Chapter 3

83 7 1
                                    

STUCK BETWEEN

“Kamusta kayo? May jowa na kayo?”

Nagsitawanan naman silang lahat sa tanong ko. At the moment we are having dinner at a restaurant that my friend—Jonas—and his family owns. Dito kaming mga member ng Aces nag-meet up.

“Single pa rin ako.” sagot ni Andy.

“Ikaw lang? Lahat naman kayo walang jowa e!” dugtong ko pa at sumama naman ang mga tingin nila sa akin.

“Bugbugin ka namin, gusto mo?” nagbabanta namang sabat ni Seven. Such a low tempered.

“Grabe! Hindi ako makapaniwalang wala man lang kayong natitipuhan e may itsura naman kayo—just know that Iʼm the most handsome here—madali na lang sa inyo magka-girlfriend.” at ngayon ako naman itong nagbibigay ng leksyon sa kanila.

“Sus! Edi ikaw na!” sigaw nilang lahat at talagang sabay sabay pa.

“E kamusta ba kayo ni Crystal?” tanong naman nitong si Cyrus na hindi marunong magbiro, alam lang niyang tumawa.

“Weʼre definitely fine.” simpleng sagot ko.

“Anong fine?” umaangal na tanong ni Jonas. Bukod sa kapatid kong si Leonardo, pati si Jonas ay maraming alam at halos updated na sa lahat ng ganap ko sa buhay.

“Ay hindi ba sila fine, Jonas?” makahulugan at mapanuksong tanong ni Primo.

“Mukhang hindi talaga fine.” ani Andy na laging sinasang-ayunan ang mga sinasabi namin basta pagdating sa kalokohan.

“E bakit naman hindi sila magiging fine?” ani Primo at napataas taas pa ng kaniyang kilay.

Panay ang panunukso ng mga mokong dahil sa pangunguna ni Jonas. They gave me all a “May something ba?” look. Mga mokong na nga chismoso pa! At mas lalo akong naasar dahil inuulit-ulit nila ang salitang fine.

I glared at them, “Magiging fine pa ba kayo kapag tinorture ko kayo isa-isa? O pwede namang sabay-sabay para mas masaya.” I said.

“Huy! Nagbibiro lang naman kami Adrian!” nagkantyawan na ang magkakaibigan.

“Pikon si Adrian.” pagsingit naman ng pinakatahimik sa grupo na si Marcus, madalang makisali sa usapan pero talagang maasar ka kapag siya na ang nagsalita.

“Seryoso ka ba Adrian na ayos lang kayo?” At last! Cyrus changed the subject.

“Yes. Why would we be not?”

“Bro, ayos lang ba sa ʼyo na kalat na sa buong campus na sila na ni Calvin?” tanong ni Jonas.

Of all the persons I knew, only Jonas can make me admit or tell the truth. Iba talaga kapag matagal nang magkasama.

Huminga ako ng malalim, “Ano pa bang magagawa ko? Siyempre tatanggapin ko ʼyon.”

“Di mo sure.” nagsisimula na naman manukso si Primo.

“Weh?” ani Seven.

“Ayaw niyo maniwala? Edi ʼwag.” sabi ko naman. “Sagot ko na mga pang hapunan niyo. Order anything you crave, assholes.”

Nagpalakpakan nila at sabay sabay na pinagtawanan nila ako. Para namang hindi ko sila nililibre minsan. Hays. Kahit ano pa man ang sabihin ko, kuripot pa rin sila. Sabay-sabay silang nag-order.

Ilang minuto pa ay muntik akong mapatalon sa gulat ng makita kong andaming ni-serve sa amin na pagkain. Andami naman nilang in-order na pagkain. Palibhasa libre kaya sinulit na. Andaming kakainin para lang sa hapunan. Ibang klase rin ang mga tiyan nitong mga kaibigan ko. Tila hindi pinapakain sa kani-kanilang bahay. Mayayaman pa man din.

Wants And Needs ✔︎ [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon