinahong sabi ko pero sa totoo lang gusto kong magwala.
"Pakinggan mo muna siya Jems. Bukas niyo gawin yung date niyo o kaya puntahan mo siya sa dorm nila dahil gabi na matatapos ang training nila tom." Suggest ni Ate Jia.
"Talino mo talaga Ate Ji." Pumapalakpak na sabi ni Kyla.
"Ako pa."
"Ang feeling." Pang-aasar ko sa kanya.
"Magthank you ka na lang Galanza." Sabi ni Ate Jia sabay irap. "Osya sige, magluluto muna kaming dinner. Tawagin ko na lang kayo pagkatapos." Lumabas na siya at naiwan kami ni Kyla.
.....
*Kinabukasan*
OTP
"Hoy Wong!" Bungad ko sa kanya.
"Ouch bb! Kailangan talagang sumigaw?"
"Saan ka?"
"Sa puso mo." Natatawa niyang sagot. Keleg eke.
"Tigilan mo ako Deanna. May kasalanan ka pa sakin. Nasaan ka nga?!" Inis kong tanong sa kanya.
"Sa dorm na po. Why?"
"Pupunta ako dyan."
"Huh? Gabi na bb. Baka mapano ka pa. Just stay there na lang." Halata sa boses niya ang pag-aalala.
"Hindi. May kailangan tayong pag-usapan."
"Hmm okay. Drive safe ha. I love you."
"K." I ended the call.
"Ang harsh mo kay Boss D." Nagulat ako dahil may biglang nagsalita at nakita ko si Kyla na palapit.
"Dapat lang sa kanya yun." Mataray kong sagot.
"Ay taray."
"Tumahimik ka na lang. Mainit ang ulo ko." Napapikit na lang ako dahil sa inis.
"Okay. Okay." Lumabas siya ng kwarto. Tumayo naman ako at nagshower.
After that, napagpasyahan ko nang pumunta sa dorm nila.
*Tok tok tok*
Pagbukas ng pinto, si Jho ang sumalubong sakin. Bakit siya nandito?
"Gulat ng gulat? Hahaha." Natatawang tanong niya. "Tara nga." Hinila niya ako papasok but still tulala pa rin ako.
"Baby D! Nandito na si bb mo HAHA!" Sigaw ni Bea.
"Hi Jema!" Bati sakin ni Ponggay at niyakap ako. "Bakit tulala ka?" Natatawang tanong. Bakit ang saya nila?
"Anong meron?" Halatang naintindihan nila yung tanong ko kaya nagkatinginan sila.
"Bb." Napatingin ako kay Deanna na kakababa lang. Yayakapin niya sana ako pero pinigilan ko siya.
"Explain." Sabi ko.
"Lagot ka Deans."
"Luhh."
"Naku po."
"Explain what?" Painosenteng tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Okay, okay. Upo muna tayo."
Umupo naman kami sa couch at ganun din ang lady eagles. Bumuntong-hininga muna si Deanna bago nagsalita.
"Pinapunta ako ni Ate Jho sa house niya 'coz she needs someone to talk daw. Um-oo na ako dahil naririnig ko siyang umiiyak and it's like something's wrong. Then yun, she told that Nico cheated on her." Tumingin muna siya kay Ate Jho bago nagpatuloy. "We went to Nico's condo unit. Pagkarating namin doon, he's half naked then may babae sa room niya na nakatakip ang katawan sa blanket. Binugbog ni Ate Bei si Nico while Ate Jho is slapping the girl."
"Hindi niyo sila pinigilan?" Tanong ko.
"Pinigilan namin ni Deans si Ate Jho. Pero si Ate Bei hindi napigilan. Bugbog sarado yung lokong yun." Sagot naman ni Pongs na parang naiinis.
"At kaya nandito ako because I'm going back to the team and I'm going to stay here sa dorm." Nakangiting sabi naman ni Jho.
"Bakit ka pala napasugod dito Jema? Akala mo kung anong pinaggagagawa ni baby Deans noh hahahaha!" Napatawa rin ang ibang lady eagles dahil sa sinabi ni Ate Mads.
"Oo e." Kamot-batok kong sagot.
"Don't worry, bantay sarado si Deans samin. Isusumbong namin siya agad sayo kapag may ginawa siya hahaha!" Tuwang-tuwang sabi ni Kat.
"Okay na bb? Wag ka na mainis sakin. Kailangan lang talaga ako ni Ate Jho that time." Nakangusong sabi ni Deanna at humiga sa balikat ko.
"Hayy oo na, oo na. Basta sabi mo babawi ka ah." Sagot ko at nag-angat naman siya ng tingin.
"I will bb."
"Osige, magpahinga na kayo. Sorry sa abala ha. Uuwi na ako ng dorm." Paalam ko atsaka tumayo. Kiniss ko si Deanna sa cheeks.
"Pakiss nga rin ako Jema." Palapit sakin si Pongs pero binatukan siya ni Deanna. "Aray!! Joke lang Wongskie!"
"Sige na bb. Wag mo nang pansinin tong isip batang to."
"Hiyang-hiya ako sayo Deans ah." Sabi ni Ponggay.
"Ingat ka Mare!" Sabay-sabay nilang sabi. Hinatid naman ako ni Deanna sa car ko.
"Pasok ka na sa dorm niyo bb. Matulog ka na agad ha. Love u." Sabi ko sa kanya at niyakap siya.
"Love u too bb. Ikaw din." Shee kissed my forehead. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako. Umuwi na ako sa dorm.
"Oh nakakuha ka ng sagot?" Tanong sakin ni Ate Jia nang makita ako.
"Oo." Maikling-sagot ko at pabagsak na umupo sa couch.
"Kwento naman dyan mare!" Sabi naman ni Kyla. Inaya ko naman sila sa kwarto at doon na lang ako magke-kwento. Sumunod naman sila.
Huminga muna ako ng malalim bago nagkwento.
"Naku kapag nakita ko yang Nico na yan, mapapatay ko siya." Inis na sabi ni Ate Jia matapos marinig ang kwento ko.
"Oo nga. Dapat sa mga manlolokong yan pinapatay katulad nung Emnas na yun." Napatingin naman ako ng masama kay Kyla. Binatukan naman siya ni Ate Jia.
"Bakit kailangan mo pang sabihin yun?" Tanong ni Ate Jia sa kanya.
"Okay lang yun Ate Ji. Naka-move on na nga dba." Sagot ko naman kaya nakahinga ng maluwag si Kyla na hinihimas yung batok niya.
"Naku naku. Siya sige, maghilamos ka na Jema at matulog na. Good night." Sabi ni Ate Jia.
"Good night Ate Ji." Sabay naming sabi ni Kyla.
Pumasok naman ako sa cr and did my night rituals. Pagkatapos ay humiga na ako at natulog dahil may training na naman bukas.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)