Chapter 3
November 9 Friday 6:10 pm
Come a little closer flicker in flight...
We'll have about an inch and space...
But I'm here I can breathe in...
What you breathe out...
Naalimpungatan ako dahil naririnig kong kumakanta si pareng Yael Yuzon ng Sponge Cola ng Gemini. Alarm ko yun ha, sabay abot ng cellphone ko at nakitang 6:10 pm na pala. 6:00 pm ko ito naset siguro sa sarap ng tulog ko sa second time ko na narinig yung alarm ko.
Bumangon na ako tapos napaisip if there's any planned activity for tonight pero ang naalala ko ay dinner lang tapos wala naman sinabi sa akin si Ric.
Naginat lang ng konti then I grab my towel and went to the bathroom to take a shower. Pagkatapos ay nag bihis at sinuot ang red shirt at khaki colored na plaid short with slippers. At diretso na kong pumunta sa restaurant ng resort.
Wala naman masyadong ibang nangyari nung dinner. Naroon na din yung parents ni Althea at si Jenny the wedding coordinator. Siyempre yung wedding pa rin ang topic of conversation dahil nga sa Sunday na yun ng hapon at mayroon pang ibang bagay na kailangan ayusin at asikasuhin.
Masaya yung dinner at dahil ang dessert ay leche flan talagang naman masarap dahil paborito ko iyon.
Nang matapos ang dinner, isa isang nagsialisan ang mga tao para gawin ang gusto nila. Sina Alaric at Althea ay naiwan kasama si Jenny the wedding coordinator para sa pagusapan ang ibang plano. Si Maggie naman ay niyaya akong maglakad sa beach. Pumayag naman ako dahil wala naman akong gagawin at saka I did say na I enjoy her company. Habang naglalakad kami ay nagkumustahan sa mga nangyayari sa buhay namin. I really enjoy our walk together and I like her as my friend at hanggang doon na lang talaga ako para kay Maggie. Ewan ko ba kahit anong gawin ko at di talaga ako madevelop ng feelings kay Maggie. Hope that someday na makikita siya ng isang tao na magkakagusto sa kanya katulad ng pagkagusto niya sa akin.
After that we went our separate ways, tumungo na ako sa aking room dahil feeling ko kulang pa yung tulog ko. Habang naglalakad ako parang may narinig akong boses na kumakanta ng...
Say it again for me...
Cause I love the way it feels...
When you are telling me that...
I'm the only one that blows your mind...
Say it again for me...
It's like the whole world stops to listen...
When you tell me you're in love...?
Say it again...
Crap, Say It Again ni Marie Digby yun ah. Ganda ng boses kaya hinanap ko kung saan nanggagaling yun boses. Then I saw a girl with her headset in her ears and singing. Siguro dahil sa headset hindi niya alam na medyo napalakas yung pagsabay niya sa kanta. Tapos I went closer to take a look; she was reading Five People You Will Meet In Heaven by Mitch Albom. Hmm, good choice sa book maganda yun. Tapos lumapit pa ako para makita yung face niya. Then BOOM, natulala ako dahil she's so beautiful. Nakataas yung mahabang itim na buhok niya tapos naka eyeglasses. Ang ganda ng shape ng ilong niya, yes I have a nose fetish dahil maganda ang ilong ko. Tapos red lips pero sa tingin ko natural yon at walang lipstick. Grabe, parang siyang angel na bumaba dito mula sa heaven. Oo, OA na ako pero yung ang reaction ko nung nakita ko siya.
Lalapit na sana ako nang biglang nabangga ko yung isang staff ng resort na may dalang mga baso. Natapon sa akin yung mga laman at nabasa yung shirt ko.
"Sorry sir, di ko sinasadya." madaling sabi ng staff.
"Okay lang, ako itong di tumitingin sa nilalakaran ko." sagot ko naman.
After nun, ay tumingin uli ako sa kinahihigaan nung girl na sa duyan pero wala na siya dun. In a few seconds ay nawala na siya. Sayang di ko man lang nakilala o nakita kung saan siya nagpunta. Feeling disappointed, tumuloy na lang ako sa pagbalik sa room ko at manood na lang ng TV. Pumasok ako sa room ko, nagpalit ng shirt tapos tinurn on yung TV at isakto ay ang palabas ay Supernatural. Teka di ko napapanood itong episode na ito. Hehehe.. suwerte at mapanood nga.
After an hour, napaisip akong magswimming dun sa infinity pool. Kaya I got up and changed into my board shorts at kinuha ang towel, bumaba patungo sa pool.
After doing a few laps, I think mga ten yata yun ay umahon na ako para makapagpahinga at umupo sa isang bench. Then I saw Alaric coming towards me. Alam ko na ang sasabihin niya.
"Tristan, sabi ko nga ba di mo matitiis na di magswimming sa pool?" sabi ni twin bro sabay upo sa tabi ko.
"Siyempre, alam mo naman na mahilig ako dun. So, what's up Ric?" pahayag ko.
"Wala naman, naglalakad para marelax ako. Ganda pa naman ng panahon."
"Oo nga pala, where's Thea? Di ba dapat magkasama kayo para sa ibang plans para sa wedding" nagtataka kong sabi.
"Well, in fact tumakas lang ako. Dapat nagCR lang ako pero nakakatamad yung iba pang gagawin." nakangiting sagot niya.
"Naku lagot ka nanaman sa future wife mo. Pero seriously, still can't believe na ikakasal ka na bro."
"Kahit naman ako di pa rin nagsisink in that I'm getting married to the most wonderful and beautiful woman in the whole world." masaya niyang pahayag at parang may kislap sa mata.
"So... di na tuloy yung plano na itakas ka sa Sunday sa wedding?" patukso ko sa kanya.
"Magtigil ka nga, pareho kayo ng sinabi ni Stefan. Bat naman ako tatakas?"
"Sige, pero kung magbago ang isip mo alam mo na yung code at routine ng pagtakas."
Bigla niya akong tinapik sa likod ng ulo ko. "Puro ka kalokohan"
"Seriously Alaric, I'm really happy for you. You and Althea are going to be an excellent married couple." paseryoso kong saad.
"Thanks Tris. It means a lot to me for you to say that. Ikaw kasi bakit di ka maghanap ng magiging girlfriend mo?"
"Eh, wala pa ako makita. Sasabihin ko naman sayo kung meron di ba?" sabi ko naman.
"Bat di na lang kasi si Maggie ang piliin mo. Alam mo naman na gusto ka nun." nakangisi niyang sabi.
"Eto nanaman tayo. Ilang uli ko nang sinabi na friend lang ang turing ko kay Maggie. She deserves someone who will care for her, but that person is not me."
"Sige na nga. Bat naman kasi di na ka makaget over sa hang up mo kay Marianne. Tagal na nun." tanong niya.
"Naku kung alam ko lang matagal ko nang nagawa. Siguro di ko nakikita yung tao to help me do that." sagot ko naman.
"Nga pala, sorry dun sa ginawa ni Dad sa lunch."
"Wala yun. Sanay na ako sa kanya. Wag mo nang isipin dapat yung kasal mo ang asikasuhin mo." sabi ko.
"Speaking of kasal, balik na ako baka hinahunting na ako ni Thea." saad ni twin bro sabay tayo at naglakad papunta sa restaurant.
"Sige. O nga pala Ric. Birthday na natin bukas. Any plans?" tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at sabi "Wala akong alam. Baka may plano si Thea at si Mom. Bukas na lang natin malalaman."
"Yung gift mo bukas ko na lang ibigay kung ano man ang mangyari."
"Sige, ako din bukas ko ibigay yung sayo." tapos he started walking away from me.
Birthday na namin bukas. Lagi naman masaya yun para sa amin dalawa at lalo na ngayon na ikakasal na si Alaric sa Linggo. I hope that something different will happen tomorrow. I don't have anything specific just wishing that something great will happen to me for my birthday. Tapos tumayo na ako para magswimming uli sa pool.

BINABASA MO ANG
Sunrise
RomanceTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.