Chapter 8

51 4 0
                                    

LOCKED

"So... Ano? Dito na lang ba tayo sa kuwarto mo?" Tinignan ako ni Calia habang nakakrus ang braso niya dahil naiinip na siguro siya. Halos kakapasok lang naman namin dito sa kuwarto ko.

Huminga akong malalim, "Donʼt you want us to be alone—in a room?"

"Beats me." she shrugged. "Letʼs just go to your garden. Kanina ko pa kasi sinabi sa ʼyo na roʼn tayo pumunta sa hardin ninyo." she looked at me, sharply.

It was just a little bit of awkwardness surrounding us again. Well, lagi naman kaming nakakaramdam ng ganito. Hindi naman na bago.

"Sige na nga." tanging nasabi ko. Hindi ko rin naman kasi alam ang pwede naming pagkaabalahan namin dito sa loob. Mas mabuti-buti pang lumabas kami. Sariwa ang hangin.

Nauna akong lumabas na sinundan naman niya agad. Pagbaba namin sa first floor, nakita ko si Calvin. Parang kahapon lang ay nanggaling siya rito. Hindi ko na matandaan. "Hey, kasama ko pumunta rito si Crystal." sabi nito.

Ang ganda naman ng bungad niya. Note the sarcasm.

"Adrian, ʼdi ba siya ʼyung kaibigan ni Bliss at Crystal?" tanong ni Calvin. Nakatayo lang siya sa harap namin habang pinaglalaruan niya ang itim na mask na hawak niya.

"Ah oo, siya rin ʼyong kasama ko sa resort." saad ko.

Napansin ko lang na parang wala siya sa mood makipag-usap ngayon dahil kadalasan ay makikipagbarahan pa ʼyan sa ʼkin. Nakakapanibago lang iyong ngayon.

"Crystal will be joining us on dinner." aniya.

Ngumiti na lang ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi at tuluyan na kaming lumabas ni Calia.

Bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako? Kung kinakabahan nga ako... Anong dahilan?

"Bad mood ba si Calvin?" tanong ni Calia nang makarating na kami sa hardin.

"Nahalata mo rin pala ʼyon?" tanong ko pabalik.

"Siyempre may mata ako at may pakiramdam. Anong tingin mo sa ʼkin, manhid?" she asked in a slightly high pitch.

"Wala naman akong sinabi." I teased her.

"So ano nga? Bad mood ba?"

"Siguro. Heʼs not in his usual."

"Angas mo naman! May pasabi-sabi ka pa ng heʼs not in his usual."

"Oh? Anong mali roʼn?"

"Nah, never mind."

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang dulo ng hardin. May fountain doon na maliit, doon kami umupo malapit doʼn.

"Parang nag-iba ʼyung mood mo mula kaninang nag-usap kayo ni Calvin?"

"Ha? Hindi naman ah."

"Oo kaya." aniya habang ginugulo gulo ang buhok ko. "Tungkol ba ʼyon kay Crystal?"

"Nope. Baʼt naman mag-iiba ang mood ko kung siya lang naman din ang usapan?"

"You sound so defensive."

"Iʼm not."

"Be honest—do you still feel something towards her?"

"Wala na akong nararamdaman sa kaniya." umiling ako.

Tinignan niya lang ako ng masama. Itʼs like her eyes were asking me if Iʼm being honest or not. But I donʼt even know the answer or I know but still not ready to answer it?

Wants And Needs ✔︎ [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon