Chapter 20

13 1 1
                                    

Chapter 20

December 14 Saturday 6:10 am

Asan ba ako? Nalilito ako tapos I can feel my feet getting wet. Pagmulat ko ay narealize ko na nasa beach pala ako. Pagtingin ko sa horizon ay magsisimula na ang sunrise, ang ganda talaga. I just hope that the girl that I love is right here beside me sharing our favorite time together.

Tapos napatingin ako sa may di kalayuan at nakita ko may isang girl na nakaupo sa may buhangin. Kahit nakatalikod siya ay kilalang kilala ko siya, si Felice. After all these time nakita ko na uli siya. Bago ako makahakbang ay tumayo na siya at naglakad papalayo. Napansin kong parang ang bilis niyang maglakad kaya tumakbo na ako but no matter how fast that I run ay parang di ko maabutan si Felice.

So, I tried calling out her name para mapansin niya ako. Pero kahit anong lakas ng tawag ko ay di niya ako nililingon.

Sa sobrang desperado ko ay ito ang nasigaw ko.

"Felice, please don't leave me! I 'm so in love with you! I love you so much!"

Pagkatapos kong masabi ay napaluhod na lang ako at nagumpisang umiyak.

Napatingin ako kay Felice na tumigil sa paglalakad at sa wakas ay lumingon na siya sa akin. Nakita ko nanaman ang napakaganda niyang mukha at yung ngiti na nagbubuo ng araw ko...

Bigla akong nagising nang kumanta si Ryan Tedder ng Rocketeer. Arrgh, it's the same dream that I've been having for the last two weeks but this time nasigaw ako yung nararamdaman ko at lumingon siya sa akin.

Nasabi ko na kina Alaric at Althea itong recurring dream ko last family lunch namin. Sabi nila ay baka may natitira pa akong feelings kay Felice and since unresolved yung issue sa aming dalawa ay naghahanap lang ako ng closure. Sabi pa nila na I should focus my attention kay Rian and don't blow my second chance with her. Nun araw na iyon ay sa tingin ko ay tama sila na dapat ay mag move on na ako and just be with Rian.

Inabot ko yung phone ko at 6:10 am na pala. Malapit nang magsunrise kaya mabilis akong bumangon para mapanood ito. Pumunta ako sa banyo para magtoothbrush at maghilamos. Pagkatapos ay nagsuot ako ng shirt. Kinuha ang phone ko at binuksan ang drawer sa lamp table ko, kinuha ko yung letter sa akin ni Felice. Since the first day that I've been having dreams about her, lagi ko na lang binabasa itong sulat tuwing sunrise.

Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa terrace at umupo dun. Medyo maliwanag na, malapit na ang pagsikat ng araw. Ganito ako tuwing umaga, at lagi kong hawak ang letter ni Felice na para bang nandiyan siya sa tabi ko kasama sa paborito naming oras.

Sige, aaminin ko na hindi naman totally nawala sa isipan ko si Felice. Technically, everything that I am right now is because of her. Siya ang nagtulak sa akin to go back to school and finish my course. Siya ang dahilan bakit ako naghihintay ng sunrise and change me into a morning person. Siya ang dahilan kung bakit naging better version ako ng sarili ko. Although hanggang ngayon ay nandoon pa rin yung galit ko sa kanya sa pagalis niya nang walang paalam. There are so many questions that I want to ask her.

Masaya naman ako dahil nandiyan na si Rian sa tabi ko and we've been dating for almost 2 months now ay may parte pa rin ng sarili ko ang in love pa rin kay Felice. Di nga alam kung ano ang mararamdaman ko kung makikita ko pa siya ngayon.

Tumingin uli ako sa labas at nakita kong sumikat na ang araw. Another new day, another new start to make my life and everyone that I love better.

Naamoy ko bigla yung niluluto sa kusina. Siguradong may almusal na hinanda ni yaya. Amoy palang ay nakakagutom na. Kaya tumayo na ako at bumalik sa kwarto para isauli ang letter sa drawer. Pagkatapos ay bumaba na ako at tumungo sa kusina.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon