SELFISHNESS
“Magandang umaga.”
Bigla na lang akong nagising at napabangon sa kama. Ang wirdo naman ng kinikilos ko ngayong araw. Kakagising ko lang ganito na agad ang bungad ko kay Calia.
“Letʼs have breakfast.” sabi nito saka naunang lumabas ng kwarto. Naiwan ako rito sa kama habang tulala at walang ginagawa.
Hinilamusan ko ang mukha ko at parang may mga bagay na sumasagi sa isip ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Fuck? Bakit namamaga ʼyung mata ko? Ano na naman kaya ang ginawa ko kagabi at ganito na lang ang pagkamaga nito?
Inayos ko ang damit ko at sinuot ang tsinelas at tuluyan nang lumabas ng kwarto pagtapos ihanda ang sarili.
“Akala ko ba mag-aalmusal tayo, Calia?” tanong ko sa kaniya nang makita ko siyang nakatayo lang sa harap ng pinto pagkalabas ko.
“Oo nga.”
“Magpapadala na lang ako rito sa kwarto. Wag na tayo bumaba.“ bigla namang nagbago ang pinta ng mukha niya. Nagulat pa nga siya halos.
Tumango na lang kami sa isaʼt-isa at bumalik sa kwarto.
Tinawagan ko si Ms. Allison para magpadala ng almusal sa kwarto namin. Nanood na lamang kami ng TV habang naghihintay itong dumating. Habang abala sa panonood, narinig ko bigla ang katamtamang lakas ng pagkatok mula sa pintuan.
Pinagbuksan ko iyon at umasang iyon na ang aming almusal. Pero hindi pala.
“Good morning, Adrian.” bati ni Calvin nang may ngiti sa kaniyang labi. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti kaya nagtataka ako kung anong meron.
“Good morning.” wala sa sariling bati ko, gulat pa rin sa nakikita ko.
“Hindi na kami mag-e-extend dito.” agad na bungad niya.
He was a straightforward type of person, walang paliguy-ligoy pa. Kung ano ang dapat o gusto niyang sabihin, madali niya lang iyong nasasabi. Ayaw rin niyang may nag-aantay at siyempre mas ayaw niyang mag-antay.
“I gave Leonardo my prize, so we will be off later together.”
Is that why heʼs smiling at me?
“Bakit?” kumunot ang noo ko.
“Masaya na ang gabi ko, sapat na iyon. The feeling of being complete at your own day. This was the best gift for my birthday.” Mas lumapad ang ngiti niya at mas namutawi ang saya sa mga mata niya.
Ngayon lang kitang nakitang ganiyan kasaya, Calvin. Sana araw-araw kitang makitang ganiyan. It softened my heart when I see him that way. Pakiramdam ko kasi lahat ng pagkukulang ko ay napunan na. Pakiramdam ko ayos na kaming dalawa.
“And isnʼt that the reason why weʼre here? To celebrate my birthday.”
“Ah yes.” tanging naisagot ko.
“Sige mauna na ako, may pupuntahan pa ako.” pagpapaalam naman niya at tumango naman ako. Pinanood ko muna siyang maglakad palalayo at saka pumasok na sa loob.
Saktong isasara ko ang pinto ng dumating ang almusal. Iniabot na ang tray sa akin kaya kinuha ko ito para ipasok na sa loob. Nakita ko si Calia na nakahawak sa tiyan niya at narinig ko pa itong kumalam.
She might be very hungry.“Letʼs eat.” sambit ko nang maisaayos na ang aming kakainan.
I sat with her on the table on the veranda. Thereʼs where I place the tray and all. Malamig ang simoy ng hangin, hindi naman sobrang lamig kundi sakto lang na maramdaman mo ito.
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Novela Juvenil[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021