GOOD PLAN
Apat na araw ang lumipas nang matunghayan ng mga bituin kung paano ko sinabi ang mga nararamdaman ko para sa kaisa-isang babaeng pitong taon akong inantay. Sa apat na araw na ʼyon, hindi ko siya nakausap, o kahit man lang makasalubong sa loob ng silid. Hindi ko siya nakita sa campus. Walang Liana na dumating sa araw araw na hinahanap-hanap ko ang presensya niya.
"Adrian..."
Nilingon ko si Marcus. Nasa cafeteria kami ngayon at mukhang kanina pa ako nakatulala. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Ha?" nabigla ako. Lumulutang ang isip ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatingin silang anim sa akin.
"Nasaan si Calia? Bakit hindi siya pumapasok?" tanong ni Marcus. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan ko at napansin kong lahat sila ay nagtaka rin parang si Marcus, at pati na rin ako.
Iʼll be honest, "Hindi ko alam."
Kumunot ang noo ni Jonas, "Hindi mo alam? Eh girlfriend mo ʼyon tapos hindi mo alam?"
Nilapit ni Seven ang mukha sa tainga ni Jonas at umastang bubulong. "Baka naman nag-away sila?"
"Normal ang mag-away lalo na sa in a relationship." saad naman ni Cyrus.
Pinagkrus naman ni Primo ang braso niya at nagtaas ng isang kilay, "Kaya nga. Pero kung nag-away nga kayo, bakit naman hindi siya papasok?" aniya.
"Baka umiiwas?" tanong ng sidekick ni Primo na si Andy.
Hindi naman kami nag-away, sa totoo lang.
"So ano nga, Adrian?" tanong ni Marcus.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito. What I meant by that is I havenʼt seen him being curious and asking so many questions. This is the first time.
"Ang malaking katanungan ay bakit napakaraming tanong ni Marcus?" tanong ni Jonas. Ang pinaka tsismoso sa grupo. Hindi lang pala ako ang nakapansin.
Natahimik bigla si Marcus. Kaya nagsalita itong si Primo, "Eh ʼdi ba nga magkaibigan sila? Normal lang naman sigurong mag-alala siya."
"Normal mag-alala pero ʼyung maraming tanong ay hindi normal kay Marcus." ani Seven.
"Baka naman more than friends kayo, Marcus?" pabirong nagtanong si Primo.
"Hindi. Weʼre just friends, nothing more and nothing less. Kumain ka na nga lang dʼyan." Marcus stated.
I know that sheʼs her ex so I thought that itʼs possible that heʼs not over her yet. Baka may natitira pang feelings si Marcus para kay Calia.
— IAHT —
Lumipas ang ilang oras. Hindi ko na nakausap ulit ang mga kaibigan ko. Pero sinabihan ako ni Marcus na kakausapin niya ako bago kami umuwi. At heto na nga ang oras na iyon. Ang oras na mag-uusap kami ni Marcus. he said he will be on the parking lot. Kaya roon ako nagtungo pagkatapos na pagkatapos ng klase.
Nang papasukin na ako ng guwardiya, hinahanap ko agad kung nasaan banda si Marcus. At sa kalayuan ay nakita ko siyang kinakawayan ako. Nagtungo na ako sa kaniya.
"Adrian, malapit na ʼyung birthday ng girlfriend mo. Wala ka bang balak na surpresahin siya?" aniya. ʼHindi naman na ako nagulat na alam niya, kasi nga magkaibigan sila ng pitong taon.
"Paano ko siya susurpresahin kung hindi siya pumapasok? Paano ko siya susurpresahin kung hindi man lang kami nakakapag-usap?"
"Ano ba kasing nangyari sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Roman pour Adolescents[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021