Chapter 44

6.4K 132 5
                                    

Jema's POV

*Ring ring ring*

Kinuha ko yung phone sa pocket ko at sinagot agad yung call.

OTP

"Ate!!!!!" Halos mabingi ako sa sigaw nito.

"Ano ba Mafe! Bakit ka ba tumatawag?!" Inis ko namang tanong.

"Bakit ba ang tagal niyo?"

"Ito kasing kasama ko ang tagal kumilos." Tumingin ako kay Deanna na seryosong nagda-drive.

"Baka ikaw yung matagal Ate."

"Ewan ko sayo Maria Fe! Basta maghintay ka na lang. Malapit na kami."

"Oo na! Sige bye!" She ended the call. Tinago ko yung phone ko at tumingin na lang sa daan.

Nga pala, Saturday na at ngayon ang uwi namin papuntang Laguna. Wala naman kaming training, ganun din si Deanna kaya pinaaga na namin para naman makapasyal pa kami bukas.

"Bb, we are here na. Itext mo na si Mafe." Napatingin naman ako sa labas dahil sa sinabi ni Deanna. Ang bilis ah.

Kinuha ulit ang phone ko at tinext siya.

To: Pangs
Nasa harap na kami ng dorm niyo. Lumabas ka na! Bilis!

After a minute, bumukas ang pintuan ng dorm nila at iniluwal nito si Mafe na may bitbit na backpack.

"Tagal niyo ah." Sabi nito nang makapasok sa kotse.

"Ang tagal kasi kumilos ni Jessica e." Napatingin ako kay Deanna dahil sa sinagot niya.

"Hoy!" Binatukan ko siya. "Ikaw kaya itong mabagal kumilos."

"Hindi ka naman mabiro bb." Sabi niya habang hinihimas ang batok.

"Ehem. Baka gusto niyo nang umalis." Singit ni Mafe. Pinaandar na ni Deanna ang sasakyan. After an hour, nagstop muna kami sa isang gasoline station para magpa-gas.

"Uhm bb, may bibilhin lang ako saglit sa doon." Sabay turo ko sa may mini mart malapit dito.

"Ate sama ako." Singit ni Mafe.

"Okay. Basta bumalik kayo agad dito." Tumango naman ako kay Deanna at bumaba ng kotse. Sabay kami ni Mafe na pumasok sa mini mart at namili ng mga chips at drinks. Hehehe.

"Ate, sure ka ba talagang ngayon na tayo uuwi? Tapos kasama pa si Ate Deans? Baka mamaya ano pang gawin sa kanya ni Papa." Basag ni Mafe sa katahimikan kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo naman Pangs. Valid naman yung reason niya kung bakit siya nawala ng five months." Sagot ko dito at kumuha ng chocolates.

"Oo nga naman. Osya, bayaran na natin ito." Aya niya kaya pumunta na kami sa cashier at syempre ako nagbayad ng lahat ng pinamili namin. Kuripot kasi itong kapatid ko! HAHAH!

Pagkalabas namin ng store, nakita ko si Deanna na nakasandal sa kotse niya at nakacross arms pa.

"Why did you took so long?" Kunot-noo niyang tanong nang makalapit kami sa kanya.

"Ang dami kasing pinamili nito." Sabay tingin ko kay Mafe at tumawa.

"Wow Ate ha. Ikaw kaya itong marami binili. Tignan mo nga oh." Ngumuso siya sa mga hawak kong paper bag.

"Oh tama na yan. Let's go na." Kinuha ni Deanna ang mga hawak ko at nilagay sa likod. Sumakay na ako sa car at sumunod naman siya. Nagdrive na siya ulit.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now