Chapter 1

45 0 0
                                    

Chapter 1

November 9 Friday 11:30 am

Somewhere in Batangas

"Sa wakas, nakarating din!" sabi ko nang malakas ng marating ko na yung resort. Kahit galing ako ng graveyard shift ay pinilit ko pa ring magdrive papunta ng Batangas.

By the way, I'm Tristan Julian Acueza,. Paano ko ba idedescribe ang sarili ko. Moreno, medium built, 5'7'' in height at mayroon short wavy black hair sabi nila kamukha ko daw ang Dad ko. If I can describe myself in one word, that would be geek. Because I like anything that's related to technology, a big Star Wars fan but I also love playing basketball, swimming and chess.

Naidlip lang ako ng saglit sa condo tapos umalis mga past nine yata. Buti na lang nakapagimpake na ako kahapon at naihanda na rin yung mga pinapadala sa akin. Dumaan muna ako ng convenience store para bumili ng softdrinks. In fact, I bought 6 500 ml. Ito kasi ang pampagising ko di tulad ng iba ng coffee o energy drinks. Mas hiyang ako dito at sama mo pa ang peanut butter sandwich na dala ko, okay na yung breakfast at samahan mo pa ng music ng Lifehouse sa background ay di na ako inanatok sa pagdrive ko.

Pinarada ko yung SUV ko na malapit dun sa kotse ng kapatid ko. Tapos check sa salamin sa kotse ko kung ayos lang itsura ko. Okay naman kahit papaano. I don't look like na walang tulog siguro nasanay na ang katawan ko sa trabaho ko. Dali kong sinuot ang eyeglasses ko at lumabas ng SUV tapos kinuha yung bag ko sa likod.

Dala yung bag ko tinignan ko yung mga sasakyan nasa parking lot. Nakita ko yung sa parents ko, yung isa ay sa paternal grandparents, yung pula ay sa best friend ng kapatid ko pero yung iba di ko kilala kung kanino. So far so good, I hope that this lunch won't be like a showbiz talk show lalo na kung nandiyan si Tita Arlene na kung ano ano ang tinatanong.

Pumunta na ako sa front desk. Nagsulat sa logbook at kinuha yung susi sa room ko. Tapos pumunta sa hagdan na pababa sa resort. Crap, ang haba nung hagdan. So bumaba na ako sa hagdan tapos nakarating din sa resort.

Mmm, maganda itong resort na napili ni utol. Maraming trees, malilim. Naglakad pa ako at nakita ko yung beach, maganda puti rin yung sand parang sa Boracay. At bigla ko naalala na nakalimutan kong itanong kung saan yung room ko. Ewan talaga, siguro dahil sa kulang ako sa tulog at lumilipad nanaman ang utak ko.

Nakita ko yung isang staff ng resort at dali dali akong lumapit sa kanya.

"Manong, saan po ba yung Mahogany Room 202?"

"Ahh sir, nakikita niyo ba yung building na yun?" sabay turo sa isang building na 3 floors.

"Yun ba yung manong?" turo ko rin sa direksyon na tinuturo niya.

"Oo sir, malapit dun sa pool."

"Okay, thank you po." Sabay lakad ko na papaunta dun sa building na yun.

Nang makarating ako nakita ko nga yung pool area. Uy, infinity pool pala. Okay ito, dito ako mamayang gabi tatambay. Umakyat na ako ng stairs at nakarating sa pintuan ng room ko, binuksan at pumasok.

Good, maganda yung room ko. Malaki yung kama tapos may LED tv. May small table sa tabi ng kama na may lampshade. Inilapag ko yung bag ko sa may paanan ng kama at pumasok sa C.R. Naghihilamos ako ng biglang narinig kong kumakanta si pareng Jason Wade ng Lifehouse ng Take Me Away. Phone ko yun, naku baka hinahanap na nila ako. Gusto ko pa sanang humiga sa kama at maidlip pero kailangan na magpublic appearance ako sa lunch.

Lumabas ako at sinagot ko yung tawag.

"Hello, o Ric!" Ric as in Alaric yung name ng kapatid ko.

"Bro, where are you? Nandito ka na ba sa resort?"

"Just got here. Nandito ako sa room ko. Bakit?"

"Hinahanap ka na dito. Nakahanda na yung lunch. You better hurry, alam mo na si Dad ayaw nun naghihintay." Sabi pa niya.

"O sige, I'll be there in 5 minutes. Palit lang ako ng shirt."

"Bilisan mo na, nandito kami sa Baguio dining room. Sa loob yun ng restaurant ng resort."

"Got it, nakita ko yung restaurant pagbaba ko ng resort. Okay, see you there." Sabay end ng call.

Dali dali ako ng hubad ng shirt at sinuot yung polo shirt na green. Kuha ng wallet at cellphone at susi at lumabas ng room. At lumakad papunta ng restaurant.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon