Chapter 5

25 1 0
                                    

Chapter 5

November 10 Saturday 11:05 am

Okay, this is not fun. Not fun at all sabi ko sa sarili ko habang nakapila sa cashier sa isang supermarket. Kaninang umaga ay bigla na lang nagbigay ng listahan ng bibilhin si Mom at pareho kaming binigyan ni Alaric. Yun daw ay para sa gagamitin para sa rehearsal dinner mamayang gabi at para sa din bukas. Ewan ko, parang gusto lang nila na wala kami ni Alaric sa resort kay inutusan niya kami.

Halata naman na ploy lang nila ito para masetup yung birthday party naming dalawa. For Pete's sake malaki na kami ni twin bro at di na kami bata. Pero I just go along with their plan baka magalit pa sina Mom. Kaninang umaga sa breakfast ay wala naman sinabi sa akin si Maggie o baka she doesn't know anything or pretending that wala siyang alam.

Arrgh... ang bagal naman nung cashier. Tapos lahat ay may mahabang pila kasi ang daming tao. Anong oras kaya ako makakabalik sa resort. Pagtingin ko sa cashier ay natapos rin yung babaeng na ang daming pinamili. Malapit na rin ako, dalawang tao na lang. At sinuot ko na lang yung headset ko at inilabas yung cellphone ko at nagplay ng music. Breakeven ng The Script ang tumugtog kaya inenjoy ko na lang habang nakapila pa rin ako.

After 20 minutes, nakalabas din ako ng supermarket at medyo maraming akong dala. So pumunta na ako sa SUV ko tapos inilagay sa likod yung pinamili ko. Teka makuha nga yung bottled water na binili ko kanina. Hinanap ko pero wala akong makita. Hell no, di ko yata nasama dun sa mga kinuha ko kanina. Malas talaga at sinarado ko na lang yung likod na pintuan at aalis na sana ako nang makita ko yung Ministop. Dun na lang ako bibili ng tubig uhaw na kasi ako.

Pagpasok ko sa Ministop ay agad akong pumunta sa bottled drinks area. Dun ay kumuha ako ng bottled water at daling pumila sa counter. Hmmm... pila nanaman. Sa Pilipinas talaga walang katapusang pila pero buti na lang dito mabilis yung cashier. Tinanggal ko yung headset ko at binayaran ko na yung tubig at aalis na sana ng makita ko yung magazine stand.

Habang nagbrobrowse ako ng magazine ay narinig ko nanaman yung magandang boses na yun.

Cause you're everywhere to me...

When I close my eyes its you I see...

Everything I know that makes me believe...

I'm not alone woahhh I'm not alone...

Bigla akong napalingon tapos nakita ko si mystery girl. That girl that I saw last night singing Marie Digby. Ngayon naman ay Everywhere ni Michelle Branch ang kinakanta. I'm really beginning to take interest with this girl. So far yung mga gustong artist ay kinakanta niya.

Dahil sa pagiisip ko di namalayan na palabas na pala siya ng store. Napansin ko na may panyo sa sahig at naisip ko na baka sa kanya yun kaya dali daling kong pinulot at tumakbo palabas. Naabutan ko siya sa labas at tila naghahanap ng tricycle. Siguro pabalik na siya sa resort. This is my chance, siguro bumawi lang si Lord kasi kagabi namiss ko yung chance nang mabanggga ako ng staff ng resort.

Lumapit ako sa kanya and my heart is beating fast at parang kinakabahan ako.

"Miss..." tawag ko sa kanya.

At dahil nakaheadset siya ay di niya marinig yung boses ko kaya naman inulit ko ang pagtawag sa kanya.

"Miss, nahulog yung panyo mo sa loob." mas malakas na sabi ko at medyo tinapik ng mahina sa kanang niyang balikat.

Lumingon siya sa akin at parang nagtataka. Inalis niya yung headset niya at sinabing "What do you want?"

"Ah... sabi ko yung panyo mo nalaglag kanina sa loob ng Ministop." sabay abot ko nito sa kanya.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon