Chapter 24

19 0 0
                                    

Chapter 24

December 16 Tuesday 7:30 pm

Nandito ako ngayon sa backyard ng bahay ni Felice. Ninenerbyos na ako ng sobra kasi naman I'm about to do something na di ko pa talaga nagagawa sa tanan ng buhay ko.

Lumingon ako sa aking kanan at nakita ko ang banda ni Xander. Napatingin si Xander sa akin at ngumiti at nagbigay pa ng thumbs up. Ewan ko ba kung papaano ako napapayag ng mokong na best friend ko na gawin ito.

And before we get to that, lets rewind kung papaano ako nakarating sa sitwasyon na ito.

-------

It started about 8 months ago, month of May. Summertime. Yearly family outing namin sa Calatagan, Batangas. Three months since Rian and I broke up and I was still bummed about it. Balak ko nga na di na sumama dahil wala ako sa mood pero my mom won't allow it. Kailangan daw magkakasama kami.

So eto ako ngayon nagkukulong sa kwarto after lunch time. Wala akong sa mood to socialize. Tried reading a book kaso wala talaga akong gana. Gusto ko lang humiga at tumingin sa ceiling fan habang ito ay umiikot.

Nakapikit ang aking mga mata nang marinig kong may kumakatok sa pinto. Di ko ito pinansin pero nagpatuloy pa din yung katok. Kinuha ko yung unan at itinakip sa mukha ko.

"Tantan, are you awake?" tanong nung tao na kumakatok.

Tinanggal ko yung unan sa mukha ko. Si Maggie yun.

"Oo, gising ako." sagot ko naman.

"Pwede ba akong pumasok?" tanong uli ni Maggie.

"Oo naman." sagot ko uli.

Bumukas ang pinto at nakita ko na pumasok si Maggie. It's been a while since I saw her. In fact, her hair was chin length back then but now it's already shoulder length.

"Good Morning, Tantan!" bati sa akin niya sa akin habang naglalakad papalapit.

"Morning, Maggie!"

Umupo siya sa gilid ng kama at nagsabi "Oh, bakit ka nagkukulong dito? The sun is shining."

"Wala ako sa mood na lumabas today." sabay higa at takip ng una sa mukha ko.

"Come on, Tantan. It's a beautiful day, sayang naman." at hinila niya yung unan.

I just shrugged at tumalikod sa kanya.

Kinuha niya ang kamay at sabay hila "Let's take a walk at the beach."

Napatingin ako sa kanya. She's doing that puppy face na alam niya na di ko matatanggihan.

"Okay, Maggie you win" sabi ko sabay tayo.

Sabay kaming lumabas ng kwarto at naglakad patungo sa dalampasigan. While doing that, Maggie keeps on teasing me. I just thought that she's doing this to keep my spirit up.

And nakarating na kami sa isang open cottage sa beach front. Pumasok kami dun para makasilong dahil sobrang init ng sikat ng araw.

Pinagmasdan ko ang paligid. Even though mainit, there's a light breeze blowing. I can see that the sky is bluer than usual, and the waves are calm.

Naalala ko bigla si Felice. She would love to see this scenery. Napangiti ako sa naisip ko.

"Uy, ngumiti siya. First time that you did simula nang nandito tayo." Sabi ni Maggie.

Napatingin ako sa kanya "Yeah, it's been awhile since na ngumiti ako"

Umupo kami. Then she said "Musta ka na, Tantan?".

"Okay naman. Getting by" sagot ko.

Tumingin si Maggie sa akin "C'mon, kita ko sa eyes mo na di ka okay."

Tumahimik lang ako at tumingin uli sa dalampasigan.

"Is this still about sa break up niyo ni Rian or its about Felice?".

Napatingin ako sa kanya "Paano mo nalaman yung tungkol kay Felice?"

"Well, I asked Xander about it. Ang sinabi lang niya sa akin ay nakita mo na si Felice uli." sagot niya.

"Yung totoo parehas."

"You can tell me naman. It can make you ease some of the baggage that you carry right now."

I sighed at kinuwento ko kay Maggie yung simula nang makita ko si Felice sa Christmas Party ng company ni Rian last December hanggang sa break up namin nung February.

"I'm still at shock. Fate does have its ways of making things come true, example sa inyo ni Felice or I should say Kate." Lito pa ding sabi ni Maggie.

"Yeah, kala ko nga hindi ko na siya makikita pero here we are." Sagot ko naman.

Natahimik lang si Maggie "Pero may sasabihin pala ako sayo."

"Ano yun?"

"Nung unang beses ko kayong nakita ni Felice, something hit me. Dun ko Nakita na bagay kayo."

Nakatingin lang ako kay Maggie habang nagkukuwento siya.

"Tapos nang Makita ko yung saya sa mga mata mo then I realized that you've found the girl you've been searching all your life" pagpapatuloy niya.

"Don't get me wrong, you and Rian look good together pero may iba sayo nung magkasama kayo ni Felice."

Natahimik lang ako pagkatapos niyang magsalita.

"So, the one million pesos question, what are you going to do about it?" tanong ni Maggie.

"Honesty Maggie di ko talaga alam." Sabay bugtong hinga ko.

Ngumiti siya "Eto lang naman ang advice ko, pursue her pero if you feel na you're ready to do it. Yung wala ka ng doubts or fears and more importantly you've gotten over Rian."

That made me smile "As usual Maggie, you know what to say whether I'm in a dilemma."

Natawa lang ng mahina si Maggie "Sa tagal na nating magkilala, alam ko na ang sasabihin kapag may problema ka."

"Thanks a lot, Maggie. Kahit papaano gumaan yung nararamdaman ko ngayon"

"Anytime, Tantan. It's nice to see you smile and laugh. Trust me, everything will fall into place eventually."

"I hope so Maggie. I really hope so."

"So, tatambay na lang ba tayo dito cottage or maglilibot tayo sa resort?" sabay tayo ni Maggie.

Tumayo na din ako "Maglilibot siyempre. Sayang yung ganda ng panahon."

"Let's go Tantan." Yaya ni Maggie.

Napaisip ako "Tapos jetski tayo mamayang hapon with Xander."

"Sige, magandang idea. Sabihan na din natin sina Thea." Ngiti niya.

At umalis na kami sa cottage. Kahit papaano some of the weight has been lifted but I still don't know what I am supposed to do with Felice.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon