Chapter 24

28 2 0
                                    

PERFECT WAY

"Crystal..." bulong ko habang nakatulala. Ang mga mata ko ay nasa isang tao lang... Si Crystal...

"Crystal?" ani Calvin habang inaangat ang katawan ni Crystal.

Wala akong ginawa kundi ang tumingin lang sa kanila. Hindi ko magawang ikilos ang katawan ko.

"Crystal!" muling sambit ng kapatid ko. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito pero hindi pa rin ito dumilat.

"Calvin... Sorry..." baling ko sa kapatid ko. Muli niyang sinambit ang pangalan ni Crystal at muling tinapik ito pero hindi pa rin siya gumising.

"You'll pay for this, Adrian." aniya habang may pagdiin sa bawat salita. Matalim ang tingin niya sa akin. He's mad... Very mad. He could kill a man with those sharp look.

Dumating si Leonardo at ang iba naming kaibigan. Sumunod lamang si Leon kay Calvin sa kung saan man sila pupunta.

"Anong nangyari?" bungad ni Jonas. Kasama niya ang mga kaibigan namin. Kararating lang nila.

Nanatili ang mata ko kung saan ito nakatingin mula kanina pa. Hindi naalis ang tingin ko sa kung saan nawalan ng malay si Crystal. "She couldn't breathe." I answered like I was trapped inside my own mind.

Pakiramdam ko, silang lahat ay nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ni Cyrus.

"Anong ginawa mo, Adrian?" malamig na tugon ni Marcus. Napatingala ako sa kaniya.

"Wala akong ginawa kaya nagkaganoon siya..." I admitted.

"Calvin was this half-way close to you. Sa kung ano mang ginawa mo, malalayo ulit ang loob niya sayo." ani Jonas na siyang nakakalamang sa kaalaman tungkol sa aming magkakapatid.

"Masama ba ako?" biglang tanong ko. Napatakip ako sa bunganga ko nang maitanong ko iyon. Hindi ko sinasadya na lumabas yun sa bibig ko.

"Hindi ka masama, Adrian." sagot ni Marcus. Muli akong napatingin sa kaniya. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at pag-igting ng panga niya. "Hindi ka masama kasi gago ka."

Lahat ng kasama namin ay biglang napatingin sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang bumaling sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay niya nang mapansin ang pagtataka ko. "You heard me right, Adrian."

"Marcus." Pagpapakalma ni Cyrus sa kaniya. Tila pa niya pipigilan si Marcus dahil sa tingin niya ay kikilos ito.

"Gago ka. Alam mo kung bakit? Kasi andami mong problema, pero kahit isa sa mga 'yon, 'di mo hinarap. Nanakit ka na ng damdamin ng ibang tao tapos umiwas ka na parang inosente. Gago ka, Adrian." dugtong ni Marcus. Akma niyang patatamain na sana ang kaniyang kamao sa akin kaso pinigilan siya ng aces.

Hinarang ni Primo ang braso sa leeg ni Marcus na naging dahilan ng pagubo nito bigla. "Marcus, shut up for now will you?"

Umatras siya at sinamaan ng tingin ang bawat isa sa amin. "Masama bang magsabi ng katotohanan? Nagtanong siya! Sinagot ko lang ang tanong niya. Kailangan niyang malaman ang dapat! Bakit niyo ba ako pinipigilan?!"

I've never seen him furious... Nagbago na si Marcus. Hindi ko na siya halos makilala sa paraan ng pagkilos niya at pananalita niya. Siguro nga... Gago talaga ako. Pero hindi ko naman ginusto manakit ng damdamin ng iba.

"Marcus, stop." sabi ni Liana.

"Pati ba naman ikaw, Liana? Pipigilan mo rin ako? Alam nating dalawa ang totoo! Parang sila pa ang kinakampihan mo?" Lumapit si Marcus sa kaniya, naging dahilan ito ng pagka-ilang ni Liana. "Umamin ka nga, ano ba'ng nagustuhan mo sa Adrian na 'yan?!"

Wants And Needs ✔︎ [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon