Chapter 19

32 4 0
                                    

HOPELESSLY

“Calia?” pagklaro ko nang makita ko na ang kabuuan ng mukha niya. Kumunot naman ang kaniyang noo.

“Yes itʼs me. Bakit kung makatingin ka sa akin parang ngayon mo lang ako nakita?” tanong niya.

Natulala lang ako sa kaniya. Ang ganda niya... Lagi naman siyang maganda, pero ngayon, mas gumanda siya.

“Hindi kita halos nakilala dahil sa buhok at sa kung paano ka lumakad. Hindi ko inaakalang babalik ka na.” halos maging emosyonal ang pagkakasabi ko. Pero ʼdi naman kapansin-pansin.

“Mr. Scottsdale and Ms. Montenegro, nasa gitna tayo ng klase, mamaya na kayo magdramahan.” Saad ng gurong nasa harap. Hindi ko napansin na kanina pa siya nakatingin sa amin. Baka narinig ng guro ang pinaguusapan namin.

The side of my lips curved, “Letʼs talk later. Iʼve missed you so much.” Imbis na tumugon, binigyan lang niya ako ng matamis na ngiti.

After class, I met her at the parking lot. Doon naman ang kadalasan na meeting place namin dahil dance class lang naman ang pinagkapareho namin ng schedule.

“I really missed you...” Bulong ko sa tainga niya nang yakapin ko siya.

Hindi ako makapaniwalang parang kailan lang, hindi ko talaga kaya na makamove on kay Crystal pero biglang dumating si Liana sa buhay ko. Iʼm halfway through. Malapit na akong tuluyang maka-move on. And thatʼs all because of her.

“Donʼt you think that I missed you too?” mahina siyang natawa.

“I donʼt know what to think, I was blanked on those days I canʼt see you. I missed your presence. Gustong gusto kitang puntahan sa bahay ninyo kaso natatakot ako na baka itaboy mo ako. Hinahanap-hanap ko ʼyung yakap mo, ʼyung presensya mo, hinahanap hanap kita Calia...” I said.

“So kailan pa natutong maging sobrang sweet ng boyfriend ko?” tanong niya.

“When I fell in love with my girlʼs first touch.” agad agad kong sagot.

She smiled, “I love you, Darwin...”

“I love you so much.” I smiled too, “By the way, on those 4 days, where were you? What happened? Why did you made me feel like Iʼm alone everyday?” asking is all I can do at the moment.

“I was just at home, resting...”

“Why are you resting?”

“Cold.” she answered, “I was waiting for you to come and give me the warmest hug, and take care of me, but you didnʼt come. I waited for you.”

“I also waited for you, for your explanation, for everything from you...”

“ʼWag na nating pag-usapan ang tungkol dʼyan, ang importante, nandito ako at magkasama tayo.”

“I love you and I mean it.” I told her and I gave her a kiss on her forehead. “Sa ngayon, ihahatid kita sa inyo. Iʼm sorry kung hindi tayo makakapag-bonding ngayon, may aasikasuhin akong business matters.”

Everything was back to normal since she came back.

Biglang umulan nang makapasok kami sa village kaya naisip ni Calia na magpatugtog ng mga chilling songs to vibe with the weather. At ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na kami sa tapat ng bahay nila.

“Good night, sanggol...” she said and was about to left the car but I pulled her inside again and gave her a very gentle kiss on her lips. It made the world rotate slowly.

“Good night.” I replied after our lips parted.

Inantay ko siyang makapasok sa loob ng bahay bago ako umalis. Nang dumating ako sa mansyon, nadatnan ko ang isang pamilyar na kotse sa garahe. Kanino naman kaya ʼyon. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok na sa loob ng mansyon. Pagpunta ko sa kwarto ko, nakarinig ako ng malakas na tunog mula sa loob ng kwarto. Thereʼs music inside. So I immediately opened the door and entered. I saw Marcus sitting at my sofa.

Wants And Needs ✔︎ [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon