Chapter 7
November 10 Saturday 5:05 pm
Isang oras na nang nagsimula ang pinagusapan na swimming kaninang tanghali. Super enjoy naman kaming lahat. Nagjetski tapos sumakay sa banana boat. Katatapos lang naming maglaro ng beach volleyball. At ngayon ay nasa tubig lang kami habang nagkukuwentuhan. Siyempre nascope din ng mga girls na nakaswimsuit. Ang sexy ni Maggie sa green string bikini niya. Yeah, friends kami pero wala namang masama na iappreciate yung kasexyhan niya di ba?
After nun ay nagpaalam muna ako na mag CR. Nang pabalik na ako sa beach ay nakita ko si Felice na nakahiga sa isa sa mga duyan. Yung exact spot kung saan ko siya first time na nakita kagabi. Binabasa pa rin niya ang Five People You Will Meet In Heaven by Mitch Albom. Seryoso siya at tila di niya napapansin ang mga tao sa paligid.
Lumapit ako sa kanya at nagsabi "Minsan naiisip ko rin kung sino sino ang mamemeet ko sa heaven kung makarating ako dun."
Lumingon siya sa akin at nagsalita ng "Oh, hi Tristan." sabay ngiti niya.
Yun naman ang ngiting yan. Grabe feeling ko natutunaw ako tuwing ngumingiti siya sa akin. Ibig sabihin kaya niyon as masaya siya na makita ako.
"Hello, Felice!" sagot ko naman. Napansin kong nakaswimsuit siya. Kaya tinanong ko siya.
"Ah, wala ka bang balak na magswimming?
"Eh... babasahin ko muna ito. Malapit ko naman na matapos." sagot niya.
"Di naman kita masisi. That book is a great read. Mitch Albom is a good author."
"So nabasa mo na ito?" tanong niya.
"Oo, pati rin yung One More Day at Tuesdays With Morrie nabasa ko na rin. Ikaw nabasa mo na yung mga yun?
"Yung Tuesdays With Morrie pa lang. Yung One More Day ay hindi pa."
"Gusto mo sabihin ko sayo ending?"
"Wag kang magulo." tapos nagpout siya. How cute. "Propheta ka pala."
"Hahaha... kasi gusto ko lang na matapos mo na yung book agad." tawa ko.
"Bakit naman?"
"Siyempre, para masamahan mo ako dun sa beach na magswimming." sabi ko. Nilalakasan ko na ang loob ko para makasama ko pa siya ng mas matagal.
"Ahh... O sige deal tayo. Wag mong sabihin yung ending at pagnatapos ako ay punta na tayo sa beach." sambit niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwa dahil napapayag ko siya.
"Sige deal ako diyan." Tapos nun ay tumahimik ako habang pinanonood siyang magbasa.
Napapatitig ako sa kanya. She's really so beautiful. Ang kinis ng balat niya na parang wala siyang pores. Tapos napatingin ako sa lips niya, I wonder what's like to kiss her lips.
Bigla siyang napatingin sa akin at nahuli akong nakatitig sa kanya.
"Madumi ba ang mukha ko?" tanong niya.
"Ha, ehh.. Wala naman. Bakit?" sagot ko na nahihiya.
"Kasi nakatitig ka sa akin. Baka matunaw naman ako." sabay ngiti niya uli.
Ako ang matutunaw pag palagi kang ngumingiti nang ganyan sabi ko sa sarili ko.
"Ah... tapusin mo na lang yang book para makapagswimming na tayo."
Tapos ay bumalik na siya sa pagbasa nun book.
Humiga na rin ako dun sa duyan na katapat niya habang hinintay siyang matapos.
BINABASA MO ANG
Sunrise
RomanceTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.