Chapter 12

6.9K 143 0
                                    

Deanna's POV

"OMG Ate!! Ang cute niya!!!!" Sigaw ng kung sino kaya napaupo ako.

"Ano ka ba Mafe! Natutulog pa yung tao. Tignan mo nagising siya dahil sa ingay mo." Suway ni Jema sa babaeng nakatayo sa may pintuan ng kwarto.

I opened my eyes and I saw her younger sister. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Hey. You must be Mafe? I'm Deanna Wong. Fri----"

"Girlfriend ni Ate Jema." Putol niya sakin. Alam na niya? "Hehehe. Idol na idol ka namin ni Kuya Cy. Diba?" Sabay tingin niya sa lalaking nakaupo sa couch.

Matattoo siya and malaki ang katawan. Tumayo ito at lumapit samin ni Mafe. "Hi lodicakes. I'm Cy Malonjao. Jema's bestfriend." Sabay kamay niya at tinanggap ko naman ito.

"Oh tapos na kayo? Kain na tayo." Alok niya samin.

Sabay-sabay kaming pumunta sa dining area. Magkatabi kami ni Jema at kaharap namin sina Mafe at Cy.

"Pasensya ka na B ah. Sadyang baliw lang itong kapatid ko." Jema said.

"Grabe ka sakin Ate ah. Ate Deanna pwede pa picture? Hehehe." Nahihiyang tanong ni Mafe.

"Hahaha sige. Later na lang." Sagot ko sabay subo ng pagkain.

"Sorry pala kung nagising kita. Nagulat lang talaga ako nung nakita kita. Nakwento samin ni Ate Jema yung tungkol sa girlfriend niya pero hindi niya sinabi kung sino."

Tinignan ko naman si Jema. "Talaga B?"

"Oo hehe. Daldal mo talaga Mafe. Kumain ka na lang dyan." Suway ni Jema pero sadyang makulit talaga tong si Mafe kaya walang nagawa si Jema.

Nagkwentuhan kami habang kumakain. Magkababata daw sila Jema at Cy. MMA fighter si Cy kaya pala malaki ang katawan niya. Lodicakes na yung tawag sakin ni Cy at ganun din ako. Nagkwento rin ako about sa family ko. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila yung about samin ni Jema. Pagkatapos naming kumain, sabi ko kay Jema ako na lang ang magliligpit at maghuhugas pero siya na lang daw kaya wala na akong nagawa baka pag-awayan pa namin yun.

Nandito kami nila lodicakes at Mafe ngayon sa living roon and watching TV.

"Ate Deans, gusto ka raw mameet nila papa at mama soon." Sabi ni Mafe.

"Sure. Kapag hindi na busy."

"Congrats pala lodicakes. Lakas mo talaga." Cy said.

"Hahaha hindi naman. Thank you."

"Congrats Ate Deans." - Mafe.

"Thank you."

"Anong oras ka uuwi bb?" Tanong sakin ni Jema habang papalapit samin.

"Ayaw mo na ako dito B?" Nagpout ako.

"Hindi ah. Baka kasi hinahanap ka na sa dorm niyo."

"Maya maya na lang bb." Sabi ko. Tumabi sa sakin at nagside hug.

"Respeto po sa single dito." Mafe said pero tinawanan lang namin siya.

*After few hours*

"Uwi na ako B." Sabi ko sabay tayo. "Lodicakes, Mafe alis na ako."

"Picture muna tayo Ate Deans." Nagpicture naman kami ni Mafe at Cy.

"Thank you lodicakes. See you na lang sa awarding mo ah." - Cy.

"Sige lodicakes. Una na po ako B." Sabi ko at hinatid niya ako sa gate.

"Kita na lang tayo sa awarding bb. Congrats ulit." Then she hugged me. "Ingat ka sa pagd-drive ha. Mamahalin pa kita."

"I will B. I love you too." I kissed her forehead at sumakay na sa kotse ko.

Dumaan muna ako sa pizza parlor dahil nagpapabili sina Ate Kat at nagdrive pauwi ng dorm.

"Yow Deans. Kwento ka naman dyan oh." Pangungulit sakin ng mga teammates ko.

Nagkwento naman ako at para silang bulateng inasinan. Mas kinikilig pa sila sakin.

"Baby D, kailan mo pala balak sabihin sa family mo ang tungkol sa inyo ni Jema?" Seryosong tanong ni Ate Bea.

"Kapag umuwi na lang ako sa Cebu Ate." I replied.

"Fight for her Deans ah. No matter what happen, we will support you." Sabay tap sakin ni Ate Mads.

I know na hindi ako tanggap ni Dad pero gagawin ko ang lahat para matanggap niya kami ni Jema. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nagkayayaan na kaming matulog.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now