Jema's POV
Lahat kaming nakatingin lang kay Deanna at naghihintay ng sagot niya.
"Ahhh..." Katulad ng kay Bea, akala namin sasagot siya pero ininom niya yung tatlong baso ng vodka.
"Pabitin ka naman Deans!" Maktol ni Ponggay.
"Dapat sumagot ka na lang." Sabi naman ni Dani.
"Kayo kaya sumagot." Sarcastic na sagot naman ni Deans.
"Oh tumigil na kayo. Let's continue na." Suway sa kanila ni Maddie at nagpatuloy naman yung laro hanggang sa ako na ang sasagot. Ako yung last.
"Truth." Agad kong sagot.
"Mahal mo pa rin ba si Deanna?" Tanong ni Ate Jia. Oo mahal na mahal. Pero syempre papakipot muna tayo.
Hindi ko siya sinagot at agad na nilagok ang alak.
"Ang daya ng mga toh. Hindi sumasagot." Maktol ni Kyla at pumapadyak-padyak pa na parang bata.
"Anong magagawa mo? Eh sa ayaw nilang sumagot." Pairap na sagot naman ni Ate Mich Gumabao.
"Sayang naman yung natirang whiskey at vodka. Ubusin na lang natin to then balik na tayo sa room." Alok naman ni Bea. Sumang-ayon kami at binigyan ng tig-isang baso.
After 123456789, tinamaan na sila Bea, Kyla, Ate Pau, Dani, Jules, ibang rookies, pati na si Deanna. Iilan lang kaming mataas ang tolerance sa alcohol.
"Ah Jema, pwedeng ikaw na lang ang magdala kay Deans sa kwarto. Aalalayan ko pa kasi itong si Bea." Paki-usap ni Maddie. Wala naman akong magawa kundi um-oo na lang dahil ayoko namang maging selfish.
Dinala ko sa Deans sa kwarto nila. Ang bigat ng batang to! Hiniga ko siya sa kama. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hilahin. Ang ending, nasa taas niya ako.
"Hoy Mare, sabi ko dalhin mo lang siya dito hindi gumawa ng kababalaghan." Natatawang sabi ni Maddie na kakapasok lang bitbit si Bea.
"Oy, anong sinasabi mo dyan? Ito kasi hinila ako." Aalis na sana ako ulit pero mas hinigpitan pa ni Deanna ang pakakayakap sakin.
"Sorry bb." Bulong niya sakin at tuluyan na siyang nakatulog. Napatitig naman ako sa mukha niya. Bakit ba ang cute mo Wong?
"Baka matunaw yan." Boses yun ni Ponggay. Tinignan ko naman siya ng masama at nagpeace sign siya.
Pinunasan ko lang saglit si Deanna ng towel na binabad sa maligamgam na tubig at bumalik na kwarto namin. I did my night routine first and slept.
.....
"Mareng Jema, kapatid mo yun dba?" Sabay turo sakin ni Ate Mich sa isang grupo ng mga babaeng naglalaro ng beach volley. Nandito kasi kami ngayon sa resto kung saan kami nagbreakfast at tanaw namin dito ang mga naglalaro. Yung mga ibang lady eagles naman, ayun tulog pa.
Tinignan ko naman yun ng mabuti at tama si Ate Mich.
"Bakit sila nandito?" Bigla kong tanong.
"Aba malay ko. Lapitan mo kaya at siya ang tanungin mo." Sagot naman niya at iniwan ako.
"Arghh! Sakit ng ulo ko." Napalingon ako at nakita ko si Deanna na hawak ang kanyang ulo habang palapit sakin. Di pa kami okay pero naawa ako.
Kumuha ako ng pagkain at gamot sa may counter at nilapag sa harap ni Deanna. "Kumain ka muna at inumin mo yang gamot para sa hang over mo."
"Thank you." Sagot niya. Tumango naman ako at bumalik sa pwesto.
Ilang minuto pa ang nakalipas, tumigil ang mga naglalaro at naglakad papunta sa pwesto ko.
"Ate?" Tanong sakin ni Mafe nang makalapit sila. Feeling ko teammates niya itong mga kasama niya.
"Anong ginagawa mo dito Marie Fe?" Tanong ko sa kanya at nagcross arms.
"Binigyan kami ng bakasyon ni Coach. Eh ikaw?"
"Same." Maikling sagot ko at tinignan si Deanna. Tapos na siyang kumain at nakatingin lang samin kaya nilapitan ko siya.
"Bumalik ka muna sa kwarto niyo at magpahinga." Utos ko sa kanya pero tumanggi siya.
"Deanna?" Tanong ng isa sa teammate ni Mafe, matangkad siya at medyo may itsura.
Pilit lang ngumiti si Deanna.
"Ate Deans?" Lumapit na rin samin si Mafe. "Ate, bakit magkasama kayo?!?" Galit niyang tanong.
"Mamaya na ako magpapaliwanag Pangs. Ihahatid ko lang saglit ito sa kwarto nila." Hinigit ko palayo doon si Deanna at naglakad.
"Sino yung babaeng unang lumapit sayo? Bakit kilala ka niya?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad. Inaalalayan ko pa rin siya dahil baka mamaya bigla na lang tumumba ito.
"Ysa Jimenez. I don't know her. Nakita niya ako kagabi na naglalakad papunta sa resto para mag-dinner. Sino ba naman daw ang hindi makakakilala sa best setter." Mahabang sagot niya. "Bakit daw sila nandito?"
"Bakasyon." Kung gaano kahaba yung sagot niya, ganun kaikli ang sagot ko. Hehehe soreh.
"Hmm okay." Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na kami ng pintuan ng roon nila.
"Thank you sa paghatid." Sabi niya.
"Welcome." Maglalakad na ako paalis pero niyakap niya ako.
"Sorry na. Bati na tayo please." Niyakap ko naman siya pabalik.
"Kung di lang talaga kita mahal, pinabayaan na kita." Napakalas siya dahil sa sinagot ko.
"Oh so you love me." Pag-uulit niya sa sinabi ko tapos kung makangiti siya halos hindi na makita ang mata niya.
"Heh! Oo na. Okay na tayo. Pumasok ka na dyan at magpahinga." Kiniss ko muna siya sa cheeks sabay tulak sa kanya papasok.
Bumalik naman ako sa resto kung saan kumakain sa Mafe. Katatapos lang nilang kumain kaya kinuha ko muna siya sa mga teammates niya at lumayo.
"So explain." Sabi niya at nagcross arms pa.
Pinaliwanag ko naman sa kanya lahat. Kung bakit nandito sina Deanna, kung bakit nawala siya ng 5 months, tungkol sa kanila ni mich at sa panliligaw niya ulit sakin.
"Akala ko pa naman sinukuan ka na talaga niya. So okay na siya?" Nag-aalalang tanong niya. Tignan mo to, kanina lang kung magalit nung nakita si Deanna wagas.
"Yes. Sino yung mga kasama mo?" Tanong ko.
"Sina Eya Laure, Ysa Jimenez, Caitlyn Viray, Alina Bicar, Ate Sisi Rondina, Dimdim Pacres. Halos rookies Ate." Sagot niya naman.
"Ah buti naman kung ganon."
"Osya, balik na ako sa mga teammates Ate. Magso-sorry na lang ako kay Ate Deans kapag nakita ko siya.""Sige." Naglakad na siya pabalik sa mga teammates niya at ako naman, pumunta sa mga teammates ko na nasa lounge.
"Oh Mare ang tagal mo. San ka galing?" Tanong sakin ni Ate Pau pagkadating ko. Umupo muna ako at sinagot siya.
"Hinatid ko lang si Deans sa kwarto nila tapos nakausap ko si Mafe."
"Okay na kayo ni baby D?" Tanong naman ni Ate Jia.
"Yes."
"Ano naman ang napag-usapan niyo ni Mafe? If you don't mind ha." Tanong ni Ate Ly.
"Kung bakit nandito sina Deanna, kung bakit nawala siya ng 5 months, tungkol sa kanila ni mich at sa panliligaw niya ulit sakin."
"Ahh. Sino yung mga kasama niyang nakita natin?" Tanong ni Ate Mich. Nasakin ang atensyon ng lahat.
"Mga teammates niya."
"Okay." Sabay-sabay nilang sagot.
YOU ARE READING
A VolleyLife With You
FanfictionEternity Series #1 From strangers to friends. From friends to lovers. It all started from a staredown. PS: This is just my first time writing a story but I hope you'll enjoy this one :)