EARPHONES
"Bro, balita ko marami daw nag-pasa na ng form para sa dance class." bungad ni Jonas. Hinabol pa ako sa hallway para maging magkasabay kami sa paglalakad.
"Yeah. Hindi ka ba mag-e-enroll?" pag-iiba ko.
"Ah, hindi kaya ng schedule eh. Kahit sila Cyrus hindi pwede. Masyadong busy." anito at parang pagod na pagod siya nang sinabi niya ʼyon.
Bumagsak ang balikat ko at napabuntong hininga. "Busy rin ako pero kailangan kong maging role model sa ibang studyante, dahil COO ako at class representative ako."
"Sa bagay may point ka naman, pero kung hindi mo kayang pumasok sa dance class, ʼwag muna dahil baka ʼdi kayanin ng katawan mo." nag-aalalang aniya.
"Yes, and Iʼm well aware of my health so donʼt worry much about me." ngumiti ako.
"Sige mauuna na ako sa classroom." pagpa-paalam niya. Tanging pagtango na lang ang naigawad ko sa kaniya.
Bago ako dumiretso sa silid namin, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at binuksan ito. Una, tinignan ko ang oras. Pangalawa ay tinignan ko kung may messages mula kay Mom dahil inaasahan ko ang pag-visit niya rito sa Scottsdale Academy.
Wala naman akong mensahe na natanggap kaya binalik ko na ang cellphone sa bulsa ko. Lumingon lingon ako sa paligid ko bago pumasok sa classroom.
Napatigil na lang ako sa paglalakad nang makita ko si Liana na naka-earphones habang naglalakad sa hallway. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa nilalakaran niya.
Kusa akong napangiti at nagkusa ang kamay ko na kumilos. Hinarang ko ang kamay sa harap niya at ngayon nagtaas na siya ng tingin. Tinignan niya ako ng walang emosyong nakapinta sa mukha niya.
"Hey." I said.
Kasabay ng pagharang ko ay nahulog niya ang cellphone niya at nag-disconnect ang earphones.
"The fuck?" nagkasalubong ang kilay niya at humarap sa akin pagkatapos niyang damputin ang nahulog niya.
"You look pissed." pangaasar ko pa sa kaniya.
"Duh? Sinong ʼdi mapipikon? Nananahimik ako habang naglalakad tapos haharangin mo ako?" mataray na tanong nito sa akin. "Inutil ka?"
I chuckled and thatʼs when I decided that it was because of her cute reaction.
"Tabi!" tinulak niya ako sa gilid at tumama ako sa pader dahil dumulas ang swelas ng sapatos ko.
Padabog at mabilis siyang naglakad palayo. Pinagpagan ko ang coat ko at tumayo ng maayos. Sinulyapan ko siya habang papalayo at napatulala ako sa kaniya nang lumingon siya.
"Hey Adrian!" she shouted and looked cool while she put her hands inside her pocket. "See you on dance class!" at pagtapos niyang sabihin ʼyon ay tumakbo na siya diretso sa hallway. Nakatanaw lang ako at pinagmamasdan ko siyang makalayo. At saka ko lang napagtantong may klase pa pala ako kaya pumasok na ako sa loob ng silid.
— IAHT —
Nakangising humarap sa akin si Leon. "Whatʼs with the smile brother?"
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Ficção Adolescente[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021