Chapter 6

25 1 0
                                    

Chapter 6

November 10 Saturday 12:25 pm

Pagpasok namin sa restaurant ay dumiretso kaagad kami sa Baguio dining room. Sa labas pa lang ng dining room ay maririnig mo na yung ingay ng dami ng tao. Di pa naman ako mahilig na magcelebrate ng birthday ng maraming tao. Gusto ko lang ay family and close friends pero dahil nga ikakasal na si twin bro bukas ay talagang malaki yung selebrasyon.

Binuksan ko yung pinto at pumasok kami ni Xander. Dun ay nagsimula ang maraming paggreet sa akin ng happy birthday. Dali dali kong inilapag yung mga pinamili sa may table malapit sa white screen na parang may presentation na mangyayari.

Nakita ko si isa't kalahating may sayad na best friend ko na lumapit kina Alaric at Stefan. May parang binulong siya sa dalawa at napatingin silang tatlo sa akin at nakangisi. Crap, sigurado akong kinuwento ni Xander yung nakita niya kanina tungkol sa amin ni Felice. Patay nanaman ako mamaya nito, pagkumalat ay 100% sure na pagkakaisahan nanaman ako. Tila parang parlor game na kung kutyain ako tungkol sa love life ko or I should say lack thereof.

Bumalik ako sa reality nang marinig kong si Mom ay nagsimulang magsalita sa may stage.

"Dahil sa wakas ay dumating na si Tristan ay pwede na nating simula ang celebration. Okay, we can eat at pumila ng maayos sa buffet table."

At nagsimula na nga pumunta ang mga tao sa buffet table para kumuha ng pagkain. Pina una ko na yung three musketeers or I should say three stooges sa pila. Iwas muna ako sa kanila at baka umpisahan na nila ang panunukso.

"Tantan, dito ka na sa likod" tawag sa akin ni Maggie.

Sumunod naman ako agad kasi malayo naman si Maggie dun sa tatlo.

"Ang tagal mong dumating ha. Kala ko ano na nag nangyari sayo?" sabi ni Maggie nang makalapit ako sa kanya.

"Naku sa dami ba naman ng na listahan na yun na ewan ko kung magagamit ay talagang matagal. Dami pati ng tao sa supermarket." Paliwanag ko naman.

"Hahaha... kawawa ka naman. Honestly, di naman sinabi sa akin ni Thea o ni Tita ang plano nila. Kung alam ko ay sinabi ko sayo." mahinang tawa niya habang nagpapalagay ng pagkain sa plate niya.

"Ganun ba? Thanks na rin kung sasabihin mo sa akin. Talagang maasahan kita, Maggie."

"You're welcome. Di ba sabi mo friends pa rin tayo. Kaya gagawin ko yun."

Pagkatapos kumuha ng pagkain ay naghanap kami ng table na uupuan namin. Pero tinawag kami bigla ni Althea na dun sa table nila pumunta. Huminga na lang ako ng malalim dahil nandun sina Alaric. Riot ang mangyayari sa table na yun dahil nakangiti silang talo na nakakaloko.

"Uy, dumating na din ang loveteam na hindi pa rin." simula ni Stefan.

"Oo nga naman. Dapat kasi maging totoo na yun sa inyong dalawa." wika naman ni Tricia tapos sumubo ng pasta.

"I agree ako diyan. Pagnaging kayo ako ang tatayong presidente ng fan club niyo." biro naman ni Althea.

Sabay sabay silang tumawa. Ito na lang ba ang topic tuwing may gathering. Tapos biglang nasalita si Maggie.

"Guys, stop kidding. Friends lang talaga kami ni Tantan." at tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Naku, wag niyo akong pinagloloko. Kitang kita naman na bagay kayo." Sabi uli ni Tricia.

"Siguro bagay kami pero it doesn't mean na bagay ay dapat maging kami." sabi ko naman na medyo may inis. Minsan kasi nakakapagod na rin itong usapan na ito. Pero at least may understanding na kami ni Maggie on where we stand sa isa't isa.

"Ohhh, someone's defensive today." pahayag ni Stefan.

"Okay fine. Baka naman kasi nagsasabi ng totoo sila, di ba Tris?" nakangising sabi ni Alaric.

Medyo na curious si Althea sa sinabi ng fiancee niya kaya siya'y nagtanong "Babes, ano ba yung tinutukoy mo?"

Biglang sumabat naman si Xander "Why don't we ask Tristan about it?"

Tapos lahat sila ay tumingin sa akin. Maging si Maggie ay talagang nacurious sa tanong ni Xander.

Okay, this is getting too awkward. As if naman na may dapat sabihin. Sure, I just met Felice pero I have this feeling that I want to know more about her even everything about her life.

"Bakit Tantan. Mayroon bang bagong girl sa buhay mo?" tanong ni Maggie.

Tumingin ako kay Alaric para humingi ng tulong at sabi ko "Ah.. Ehh.---."

"Naku, kung meron man yang bago ay sasabihin niya sa atin di ba Tris?" sagip sa akin ni twin bro.

"Oo naman. Sasabihin ko yun. At bakit ko naman itatago" sabay tingin ng pasasalamat ka Alaric.

"Okay, tama na yan. Tapos na yung let's bully Tristan show. Pagusapan naman natin yung rehearsal dinner mamaya." Wika ni Thea.

"Oo nga. Rehearsal dinner na pala mamaya. Ang bilis, bukas ay ikakasal ka na Thea." Pahayag ni Tricia.

"Guys, swimming naman tayo mamayang hapon bago magrehearsal dinner. Nasa resort tayo sayang naman." alok ni Maggie.

"Game ako diyan. Gustong gusto ko nang magjetski" excited na wika ni Stefan.

At napunta na sa rehearsal dinner at swimming mamaya ang usapan. Pero sa tingin ko ay dapat sabihin ko na rin kay Alaric ang tungkol kay Felice.

Napagkasunduan na mga 4 pm ang swimming para di masyadong mainit at para matapos na rin nila Thea yung ibang plano para mamayang gabi at sa kasal bukas.

Nagkaroon din ng presentation sa white screen. Pictures namin ni Alaric simula sa baby kami at hanggang sa ngayon. Nagpalakpakan nang iyon ay matapos. Umakyat si Jenny the wedding coordinator para magsalita.

"Okay everyone, siyempre di matatapos ang party kung di magsasalita ang dalawang birthday celebrators. Tristan and Alaric, can you come on stage and say a few words." sabi ni Jenny.

Okay, di ako sanay na magsalita sa harap ng madaming tao. This is really a thing for Alaric. Galing magsalita niyan at full of confidence dahil na rin siguro sa profession niya. Pero dahil kailangan kong magsalita.

Pumunta kami ni twin bro sa stage para sa aming speech. Nagudyok pa ang mga tao para dito.

Kinuha ni Alaric yung microphone at nagsimula na siyang magsalita.

"I would like to say thank you for coming sa birthday celebration namin ni Tristan. Part 1 pala lang ito mamayang gabi ay ang part 2 ang rehearsal dinner. At bukas ay matutupad na rin ang birthday wish simula last year. Na yun ay to marry the most beautiful, caring, sweet, wonderful girl in the world..."

At biglang sumigaw ang mga kabarkada ni Alaric ng "cheesy! cheesy!" sabay tawa.

Natawa rin si Alaric. "Na si Althea Rodriguez. I love you babes..."

Sabay sabay na napa ahhh ang mga tao dahil sa pagkasweet ng kapatid ko.

"Siyempre, that day would be even better because all of you will be there to witness our wedding. Thank you again and see you tonight and tomorrow." patatapos ni Ric.

Binigay niya naman sa akin ang microphone. Nagisip ako ng ilang saglit tapos ay nagsalita na rin.

"Since nasabi na ni Ric ang lahat. I also want to say thank you for all the support and love all through these years. Narating namin ito dahil sa tulong niyong lahat. And the party will continue hanggang bukas...."

Sumigaw naman si Xander ng "Dapat sa susunod ay kasal mo na Tris ang dadaluhan namin."

Tapos may nagsalita rin na "Oo nga, nandiyan naman si Maggie. Di mo na kailangan tumingin sa iba." Di alam kung sino yun pero ang hula ko ay si Tita Arlene yun.

Napa uyyy tuloy ang mga tao at tinignan nila si Maggie na nakangiti tapos ay ako naman.

"Ah... siyempre imbitado kayo pagnangyari yun. Sasabihin ko naman kung meron na. And thank you again and have a good day." tapos ko.

Nakahinga ako ng maluwag. Dahil natapos ko yung speech. Masyado akong nastress kailangan ko yung swimming mamayang hapon para makapagrelax.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon