MAKE IT RIGHT
"Hello, Bliss. Kamusta siya?" tugon ko sa kabilang linya. I called her so I can keep in touch with Calia as much as I can.
"She's inside the lodge. Hindi niya ako pinagbubuksan ng pintuan." Ani Bliss sa kabilang linya.
"Take care of her, please." I said as I asked her a favor. Minsan lang naman ako humingi ng pabor. Kadalasan, kapag kaya kong gawin sinasarili ko na lang.
I heard her snapped on the line. "Don't tell me what to do, that was my intention after all because I'm her bestfriend."
"Thank you." I said, warm heartedly.
"No thank you's please. I'm doing this for her not for you." she said.
"But still thank you."
She ended the call and then I found my self smiling in the middle of nowhere. I got home at naabutan ko si Leonardo sa dining area habang kumakain ng lunch.
"Good noon." bati ko. Pagtapos siyang harapin ng saglit ay lumakad na ulit ako. I didn't even wait for his response.
"Hey!" tawag nito. Narinig ko siyang sumigaw kaya napalingon ako sa gawi niya. "Come over." utos nito. Aba't inuutusan ako ng kapatid kong mas bata sa akin ng dalawang taon. Nilahad niya ang kamay upang senyasan ako na umupo na sa dining table. Umupo naman ako. It's lunch time, so maybe casualties are most allowed, right?
"Why are you here? Where's Calvin?" magkasunod kong tanong sa kaniya pero wala siyang reaksyon sa mukha. That's so unexpected of him.
"Pinauwi niya ako." ani Leonardo. "Kasama niya si Crystal sa hospital at paalis na daw sila doon." tinignan lang ako ng kapatid ko. Inoobserbahan lang naman niya ang kilos ko. Tinignan niya ang plato sa harap ko na nakalagay sa lamesa. Para niya akong inuutusang kumain base sa tingin niya sa akin.
Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Ako na lang ang kukuha para sa sarili ko. Nakatingin lang si Leon sa ginagawa ko. That made me somehow uncomfortable. Kakain lang naman ako tapos grabe siya kung makatingin. Para namang may gagawin akong masama.
"Stop looking at me or I'll punch your face." I warned him. He smirked as if I showed him a childish attitude. "Uuwi ba dito si Calvin?" tanong ko.
"Hindi. Siyempre alam niyang nandito ka kaya hindi siya mananatili dito." anito. Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang braso. "Baka nakakalimutan mong mainit ang ulo niya?"
May punto naman siya. Mabilis kong inubos ang lahat ng pagkain na nasa plato ko. Nagmadali akong bumalik ng kwarto dahil hindi ko gusto ang atmospera.
Ilang oras ang lumipas na paro't parito ako sa kwarto ko. Eh sa wala akong magawa, wala akong makausap. Wala din akong ganang makipag usap. Sa ilang oras na lumipas na nandito lang ako sa kwarto ko, nawalan na ako ng ganang tumayo sa kama kaya nahiga na lamang ako at natulog. Nang magising ako napatingin ako sa orasan. Gabi na pala. Ilang oras ang nasayang sa araw ko.
Biglang sumagi sa isip ko si Calia. I was worried. I'm missing her... Naisip kong mag-text sa kaniya. Sa sinabi ni Bliss kanina na hindi siya lumalabas ng kwarto, mas nag-alala ako lalo.
My Sunshine💛
Me:
Baby, are you okay? Hindi ka daw lumalabas ng kwarto mo sabi ni Bliss. Have you eat dinner? Eat up my sunshine! I love you.💛I sent it immediately. It looks like a corny message but I'm desperate to know her situation right now. Naisipan kong mag-send pa ulit ng message.
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021