CELEBRATE
"Adrian!"
Tinawag ako ni Calia nang saktong marinig ko na ang pagputok ng mga fireworks sa langit. Sabay-sabay itong pumutok at bumuo ng korteng puso. Mas natuon ko ang atensyon ko kay Calia dahil nagniningning ang mga mata niya habang pinapanood ang fireworks display. Malakas ang hangin kaya malakas din ang hampas ng alon sa dagat, kasabay ng paggalaw ng buhok at bistida ni Calia.
Habang nakatingin ako sa mga mata niya, kumunot ang noo niya at napansin akong tumitingin sa kaniya kaya tinignan niya rin ako.
"Adrian, ang ganda ng fireworks display, hindi mo ba papanoorin?" aniya.
"Iʼm fine. Mas gusto kitang tignan..." I smiled.
"Ms. Montenegro, kindly sit under the tent." biglang lumitaw si Primo sa harapan namin nang matapos ang fireworks display. Nagpipigil ng tawa si kupal.
"Bakit ako lang? Si Adrian din!" ani Liana habang nakikipagbiruan kay Primo.
"Ikaw lang po talaga, Ms. Montenegro." yumuko ang kupal.
"Sanggol, ʼwag mo na pansinin ʼyan. Baliw ʼyan." ani ko habang sinasamaan pa ng tingin si Primo. "Umupo ka na lang muna roon, babalik ako."
"Siraulo ka ha!" binatukan ako ni Primo.
Pumunta muna ako sa bar area. Natatanaw ko siya mula sa ʼdi kalayuan. May babaeng nag-serve na ng pagkain para sa kaniya nang sa ganoʼn, hindi siya magutom habang pinapanood ang sayaw ng lima na baliw kong kaibigan. Lima lang sila dahil si Primo, siya ang naka-assign sa sound system.
Si Marcus, Jonas, Cyrus, Seven, at Andy ay nagtungo na sa harap ng tent upang magpakitang gilas na. Hindi ko sila gaanong makita pero nasisiguro ko namang nag-e-enjoy si Liana habang pinapanood ang pagtatanghal nila. Habang nagtatanghal, dumating na ang ate, mama, at papa ni Liana. At nakita ko kung gaano kalaki ang ngiting nasa labi niya at ang saya sa mukha niya.
Inayos ko na ang damit ko bago matapos ang pagsayaw ng lima. Ako na ang susunod na magtatanghal.
Habang abala sila, ako naman ay tumanaw lang sa dagat. Naging kalmado na ito hindi katulad ng lakas ng paghampas ng mga alon kanina.
While I was looking at the sea I realized something...
Walang alon kung walang hangin.
Walang pusong titibok kung walang magpapatibok.
Walang tatagal kung walang susugal.
Walang mananalo kung walang lalaban.
Tila ako nabuhusan ng malamig na tubig nang kalabitin ako ni Primo.
"Man, itʼs your turn." Primo reminded.
Oh God, please make everything stick to the plan. Iʼm nervous this time. As all know, Iʼm good at dancing. Everyone—including me—doesnʼt know that I can do singing.
Nang tumayo ako sa gitna, sa harap ng tent, sa harap ni Liana. I hold the microphone to turn it on, I hold my guitar and started strumming it.
"Thereʼs a new girl in my class, so look at us in there.
Messing with her hair like she donʼt care
Sheʼs a real rock chick with the red lipstick and the ladders in her tights with that crazy look in her eyes."Pagkatapos ng tatlong linya, dumating Si Mr. Francisco at Mrs. Beverly Montenegro na may hawak na tig isang dilaw na rosas at inabot ʼyon kay Liana nang matabihan nila siya sa tent.
BINABASA MO ANG
Wants And Needs ✔︎ [unedited]
Teenfikce[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 2 "No matter how long I waited, if it wasn't for me, I won't hesitate any longer." March 26, 2021 - December 26, 2021