Chapter 11
November 11 Sunday 5:25 am
Sino ba naman tao ang makakatulog sa magandang nangyari sa akin kagabi? Akala ko ay it was one of the worst nights of my life but in the end it turn out to be one of the best. Blessing in disguise nga naman yung nangyari. At least ngayon ay nalinawan na ako sa mga bagay tungkol kay Felice at nalaman kong malaki ang fighting chance ko sa kanya.
Crap, magiisang oras lang yata ang tulog ko. Kanina pa akong di mapakali sa higaan ko. Lahat na yatang ay ginawa ko para makatulog. Tanggal unan, balik unan. Pupuwesto sa paanan ng kama tapos balik din. Tatayo maglakad ng kaunti tapos hihiga nanaman. Ah ewan, lost cause na itong makatulog pa ako. Inabot ko yung cellphone ko at tinignan ang oras. 5:25 am na pala. Maaga pa naman at madilim pa, ganito talaga pagmagpapasko na. Sobrang aga para sa isang tulad kong di morning person pero parang grabe yung rush ng adrenaline sa katawan ko kaya siguro di ako makatulog at dahil na rin sa lagi kong pagiisip kay Felice.
Bumangon na ako at suko na. Naku mamaya pa naman hapon yung kasal nina Alaric at Althea, baka mamaya makatulog ako sa ceremony. Teka, malapit na yatang mag sunrise. Naalala kong sabi ni Felice na she hates sunset baka gusto niya ay sunrise. Sigurado akong na beach ngayon yun at naghihintay. Tumayo ako, naginat ng konti at ginawa yung 10 push up routine ko tuwing pagkagising. Grabe hirap na talaga ako magpush up dahil na rin sa mababa ang resistensya ko because of the nature of my work. Pagkatapos nun ay naligo na ako kahit na malamig yung tubig.
Hmm... ano kaya ang maisuot? Tapos nakadecide na ako na white shirt, brown shorts at flip flops. Tapos, siyempre lagay din ng wax sa buhok at perfume. Okay, dala ko yata lahat. Wallet, check. Cellphone, check. Headset, check. Room key, check. Car keys, check. Wristwatch, check. Ballpen, check. Palabas na akong room ng maramdaman ko na malamig pala so bumalik ako at kinuha ko yung favorite kong red hoodie.
Naglakad naman ako sa may beach, di naman madilim dahil din sa mga ilaw ng poste sa resort. At di nagtagal ay nakita ko si Felice. Nakaupo siya sa buhangin at yung alon ay binabasa ang mga paa niya. Even in the morning, she looks so beautiful. Naka dark blue blouse at knee length pants siya. Nakalugay yung long black hair niya at ang gandang pagmasdan habang ito'y gumagalaw dahil sa hangin. Grabe, she's really an angel that came down from heaven. Iba na talaga ang nararamdaman tuwing nakikita siya.
Naglakad ako ng may pagiingat para di niya ako marinig na papalapit. Nagpunta ako sa may likod niya, tinakpan ang mga mata niya ng dalawa kong kamay at sabay sabing "Guess who?"
Hinawakan niya ang mga kamay ko at nagsalita "Hmmm... Sino kaya ito.?"
Tapos ay inalis ko ang aking mga kamay "Good morning Felice!"
Lumingon siya sa akin at bumati rin "Hello Julian, good morning!"
Umupo ako sa tabi niya at ilang minuto rin kami tahimik. Pinakikinggan ang hampas ng mga alon sa dalampasigan.
"How's your sleep?" tanong ko kay Felice.
"It was good. Napasarap nga eh muntik na akong di magising para mapanood ang sunrise." sagot niya.
"Ikaw, nakatulog ka ba ng maayos?" tanong naman niya.
"Honestly, hindi. Paano ba naman ako makakatulog after spending a wonderful evening with you." banat ko naman.
Napangiti si Felice sa sinabi ko. "So hindi effective yung magic ko sa iyo."
"Effective naman, sa sandaling nakatulog ako ay I had good dreams."
"Teka, paano nalaman na nandito ako?" takang tanong niya.
"Kasi naalala ko na sinabi mo na ayaw mo ng sunset tapos hinulaan ko lang na in reverse you love sunrise. And I think my gamble paid off dahil nakita kita dito." paliwanag ko.

BINABASA MO ANG
Sunrise
RomanceTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.