THREE OF US
CALIA
One week had already passed. Masasabi kong napakabilis talaga ng panahon.
Araw ng Sabado ngayon at tanging panonood ng telebisyon lang ang ginagawa ko. Ito na ang pinakapahinga ko sa buong Linggo.
Walang dance class buong week na 'to kaya hindi kami nagkakausap o nagkikita man lang ni Adrian sa loob ng campus. Pero hindi ibig sabihin n'on ay wala nang komunikasyon. Nag-uusap kami minsan kapag free time namin at bago matulog.
I've heard about Crystal, pumapasok na raw siya sabi ni Calvin. Mas nakakausap ko si Calvin kaysa kay Adrian. Lagi ko siyang naabutan sa parking lot kaya nakakapag-usap kami kahit kaunti.
"Hi Calvin." saad ko nang makita ko siyang muli sa entrance ng parking area. Pangalawang beses ko na ito.
"Oh. Hey." malamig na tugon niya. Tama si Darwin , malamig talaga ang pagkatao niya. Well, nahahalata ko naman. Hindi siya palausap sa mga kaklase niya, sabi rin ni Darwin. Tinuring kong napakasuwerte ko na dahil nakakausap ko siya.
"Kamusta?" sambit ko.
"Stressed. As usual." aniya. Wala nang karugtong ang sinabi niyang iyon kaya umisip ulit ako ng itatanong.
"Ikaw, kamusta?" tanong niya. Sumandal siya sa kotse niya.
"Ayos naman, medyo stressed din." sagot ko naman.
"Kamusta naman kayong dalawa ni Adrian?" tanong niya.
"Minsan ko lang siyang makausap this week, busy rin naman kasi siya." sumagot ulit ako. That's very rare. Sabi ni Adrian sa 'kin, hindi palatanong si Calvin.
"Have you talked to..." tumigil siya sa tanong niya at napaiwas ng tingin. Mukhang nahihiya pa siyang banggitin ang pangalan ng kaibigan kong si Crystal.
"To Crystal?" I confirmed. He nodded. "Hindi ko pa siya nakakausap, why?"
"She came back to class today." aniya.
"Did she saw you?" tanong ko, agad naman siyang tumango. "What happened."
"Nothing." simpleng saad niya. Natahimik ako dahil ayaw ko nang pag-usapan namin iyon baka hindi niya kaya. "It was so hard seeing her, pero ano bang magagawa ko? We are both in the same room. Hindi ko naman pwedeng ipagpaliban ang klase dahil sa kaniya. I need to study somehow."
I didn't see that coming. Iniiwasan ko pa naman 'yong mapag-usapan.
"It was hard moving on. She's the only girl I've loved in my whole damn life. Adrian knows that. I regret hurting her, yet I don't regret setting her free. She deserves it, anyways." he said, emotionally.
"Is it really fine for you to talk about her knowing that you haven't moved on yet?" I asked, considering his status.
"It's not." he uttered. My eyes widened in confusion. "But I want you to understand because I know you want to do the same thing I did."
Nag-iwas ako ng tingin dahil totoo ang sinabi niya. Tinamaan ako sa sinabi niyang iyon. I was so embarrassed because it's his brother that we're now talking about.
"If you need to free him, don't hesitate. You just need to have a very deep and valid reason to do that." he said. "Clarify your intensions. Think wise, not only twice."
"Thank you." I gratefully said.
Sa totoo lang, simula nang nakausap ko si Calvin, gusto ko siyang maging kaibigan. He's matured enough unlike me. Hindi ko nga maintindihan bakit andaming nagsasabing hindi siya mabait but in reality, hindi lang talaga nila kilala ang ugali ni Calvin.
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Novela Juvenil[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021