Deanna's POV
*Three years after*
Tatlong taon.... Tatlong taon na kaming patuloy na lumalaban at nagmamahalan ni Jema. Marami mang pagsubok ang aming hinarap, maraming problema at hadlang sa aming relasyon pero ipinaglaban namin ang isa't isa. Hindi rin mawawala ang support samin ng family namin.
By the way, I'm already graduated na pala last year in AB Interdisciplinary Studies, Track in Management & Education in Ateneo De Manila University. I'm currently handling some of our businesses dito sa Manila for almost a year. Hindi ko na natuloy ang volleyball career ko at hindi na nakapaglaro sa professional league dahil gusto ni Dad na i-handle ko nga yung businesses namin. Hindi na ako tumanggi because I really owe a lot to him.
Si Jema ang naglalaro ngayon sa professional league or should I say sa Premier Volleyball League,still part of the Creamline Cool Smashers. Back to back Champions sila at siya ang naging MVP of the Season. Katatapos lang ng Open Conference. I think last two months? Eh basta yun.
Hinayaan ko na lang siyang maglaro dahil yun ang gusto niya. Minsan nga nagiging cause pa ng away namin ang paglalaro niya at ang pagta-trabaho ko dahil nawawalan kami ng time sa isa't isa pero may mga kaibigan kaming maaasahan at nahihingan ng mga payo.
Kung maitatanong niyo kung may nangyari na ba samin ni Jema? Wala pa dahil napag-usapan na namin ang tungkol doon na kapag ikinasal na kami ay doon na namin pwedeng galawin ang isa't isa. Hehehe
Nandito kami ngayon sa dorm. It's my day off samantalang si Jema ay may training pa mamayang hapon.
"Hmm love, wala po kaming training next week. One week daw kasi sila Coach Tai sa Thailand." Sabi ng babaeng prenteng nakaupo sa couch habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.
Tumabi ako sa kanyang tabi.
"Buti naman bb. At least may time na kayo para magpahinga." I replied. Patuloy patuloy pa rin ang kanilang training kahit tapos na ang season. Ganun naman talaga kahit nung nasa UAAP pa lang kami.
"Eh ikaw? Hindi ka ba pwedeng magleave for 1 week? Bonding na rin sana natin yun." Sabi nito at nagpout.
"I'll talk to dad muna okay? Lalo na't marami pang kailangang asikasuhin sa office." Sagot ko at sinandal siya sa aking dibdib. Tinabi niya ang kanyang cellphone at yumakap sa aking beywang.
"Na-miss na kitang makita na naglalaro sa loob ng court." Malungkot niyang sabi.
"Ako rin bb. Wag kang mag-alala, makakalaro din ulit ako." Ngumiti ako at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking daliri.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sa dinami-dami ng mga pagsubok na pinagdaanan natin, magkasama pa rin tayo ngayon." Sabi niya atsaka humarap sakin. Naalala ko tuloy ang mga napagdaanan namin noon. Nung naaksidente at nagka-amnesia ako, nung hinalikan ako ni Ysa sa lips na naging cause ng away namin, at yung huling away namin.
*Flashback*
Nandito ako ngayon sa office at maraming ginagawa. Halos makalimutan ko na ring kumain dahil sa dami ng kailangang gawin.
*Ring ring ring*
I took my phone and answered the call.
OTP
"Deans!!!" Masayang bati ng nasa kabilang linya.
"Hmm who's this?" I asked habang pumipirma ng mga papeles.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)