SLEEPY HEAD
"So Mr. Boss, where do you want me to sleep tonight?" She asked in a very very very seductive tone. That wonʼt work on me. Nakakrus lang ang braso niya ngayon. Hindi ko namalayan ang oras. This time is the usual time I sleep, but here I am standing in front of her while deciding which room in the mansion I would let her stay in.
I sighed when I figured out that I canʼt just let her sleep in on of our guest rooms. Una, dahil hindi pa naayos ang mga kwarto. Pangalawa, kung maayos man, hindi naman ako nakapagpaalam.
I figured out the right thing in a blink. "Stay at my room."
"What?! No fucking way, Adrian. I came here because I have no choice. Donʼt take advantage on me." she glared at me. Nagkatinginan lang kami at walang isa sa amin ang umimik.
"Our guest rooms are strictly forbidden to use without Dad and Momʼs permission." I stated.
"Weh?" aniya na parang ʼdi makapaniwala.
"Ask Leonardo then." I said nang mapagtanto kong ʼdi talaga siya naniniwala.
Kinagat niya ang labi at tumingin na lamang sa kabuuan. Mukhang pareho kaming walang choice kundi ang magsama ngayon sa isang kuwarto.
"Sige matutulog ako sa kuwarto mo ngayon pero magkaiba tayo ng hihigaan. Nakita ko kanina sa kuwarto mo na may sofa ka. Doon na lang ako." aniya.
"Ako na lang sa sofa." sabi ko naman.
Umiling siya, "Ako na lang. Nakakahiya naman kung makikitulog na nga ako tapos ako pa ʼyung komportable kaysa sa may ari ng kuwarto."
"Hmm edi sige."
May plano ako kaya sumang-ayon ako sa kaniya ng ganoʼn kabilis.
Pumasok na kami sa kwarto ko at doon ko lang napagtantong malaki pala ang sofa ko na malapit sa kama. Kasya na ang katawan ko roʼn. Ang plano ko kasi ay hayaan siya roon hanggang sa makatulog siya. At kapag nakatulog na siya, ililipat ko na siya sa kama. I want her to be comfortable kahit ako na lang ang matulog sa sofa.
Dahil marami akong unan sa aking kama, kumuha ako ng dalawa roon dahil anim naman ang unan ko. Binigay ko ang dalawang kinuha ko.
Umupo siya sa sofa nang naka-indian sit. Nakapatong ang isang unan sa lap niya at hawak niya ang cellphone niyang nakapatong sa unan.
"Adrian! May joke ako HAHAHA!" aniya habang humahalakhak pa. Wala pa siyang sinasabing joke natatawa na siya. Hay nako.
"Sige, anong joke mo?" tugon ko naman. Nanatili ang mukha kong seryoso.
Tumigil siya sa pagtawa ngunit napakalapad pa rin ng ngiti niyam "Ang gwapo mo ʼpag malayo." sambit niya.
"Hindi naman joke ʼyon. Pero sobrang hot ko ʼpag malapit ako sa ʼyo. And donʼt forget na gwapo ako kahit nasaan ako o kahit anong anggulo." kumindat ako na dahilan kung bakit siya natahimik at umiwas ng tingin.
Lumipas ang ilang segundo. Abala lang siya sa pagpindot sa kaniyang cellphone habang ako naman ay naliligo sa banyo. Hinayaan ko lang siya sa kung anong gusto niyang gawin. Maya-maya ay natapos na akong maligo. Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko siyang nakahiga na sa sofa at nakakumot ang buong katawan. Hindi naman malamig ang air-con pero parang lamig na lamig siya. But sheʼs cute in that blanket I lend her.
"Ayaw mo ba munang manood?" tanong ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa gawi ko.
"Gusto ko sana kaso hindi ko alam kung paano gamitin ang tv mo. Masyadong high-tech eh." sabi naman nito. Nagbaba lang siya ng tingin sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Fiksi Remaja[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021