Chapter 29

30 2 0
                                    

JOYFUL GUYS

"Marcus?" tawag ko. Nakasakay na kami sa van kasama ang buong aces. Nasa gitna na kami ng biyahe. Kaming dalawa lang ang nakaupo sa likod. Nasa harapan namin si Primo, Seven, at Andy. Si Cyrus ang magmamaneho, si Jonas naman ay katabi ni Cyrus.

"Yes?" tugon nito habang pinapaswabe ang mukha. Tss panget naman.

"Check your message." utos ko sa kaniya.

Marcus

Me:
May crush ba si Primo?

Nang maisend ko iyon, napatingin sa akin Marcus pagtapos niyang basahin.

Marcus:
Malay ko sa kaniya. Wala naman siyang nababanggit sa amin. Pero feeling ko may something sa kanila ng kapatid ni Seven.

Me:
May nakita kasi kaming babae kanina habang naglalakad sa labas ng lodge. Tapos biglang lumungkot 'yung mukha niya.

Marcus:
Anong itsura?

Me:
Hindi ko nakita, nakatalikod sila ng kasama niya. Boyfriend niya ata iyon.

Marcus:
Hindi kaya kapatid ni Seven 'yon?

Nagkatinginan kaming dalawa. Hmm. Pareho kami ng iniisip. "Ita-"

Naputol ang sasabihin ko nang takpan ni Marcus ang bibig ko, "Shhh!" ngumuso siya upang ituro ang cellphone kong nakapatong sa aking lap. Agad kong kinuha iyon at nagtype.

Me:
Itanong mo dali!

Nang mabasa niya na ang ni-send kong message, sabay kaming napatingin sa cellphone niya. Nag-type siya doon. Basang basa ko naman ang mga salitang tinitipa niya sa kaniyang cellphone. Nakalagay sa taas ng screen ang pangalan ni Seven.

Hindi namin p'wedeng itanong nang harap harapan kay Seven ang tungkol sa kapatid niya dahil magkatabi lang sila ni Primo. Sakto namang nakatulog si Primo habang nasa biyahe.

Marcus:
Pitong, nasaan 'yung ate mo ngayon?

Seven:
Nandoon siya sa resort ngayon, sabi niya sa text niya kaninang umaga.

Marcus:
Remove mo nga muna si Primo sa MAYAMAN PERO KURIPOT GC.

On my peripheral view, I saw Seven tilted his head to look at us. Nakakunot ang noo niya. Takang-taka na siguro siya kung bakit. Nakikita ko rin sa reaksyon niya ang kaunting pagdududa.

Seven:
Pre, si Adrian lang makakapag-remove ng member do'n. Hindi naman ako admin.😑😑

Marcus:
Gumawa ka na lang ng bagong GC, tapos isali mo si Liana doon.

Marcus:
Pero wag mo isasali si Primo. Pati si Adrian baka magalit 'yon eh.😂😂

Seven:
Sige sige.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger app. Inaantay kong maisali ako sa GC. Ilang segundo pa ay nakasali na ako. First time kong makaka-chat ang mga miyembro ng Aces maliban kay Adrian at Marcus.

Seven, Marcus, Liana, and 3 others.

Marcus named the group PRIMO'S TOP SECRET.

PRIMO'S TOP SECRET

Jonas:
Hoy, ano 'to Seven?!

Andy:
Primo's top secret? @Seven Hensley anong meron?

Wants And Needs ✔︎ [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon