Chapter 18

6K 130 0
                                    

Jema's POV

Papunta na kami ni Deanna sa aiport and syempre siya ang driver ko HAHAHA joke. Actually monthsary namin ngayon at binigyan niya ako ng flowers and chocolates. Binilhan pa niya ako ng damit. Samantalang wala akong naibigay sa kanya hihihi. But it's okay lang daw. Ako lang sapat na. Yieee kilig.

"Bb we're here na." Di ko namalayang nakarating na pala kami sa airport dahil sa kakaisip.

"Hindi ka pa sasabay sakin B?" Tanong ko sa kanya. Ngayon din kasi ang flight niya papuntang Cebu pero maya-maya pa naman siguro.

"Hindi na B. Maya-maya na lang. Ayokong pagkaguluhan sa loob. HAHAHA!"

"Ang hangin ha." Sabay irap sa kanya. "Alis na ako B. Baka naghihintay na sila sa loob. So pano, see you in a few weeks?"

"Yeah. See you. Basta kapag may time ka or kapag ibabalik na lang ang cellphones niyo, just call me ha. Message me if you already arrived in Thailand." Nakangiting sabi niya. Yeah, sa Thailand daw yung training camp.

"Ikaw din b. Mag-iingat ka and behave!" Masungit kong sabi sa kanya.

"I will bb. I love you." She kissed me on my forehead.

"I love you too." Nagulat siya sa ginawa ko. I kissed her sa lips. Gumanti rin siya ng halik and it lasted for a minute. I'm the one who broke the kiss.

"Una na ako B. Baka hindi pa ako makaalis. Hahaha! Bye." Tumango naman siya at lumabas na ako ng kotse. Naglakad na ako papasok ng airport nang nakangiti at tama nga ako, nandito na silang lahat. Ako na lang ata hinihintay. Hehehe.

"Ang lawak ng ngiti natin dyan Mare ah." Natatawang sabi ni Kyla pero inirapan ko lang siya.

"Pumasok na tayo bago pa kayo magbangayan dyan." Singit ni Ate Ly at binelatan ako ni Kyla. Naiiling akong pumasok dahil sa pagka-isip bata niya. So ayun, si Ate Jia ang katabi ko sa plane dahil nga babantayan niya raw ako.

"Inaalala ko si Deanna." Napatingin ako kay Ate Jia na seryosong nakatingin sa kawalan. "Ikaw ligtas ka dahil nasa ibang bansa tayo at kasama mo ako. Pero si Deanna, siya lang ang mag-isang babyahe papunta sa Cebu." She added.

"Don't worry Ate Ji. Hindi niya papabayaan ang sarili niya." Nakangiting sabi ko naman kaya kahit papaano, napangiti na rin siya. Napagpasyahan ko munang matulog dahil ilang oras din ang tagal ng byahe.

.....

"Jems, nandito na tayo." Minulat ko ang aking mata at tumingin sa paligid. Syempre una kong nakita ang mukha ni Ate Jia. HAHAHA! Inayos ko naman ang sarili ko at sumunod sa kanila na lumabas.

May iilang sumalubing sa amin na mga fans. Nagstay muna kami saglit sa lounge habang naghihintay sa bus na susundo samin.

"Kamusta naman kayo ni Deanna?" Biglang tanong ng kung at tumabi sakin. Si Ate Ly lang pala.

"Okay naman Ate Ly. Minsan may misunderstanding pero naayos din."

"Hahaha intindihin mo na lang si baby Deans ha. Alam mo namang may pagka-isip bata ang isang yun." Singit naman ni Ate Jia na umupo sa left side ko so si Ate Ly ang nasa right side ko. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating na yung bus. Katabi ko na naman si Ate Jia.

Tumuloy muna kami sa isang sikat na hotel dito and roommates ko sina Kyla at Jia.

"Magpahinga na muna kayo. Mag-ayos kayo mamaya at magkakaroon tayo ng team dinner." Sabi ni Coach at tumango naman kami.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit, naghilamos muna ako at nahiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Deanna.

To: D💙
Nandito na kami sa hotel love. I'm going to rest muna. Ingat sa byahe.

For sure nasa byahe na kasi siya at naka airplane mode ang cp niya so tinabi ko na lang muna ang phone ko at natulog na lang.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now