Chapter 9
November 10 Saturday 9:07 pm
This night is not turning out the way I want it to be. Pilit kong magsaya para sa kapatid ko at kay Althea pero di ko talaga magawa. I'm so confuse kung ano ba talaga, sa tingin ko naman kahit papano ay nagconnect kami si Felice kaninang hapon while we were at the beach and watching the sunset. Baka siguro I'm just reading too much into things na di ko naman dapat bigyan ng ibang kahulugan.
Maski si Maggie ay napansin na may gumugulo sa isip ko. Tinanong niya ko ano yun pero sinabi ko na wala naman. At di niya uli akong kinulit tungkol dun. Gusto ko na lang matapos itong dinner at pumunta sa room ko at matulog. Baka paggising ko bukas ay wala na ito. Siguro naman things can't get any worse pero yun ang inaakala ko.
Patapos na yung rehearsal dinner at nakita kong pumunta si Jenny the wedding coordinator sa may stage na may white screen at nagsalita.
"Everyone, may I have your attention please?" sabi niya.
"We will have a short video presentation about Alaric and Althea." Tapos ay may tinanong siya sa isang staff ng resort. Nagbigay ng thumbs up sign yung staff at nag salita uli si Jenny.
"Okay everyone, enjoy out little video about the groom and the bride." Tapos ay umalis na siya sa stage at nagsimula yung presentation.
Naalala ko na, ito yung nagbigay ako ng testimony tungkol kay Alaric at Althea. In fairness ay maganda yung pagkagagawa ng video. Natatawa pa ang mga tao sa mga iba't ibang testimonies sa video at yung tungkol sa love story nilang dalawa.
Medyo gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Naisip ko na dapat ay kausapin ko si Felice para maging malinaw na man ang lahat.
Natapos ang video presentation at bumalik si Jenny sa stage.
"That was a lovely video. Before we end the night, we would like to invite the parents of the couple to say a few words." Sabi ni Jenny.
Pumunta na yung mga magulang sa stage at naunang nagsalita yung parents ni Althea. Tapos nagsalita naman si Mom na medyo nagpipigil na maluha. Masaya naman siya para kina Alaric at Althea.
Tapos ay ipinasa na kay Dad yung microphone at siya'y nagsalita.
Medyo kinabahan ako dahil sa mga speech ni Dad lagi na lang may patama sa akin at sa mga mistakes ko. Alam kong kahit kailan naman ay di kami magkakasundo dahil our personalities are like worlds apart. Pero I'll give him a benefit of a doubt this time dahil kasal ni Alaric ito at masaya yung okasyon.
"First, I want to thank everyone for being here and sharing this wonderful occasion with us. I'm so happy that the people important in the lives of Alaric and Althea are here to witness this. I know that Althea will be a great wife to Alaric that will help him through every challenge that they may face. And I'm so happy that my son has found such a beautiful and intelligent woman to be by his side ...."
Okay, so far so good. I hope he'll just focus on Alaric and stay away from comparing us two. Pero talagang malas ako ngayong gabing ito.
".... I want to say I'm so proud of my son Alaric for all the achievements in his life, he knows what he wants in life and he doesn't take detours to get his goal. He doesn't stop until he reaches that goal, nor he will just give up because things don't go his way. He will never quit because he became burn out or not finish what he has started..."
Yeah, kala ko pa naman ligtas na ako pero ganun din ang resulta. Di pa naman nababanggit yung name ko pero lahat ng sinasabi ni Dad ay yung mga ginawa ko na hindi tama sa paningin niya. Akala ko may di na niya sasabihin yun dahil ang occasion na ito ay para kay Alaric. Pero siyempre di siya makatiis na hindi mapasaring sa akin.
"...when he told me that he wanted to be a lawyer, I was so happy dahil at least mayroon magiging katulad ko sa dalawa kong anak. And when he graduated in his prelaw course, I was so proud cause he finished college and then I was even more proud when he graduated law school and even passed the bar exam with him in the top 10...."
Can't take this anymore. I must get out or else di ko alam kung anong masasabi ko o magagawa ko. Grabe, first nalaman ko na may boyfriend na pala si Felice na akala ko that we made some kind of connection tapos ngayon indirectly ipinahihiya nanaman ko ng Dad ko sa harap ng ibang tao. Lagi na lang ganyan si Dad. Kailan ba niya matatanggap ang mga desisyon ko or even understand them pero sa tingin ko malayo pang mangyari iyon.
Tumingin ako kay Alaric, naintindihan naman niya na kailangan kong umalis at parang sinabi ng mga mata niya na sorry at siya na ang bahala dito.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagpaalam sa mga kasama ko sa table. I said goodbye to Maggie na kailangan ko ng fresh air. Gusto pa nga niya ako samahan pero tumanggi ako at kailangan kong mapagisa.
Dali dali akong lumabas at tumakbo papunta sa kabilang dulo ng resort. Tumigil ako, trying to catch my breathe. Napakaraming emotions nasa loob ko ngayon. Disappointment, frustration, foolishness, and lastly loser.
Kailangan kong ilabas lahat ng ito kung hindi parang sasabog ang dibdib ko.
"AAAAAHHHHH!!!!!" Humarap ako sa dagat at sumigaw ng hanggang sa makakaya ko.
At tapos ay tumulo ang luha ko sa sobrang galit at frustration. Okay naman ang buhay ko ngayon, financially okay ako tapos maraming namang nagmamahal sa akin. Pero bakit parang feeling ko ay hindi yun sapat at parang failure pa rin ako. Di ko maintindihan at di ko alam ang mga sagot sa mga tanong ko.
"Julian?" rinig ko sa isang boses na kahit nakapikit pa ako ay di na matatanggal sa isip ko.
Pinunasan ko ang aking mukha at lumingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon.
At nakita ko ang isa sa mga tao na dahilan ng sakit ng kalooban ko ngayon. Aalis na sana ako pero tinawag pa rin niya ako.
"Julian, meron ka bang problema?" tanong niya sa akin.
Di ko siya pinansin at nagumpisa na akong maglakad pero nabigla ako nang maramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Di ako nakakibo, gusto kong umalis pero di ko magalaw ang mga paa ko. Unti unti ay nawawala yung mga galit at frustration ko. Napapalitan ito ng feeling of being safe and sa tingin ko ay parang ayaw ko nang maalis yung pagkakayakap niya sa akin. So, this is the feeling of being held by your arms, I want to stay this way as long as I can or even for all eternity.

BINABASA MO ANG
Sunrise
RomanceTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.