Chapter 18
October 12 Sunday 10:30 am
It's been two days since nagkita uli kami ni Rian. Hanggang ngayon ay di mawala ang ngiti sa mga labi ko pero di pa ako uli nagpaparamdam sa kanya. Kailangan chill muna ako di parang excited akong makita uli siya.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama at nagbabasa ng libro. Crap, di talaga ako makapagfocus sa libro. Kanina ko binabasa ang page 32 pero di ko naiintindihan. Kinuha ko ang cellphone ko at tumingin sa oras, 10:30 am na pala, malapit na ang lunch.
Every Sunday kasi ay tradition na namin sa family ang lunch. Isa ito sa mga hiling ni Mom na walang mawawala maliban na lang kung importante kaming mga lakad.
Wala na talaga, inilagay ko na lang ang libro sa table ko. Nahiga na lang ako pinikit ang mga mata and I start remembering how my story with Rian started.
Freshman ako, papunta sa building ng kung nasaan ang nagkaklase ang mga freshman and sophomores. Nagkaligaw ligaw na ako sa paghahanap, una kong pinuntahan yung building ng College of Engineering at Architecture pero nalaman kong di dun nagkaklase ang mga wala pang major subjects. Di ako sumabay kay Alaric dahil mas maaga ng isa't kalahating oras ang klase niya.
Tumingin ako sa relo ko, crap 9:05 na late na ako sa first subject ko. Galing ko talaga first day na first day late pa ako. Binilisan ko ang paglalakad ko nang biglang may bumangga sa akin mula sa likod. Nabitawan ko yung schedule card ko at nahulog sa sahig.
"Sorry, are you okay?" sabi nun girl sa akin, pinulot niya yung card at inabot sa akin.
Kinuha ko yung card ko, medyo inis pa ako dahil di siya nagiingat. Pero nun nakita ko siya ay natulala na lang ako. She's so beautiful. She has this long black hair at may pagka chinita siya at maputi. Alam mo yung mga korean sa shows nila, ganun ang itsura niya na meron halong filipino features. She's wearing a short pink dress at black leggings. Tapos naka chuck taylor siyang pink rin. Nakabackpack rin siya.
"Ah... eh..." ang tanging lumalabas sa bibig ko.
"You look okay naman. Got to go, late na ako sa first class ko." sabi na lang niya at sabay takbo papalayo.
Naiwan ako na natanga at di pa rin makakilos. Bigla na lang akong natauhan nang maalaala kong late na rin ako sa first class ko. Kaya napatakbo na rin ako papunta sa may 2nd floor ng building.
Pagkadating ko sa classroom ko ay nandun na ang instructor, pumasok na lang ako.
"And you are?" tanong ng instructor.
"Ma'am, I'm Tristan Julian Acueza." sagot ko naman.
Tumingin siya sa record niya at nagsalita "Okay, Mr. Acueza, take a seat. You better not be late next time."
Tumango na lang ako and since I'm already late wala na akong ibang maupuan. Nakita ko ang isang vacant seat sa harapan sa may bandang kanan. Nagmadali akong pumunta dun at di ko napansin ang seatmate ko.
"Uy, nice to see you again." sabi ng isang pamilyar na boses.
Lumingon ako at nakita ko yung girl na nakabangga sa akin sa ground floor. Dahil seatmate ko siya ay mas nakita ko nang mas malapit. Mas maganda pa siya at ang bango. Parang nabato nanaman ako at di makakilos.
"Are you alright? Kasi parang kanina ka pa natulala." tanong niya.
Naisip ko baka nakanganga na ako. Kaya nag salita na rin ako.
"Ah kasi kanina ko pa hinahanap itong room natin. Napagod lang siguro ako." sabi ko sa kanya.
"Okay, by the way I'm Marianne Arabella Tolentino." Sabi niya sabay abot ng kamay.
BINABASA MO ANG
Sunrise
RomansaTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.