Chapter 22

21 1 1
                                    

Chapter 22

February 6 Saturday 6:10pm

Nakalipas ang isang buwan mula nang magusap kami ni Felice. I tried to do exactly what she wishes na kalimutan ko na siya. Masaya ako dahil kasama ko si Rian and my love for her is constantly there. But it seems what I feel for Felice grows stronger every day. Naguguluhan na talaga ako at di ko na alam ang gagawin ko.

I remember my three conversations that led me to this point.

---------

Two weeks after kong makita uli si Felice ay sinabi ko kay Rian ang tungkol dito

Nandun kaming dalawa ni Rian sa park na malapit sa bahay nila. Yung park na tambayan namin nung nasa college kami. Just spending a quiet Sunday afternoon.

Nakaupo si Rian sa bench while reading a book tapos ako naman ay nakahiga and my head is resting on her lap.

Pinikit ko yung mga mata ko pero I can't really shake this feeling. Di ko alam kung paano ko sasabihin kay Rian ang tungkol kay Felice.

Then I heard na nagsalita si Rian "TJ, is there something bothering you?"

Minulat ko ang mga mata ko at nakita na nakatingin si Rian sa akin.

"Bakit? What gives you that notion?" tanong ko sa kanya.

"Kasi narinig kong nagmumble ka tapos nang tinignan kita nakakunot ang noo mo." Paliwanag ni Rian.

Napaisip ako kung sasabihin ko na nga ba kay Rian o hindi.

"Please TJ, sabihin mo na. Kasi napansin ko this past two weeks na distracted ka since our company Christmas party."

Bumangon ako at umupo. Nakita ko yung worried look sa mukha ni Rian. Sa tingin ko it's time for her to know about Felice.

"Rian, I have something to tell you. Two weeks ko na rin iniisip kung paano ko sasabihin sa iyo." Amin ko sa kanya.

"Mukhang seryoso yan kitang kita sa mukha mo."

Kinakabahan talaga ako. Huminga ng malalim at nagsalita "Rian, nakita ko na si Felice."

Lumaki yung mata niya at nagtanong "Kailan? Saan?"

"Actually, kilala mo siya. Kilalang kilala." Sagot ko sa kanya.

"Ha?! What do you mean TJ? Paano ko siya kilala?" sabi ni Rian.

Napakamot ako ng ulo. Ang hirap talaga nito. Paano ko sasabihin na si Kate at si Felice ay iisa.

"Ah... si Felice Laurel ay si Katerina Sandoval." Sabi ko habang ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nanlaki ang mga mata ni Rian "Really?! Are you sure?"

"Yes, sorry for not telling you earlier. Di ko kasi alam kung paano sasabihin ko." Paliwanag ko.

Ngumiti lang sa akin si Rian at nagsalita "Don't worry TJ. I'm not angry dahil di mo sinabi kaagad."

Dahil sa reaction niyang iyon ay parang gumaan ang pakiramdam ko. It's one of Rian's traits that I really admire. She's so understanding.

"At saka malaki nga ang dilemma na iyan. And I know how much you were affected by Felice." Tuloy niya.

"And don't worry TJ. Di ako nagseselos because I know that I'm the one you love." Sabi pa niya.

Napangiti naman ako at nagsalita "I'm so relieved to hear that Rian. That's why I love you more."

Tapos ay lumapit ako sa kanya and kissed her. Her lips still taste like strawberries like the first time I kissed her.

Then lumayo ako sa kanya pero ang nakapagtataka ay ang mukha ni Felice ang nakikita ko. I shook my head to clear my sight pero I still see Felice's face.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon