Deanna's POV
*Going back to MNL*
Hindi kami sabay ni Jema na umuwi sa Manila dahil magkaiba yung flight namin so yah. Pero dating gawi lang. If I have time, I'm going to pick her up sa upper deck then ihahatid sa dorm. Pero kung wala, I'm sure she'll understand that.
It's only 6:30 am and sobrang tahimik ng campus. We're going to BEG and we're gonna train again 'coz we want to bounce back this Season 82.
When we entered the BEG....
"Welcome back Lady Eagles!!!" Sigaw ng mga coaching staff and rookies ata.
"Wahhhhh. We missed you Coach!!!" Tumakbo kami at niyakap ang mga Coach namin. Si Coach O kasi ang dapat magcocoach samin ng Season 81 pero dahil hindi kami naglaro, sayang yung 1 year niya. But we're going to make BAWI this coming season.
"Okay girls, dahil hindi kayo naglaro ng Season 81, papahirapan ko kayo sa training niyo." Sabi ni Coach O kaya napasimangot kami. "HAHAH just kidding. Ikukondisyon muna natin yang mga katawan niyo so we're going to do the normal training lang. Pero kapag tumagal na, doon ko na lang iinsert yung klase ng training na pinapagawa ko sa Men's Volleyball." He added.
"Eh dba coach mahirap ang training nila?" Tanong naman ni Ate Bea.
"Yes, but it can help you naman to improve your skills." Sagot naman ni Coach O. "So, for this Season, Bea is your new captain and Maddie is you co-captain." Sabay tingin ni Coach sa magkatabi.
"Ayieeeeeeee." Asar namin sa dalawa.
"Okay so enough na sa explanation. So 30 laps muna then warm up." Pumalakpak na si Coach O at tumayo na kami.
Hindi naman kami nahirapang magwarm up and drills dahil ginagawa pa rin naman namin yun nung nasa Palawan kami. Actually mas maganda yung naging experience namin dun dahil nasa sand kami.
"Drills na tayo and then one-man tapos 5 minutes water break then match up. Go!" Sigaw ni Coach kaya nagstart na kami sa drills.
.....
"Hay. Feeling ko hindi ko na kayang pumasok sa class. Stay na lang tayo sa dorm Wongskie." Humawak sa braso ko si Pongs. Katatapos lang kasi ng training at dahil may morning class kami, wala kaming nagawa kundi maglakad papunta sa class.
"Hoy Gaston, wag mo kong isama dyan sa kabalastugan mo ah. Masyado akong masipag na bata." Sabay tanggal nang kamay niya at sumimangot siya.
So ayun, sakto lang kaming nakarating sa room dahil ilang minutes lang ang pagitan nung dumating yung prof namin.
After 123456789 hours, natapos na rin ang morning class.
"Deans, punta daw tayong caf. Nandun sila Ate Mads." Tumango ako kay Pongs at naglakad papunta sa cafeteria.
5 months lang ata kaming nawala pero bakit ganito ang bulungan ng mga students dito?
"Buti naman naisipan nilang bumalik."
"Oo nga, sayang yung Season 81."
"Babawi naman sila."
"Dapat lang."
Hindi na lang namin pinansin yun ni Pongs at nagpatuloy sa paglalakad. Umorder muna kami at hinanap kung saan sila nakaupo. Hindi naman kami nahirapang hanapin sila Ate Mads dahil kumaway siya nung nakita kami.
"Kamusta ang pagbabalik sa class?" Tanong ni Ate Bei.
"As usual, boring." Walang ganang sagot ko at kumain.
"Lahat naman ata boring para sayo Deans. Hahaha!" Ponggay chuckled. Tinignan ko siya at bintukan. "Aray!!"
"Ikaw din naman ah. Nabobored ka sa subjects natin." Sabi ko sa kanya.
"Oo na. Masakit yun ah." Sabay himas sa batok niya.
"Oh tama na at baka magkapikunan pa kayong dalawa dyan." Suway samin ni Ate Mads.
Natapos kaming mag-lunch and may 45 minutes pa bago mag-start ang afternoon class.
"Pongs, punta muna tayo sa field at dun muna tumambay." Aya ko sa kanya. Hindi naman siya umangal at sumunod. Naupo naman kami sa bleachers at pinanood ang mga nagsa-soccer.
May biglang lumapit saking lalaki at niyakap ako.
"Deans!!! Na-miss kita! Ang tagal mong nawala ah." Sabi nito kaya tinulak ko siya ng konti.
"Uhmm who are you?" Tanong ko. Honestly, namumukhaan ko siya but I don't his name.
"Huh??" Confused niyang tanong.
"Hay nako Gi, nagka-amnesia kasi yan kaya nawala kami ng 5 months. For sure familiar ka sa kanya pero hindi ka niya kilala." Sagot naman ni Pongs.
"Yeah, she's right." Gantong ko.
"Okay okay. Luigi Luna." Pagpapakilala niya.
"Oh! Ikaw yung boybestfriend ko dba?" Tanong ko at lumawak ang ngiti niya.
"So how are you?"
"Okay na. Eh ikaw?"
"Same. So pano, una na ako at may kailangan pa akong gawin. See you around." Kumaway muna siya bago naglakad paalis.
I checked my watch and it's already 12:50 nn. 1 pm ang start ng afternoon class.
"Pongs, let's go na. 10 minutes na lang magis-start na yung class." Sabi ko at hinila siya. Like nung morning class, sakto lang kaming nakarating.
.....
"Hayy, ang sakit ng katawan ko." Sabi ni Ponggay at nahiga sa kama.
"Exag ka Pongs. Normal lang na training yun tapos masakit na agad yang katawan mo. Too weak." Asar ko sa kanya at tumawa. Lumapit siya sakin ng bintukan ako.
"Sinong weak?" Taas-kilay niyang tanong sakin.
"Ang sakit nun ah! Wala naman akong sinasabing weak e." Inosenteng sagot ko habang hinihimas ang batok ko. Baliw talaga to! "Hoy! Akala ko ba masakit ang katawan mo?"
"Masakit nga pero nawala nung sinabihan mo akong weak!" Bumalik na siya sa kama niya at naupo.
"Magpahinga na nga muna tayo." Sabi ko sa kanya at humiga. Nagluluto pa lang naman sila Ate Kat kaya nagpagpasyahan muna naming matulog.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)