Chapter 2

38 1 1
                                    

Chapter 2

November 9 Friday 12:01 pm

Nang marating ko yung restaurant, pumasok ako at nagtanong sa staff kung saan yung Baguio dining room. Tinuro sa akin tapos mabilis na lumakad papunta dun.

Pagbukas ko ng door ay nakita ko kung sino-sino ang mga tao. Hell, nandito si Tita Arlene at Tito Ricky. I thought wala sila dito dahil di ko nakita yung van nila. Sina Lolo Joseph at Lola Ludy. Sina Dad and Mom. Si Stefan nandito rin yung best friend ni Alaric. Si Althea yung girlfriend ni utol at yung best friend ni Althea na si Margaret o Maggie.

Freaking crap, daming tao at nandito si Maggie. Okay I should explain the story about Maggie. By the time Alaric and Althea became a couple, they try to set me up with Maggie. I still remember yung conversation namin ni Ric...

"Bro, okay yun si Margaret. Maganda, mahabang buhok, maputi. Di ba yun ang type mo?" Sabi ni Ric na nakangiti.

"Okay, physically that's my type pero paano dun sa personality?" tanong ko naman sa kanya.

"Personality kaagad? Ano ba Tris? First date pa lang ito. It's been a long time since you went out for a date."

"Okay, fine whatever. Payag na ako. Saan ba magkikita?"

"Sa may Ayala Triangle Gardens. Friday mga 8:00 pm. Sa una nandun pa kami ni Thea pero alis din kami para magsolo kayo."

"Pasalamat ka morning shift na ako nun. Sige Ric okay na yun." Sabi ko sa kanya.

"Wala nang atrasan yan ha. Don't you dare na di sumipot at ako ang mapapahiya kay Thea at Margaret." Warning pa niya sa akin.

"OO na, wala akong balak na di dumating"

"Good, para clear as in crystal clear."

"OO na nga, ang kulit mo."

Then Friday came, bumalik muna ako sa condo, nagpahinga tapos naghanda na sa blind date ko ngayon. I hate blind dates, ayaw ko kasi nang di ko alam kung ano yung pinapasukan ko. Gusto kahit papaano may alam ko, ewan ko ba sa sarili ko masyado akong segurista. Lagi akong kailangan may safety net.

So dumating na ako sa Ayala Triangle Gardens, and since it was a Friday night looking for a space to park was a headache. Grabe hirap maghanap tapos ang mahal ng bayad.

Dumating din ako dun sa restaurant row ng Gardens at nakita ko sina Ric at Thea na magkasama at may isang babae silang kasama. Lumapit ako agad sa kanila

"Yun naman, Tristan. Kala ko di ka na dadating?" tumatawang sabi ni utol.

"Bro, di ba sabi ko sayo na I'm coming to this date. O hello Althea." Bati ko sa girlfriend ni Alaric.

"Hi Tristan. Nga pala, this is Margaret best friend ko." Sabi ni Althea.

"Hi" bati nung babae nakatabi ni Thea at inabot yung kamay niya para sa handshake.

Freakzoid, in fairness she's pretty. Di nagsisinungaling si Ric. She has this wavy long hair tapos maputi at bagay sa kanya yung suot niyang yellow floral dress.

"Tristan, Tristan Julian Acueza." Saad ko nang medyo nahihiya at sabay hawak ng kamay for a handshake.

"Margaret Rosalee Bernardo, you can call me Maggie." Pakilala naman niya.

'

"Okay guys, let's get this show on the road." Sabi ni Alaric na nakabungisngis.

Mga 30 minutes lang nandun sina Alaric at Althea tapos umalis din sila dahil may reservation sila sa isang restaurant sa Greenbelt. And then naiwan kaming dalawa ni Maggie.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon