BE LOVERS
"What do you think is the reason why you're born? Pero may rason nga ba? Eh puro katangahan lang naman ata ang nagawa mo sa buhay mo." ani Calvin. His glares are already killing me but I'm trying my best to survive.
"How about you, Calvin? May rason ba kung bakit ka buhay at nakatayo ngayon sa harap ko?" pagbawi ko naman sa kaniya.
Nanatili akong nakataas noo at matapang sa harap niya. Hinding hindi na ako matatalo sa kaniya. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa aming dalawa.
"Meron." he smiled, his smile is stabbing me. "Nabuhay ako para ipamukha sa'yo lahat ng katangahang nagawa mo sa buhay." he added and gave me a semi murderous look. "Nabuhay ako para baguhin ang lahat ng tangang katulad mo."
Nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumayo kaya hinarap ko siya nang walang bahid ng kaba at takot. "I was born to be your opposite." I replied, making sure I got a point. "I was born to be your greatest opponent, enemy or what ever that will drag you down."
"Paano mo ako hihilahin pababa kung hindi mo ako maabot?" tanong ni Calvin. Nanginig ang katawan ko.
Kumuyom ang kamao ko kaya pinatama ko agad ito sa mukha niya. Sa tindi ng galit na namuo sa akin, naging malakas ang pagtama ng suntok sa kaniya. Dumugo ang labi niya. Kinapa kapa niya iyon at nakita ang dugo sa daliri. Tinulak niya ako papunta sa pader at hinawakan niya nang madiin ang kwelyo ng polo ko.
"You think you can beat me?" He raised a brow.
"I may lose once but never again." sambit ko. Tinanggal ko ang kamay niyang sobrang higpit ang hawak sa kuwelyo ko. Sinuntok ko siya ng dalawang beses sa mukha pero ang pangalawa ay naiwasan niya.
"Sobrang kilala kita, Adrian. Sa una ka lang magaling. Parang kanina ay sobrang nagmamakaawa ka sa akin, ngayon ikaw na 'tong galit na galit, samantalang ikaw ang may kasalanan. Hindi ba ako dapat ang magalit sa'yo?" lumapit siya sa akin at nagtagumpay siyang masakal ako." Wala kang isang salita. Sinabi mo kanina na susundin mo ang gusto ko pero kinokontra mo na ako ngayon." nanggigil ang kamay niya sa pagsakal sa akin. Idiniin niya pa ang kamay hanggang sa hindi na ako gaanong makahinga.
"Pinagmukha... mo akong... tanga." Sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko kaya mas lalo akong nagalit. "Bita... wan... mo... a... ko."
"You should suffer! You should pay with your blood and breath. 'Wag kang mag-alala hindi kita tutuluyan. Ipaparanas ko lang sa'yo yung matinding sakit na pinaranas mo kay Crystal. Sa sobrang sakit, nakamamatay na." hindi niya hinigpitan ang pagsakal pero sobra na ang epekto sa akin. "Kung kaya mong gawin 'yon sa kaniya, kaya ko din yon gawin sa'yo. Let me give you a sneak-peak to death."
"Calvin, tumigil ka na!" sambit ni Leonardo. Pero hindi siya pinansin ni Calvin. Malapit na akong mawalan ng malay. Napapikit ako sa sobrang sakit at sa sobrang hirap sa paghinga.
Naiintindihan ko kung bakit hindi nilalabanan ni Leon si Calvin. Dahil sa takot na madamay. Dahil ayaw niyang manakit lalo na at kapatid niya si Calvin.
"Calvin..."
Hindi ko magawang maidilat ang mata ko. Pero nasisiguro kong si Crystal ang narinig ko. Siya na 'yon... Muntik na akong mawalan ng pag-asa pero narinig ko siya.
"Crystal..." bulong ni Calvin.
Tama ako ng iniisip. Paano ko nga ba makakalimutan ang ganoong tinig?
"Bitawan mo yung kutsilyo, Crystal!!" sigaw ni Calvin. Nanginginig na ang kamay niya pati ang boses niya.
Pinilit ko ang mata kong makadilat nang marinig kong sabihin ni Calvin ang salitang kustilyo.
"Kung ako lang din naman ang dahilan kung bakit kayo nagkakaganyan, bibitawan ko na lang ang buhay ko." ani Crystal.
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021