YOU SHOULD
"Good morning." bati ko sa dalawang kapatid ko na bagong gising. Weʼre going to have breakfast on the shore, under the palm-trees.
Tulad ng sabi ni Seven noʼng nakaraang araw, siya na ang sasagot sa mga pagkain.
"Kamusta ʼyung tulog niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ayos lang. By the way good morning din." ani Calvin.
"Inaantok pa ako pero ginising ako ni Bliss kaya ayon." ani Leonardo. Halata sa itsura niya na inaantok pa dahil kinukusot kusot pa niya ang mata niya.
"Himala magising si Bliss ng ganitong oras." natatawang sambit ni Calvin.
"Ha? Bakit naman?" tanong ni Leon. Pareho kaming napatingin sa kapatid namin.
"Nabanggit niya sa akin na kadalasang gising niya ay bago magtanghali. Bandang 11." anito. Tila kilala niya talaga si Bliss. Siguro ay magkaibigan sila. Pero hindi ʼyon mangyayari dahil ʼdi naman siya palakaibigan.
"Bakit mo alam ʼyon?" nagtanong ulit si Leonardo.
"Sinabi niya sa ʼkin." simpleng saad ni Calvin.
"Eh asan na nga ba si Bliss?" tanong ko sa bunsong kapatid.
"Kasama ni Crystal. Nandyan lang sila, naglilibot kung saan." sagot niya. Kakabanggit pa lang niya ay saktong dumating na ang dalawa.
Nagsibatian ang mga kaibigan kong bagong gising nang kararating lang nila. Naupo na sila sa tabi naming magkakapatid. Sila Crystal at Bliss naman ay gising na gising ang diwa dahil hindi ko man lang sila makitaan ng bahid ng antok.
"Si Liana, nasaan na siya?" ani Marcus.
Ang aga aga, Marcus, siya agad iniisip mo.
Nagkibit-balikat na lang ako.
Maya maya ay dumating na siya, suot ang mga damit na pinabili ko para sa kaniya. Mukhang kailangan ko nang magtayo ng sariling boutique.
"Youʼre so gorgeous."
"Thank you." aniya. "Good morning guys." dagdag pa niya nang tignan ang bawat isa sa amin.
Tinabihan niya ako kaya naisip kong kamustahin siya. "How was your sleep?"
"Itʼs fine. It was cold, to the point na kahit walang air-condition, malamig pa rin." sagot niya. Time check, itʼs six in the morning. "By the way..." Nilapit niya ang bibig sa tainga ko. "Thank you for these clothes." she simply smiled whil whispering.
"Youʼre welcome." sambit ko.
Um-order na kami ng almusal namin. This is the kuripotsʼ favorite hobby. Ang mag-almusal ng pagkadami-dami tapos ʼdi naman sila ang nagbabayad. Well, hindi rin naman ako ang magbabayad dahil sabi ni Seven na siya na ang magbabayad sa lahat ng pagkain namin.
"Guys, feel free to order anything you crave, itʼs on me." ani Seven na siyang tanging nakatayo sa aming lahat.
"Wow ha. Talaga lang!" tumawa si Primo ang mortal enemy ni Seven.
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Novela Juvenil[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021