Chapter 17

14 1 1
                                    

Chapter 17

October 10 Friday 7:05 pm

Grabe, daming tao ngayon dito. Bakit kasi dito sa restaurant na ito magcelebrate ng birthday tapos Friday pa sabi ko sa sarili ko habang papasok sa isang restaurant sa Bonifacio High Street.

Birthday dinner kasi ni Johann Toledo, katrabaho ko sa isang international telecommunication company sa Bonifacio Global City, Taguig. Isa na akong Cadet Engineer at so far, I'm enjoying what I do.

Well, it's has been almost 3 years since I met Felice. Almost 3 years since I've fallen for her. Almost 3 years since iniwan niya ako. Marami na rin ang nangyari at nagbago.

Mga 2 months din akong nagkaroon ng depression dahil sa nangyari. Nagagawa ko pa rin ang daily routine ko tulad ng pagpasok sa trabaho pero naging socially secluded ako. Hindi ako nagpapakita sa pamilya at mga kaibigan ko during that time. Pinakikita ko sa ibang tao na okay ako at parang masaya at ngumingiti sa labas but deep inside I was miserable and lonely. Dun ko di narealize that I'm so in love with Felice cause I'm missing her so much.

With that depression ay naging determine akong mahanap siya. Alam kong di ko sinunod ang isa sa mga favor na hiningin niya sa akin pero I realize that I deserve some kind of explanation for everything that has happened. Sa tulong ng three stooges este three musketeers ay nagtanong tanong kami sa mga IT company. Talagang lahat ng contacts ko ay ginamit ko para mahanap siya. Even in social media, I tried to find her, but it seems that every path that I take in my search ay walang nangyari. And because of that my depression began to get worse to the point that I was in auto pilot every day in my life. Yung parang nagagawa ko naman ang dapat kong gawin pero wala akong maramdaman.

Until one day kinausap ako ng masinsinan nina Alaric at Xander.

"Look Tris, I know na nasaktan ka sa mga nangyari pero this has gone too far." sabi na may pagaalala ni twin bro.

"Tama si Ric, kailangan mo nang magmove on." dagdag pa ni best friend.

It's was a late Saturday morning, imbis na nagjogging ako na usual kong ginagawa ay nakahiga ako sa kama ko at wala akong balak na umalis sa condo.

Umupo si Alaric sa kama ko at tinapik ako sa binti "Come on bro, life doesn't stop for no one even if you're down and miserable."

Di ko pa rin siya pinansin sa halip ako kinuha ko ang unan at itinakip sa aking ulo.

"Tristan, kailangan mong isipin ang mga magagandang bagay sa buhay mo. Nandito pa rin naman ang family at friends mo." paalala ni Xander.

"I agree with Xander, you must see the glass half full not half empty." sabi ni Alaric.

Bumangon ako at umupo sa kama "But I'm not ready to forget her."

"Wala naman nagsasabi na kalimutan mo si Felice. All I'm saying is that you take the positive from what happened and forget the negative." sagot ni Alaric.

"Tama si Ric, kailangan mong isipin yung mga magagandang alaala niyo ni Felice at gawing inspirasyon sa buhay mo." pagsangayon ni Xander.

"Maybe in the near future ay magkita kayo uli. At mas maganda kung naayos mo na yung dapat mong ayusin sa buhay mo." paalala ni kambal

At nagpatuloy ang usapan namin pero hindi ako nakikinig sa kanilang dalawa. Di ko rin namalayan na umalis din silang dalawa. Wala akong ginawa for the rest of the day kundi humiga at magemote.

Hindi nanaman ako makatulog nun gabing iyon siguro na rin sa lagi akong nakahiga. But for some reason something is telling me to get up. Tumingin ako sa aking alarm clock, its 6:05 am na, malapit nang magsunrise. Matagal na akong di napapanood ito dahil nga it reminds me of her. Dahil di na ako makatulog ay bumangon na lang ako. Kinuha ko yung phone ko at may papel na nahulog mula sa table. Lumapit ako at pinulot iyon, nakita ko ay ang letter sa akin ni Felice. Ewan ko ba kahit parang dear john yung letter ay di ko magawang itapon ito siguro dahil na rin ito na lang ang bagay na naiwan sa akin ni Felice at ganun ako kasentimental.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon