Chapter 15
November 11 Sunday 9:05 pm
Isa isang nagpuntahan ang mga tao sa dance floor para makisaya kina Alaric at Althea. Nagsasayaw sila sa isang up tempo na kanta. Yayain ko na sana si Felice na sumayaw nang makita ko si Maggie na tahimik uli, di ako sanay na ganyan siya dahil isa siyang cheerful na tao. Lumapit ako kay Felice and told her that I want to dance and talk to Maggie, sabi naman niya okay lang sa kanya at mamaya pa niya gustong sumayaw.
Kaya lumapit ako kay Maggie at nagsalita "Margaret, may I have this dance?"
Medyo nagulat si Maggie "Are you sure, Tantan? Baka magalit ang date mo."
"Nagpaalam na ako kay Felice. Shes doesn't mind at mamaya pa daw niya feel na magsayaw." At inextend ko ang kamay ko sa kanya.
"If that's the case, I would love to." sabi ni Maggie at hawak niya sa kamay ko.
Pumunta kami sa dance floor at sumayaw na kami.
Tapos ay nagplay ang isang slow song, medyo nailang pa kami ni Maggie sa isa't isa. Pero she then put her arms on my shoulders, and I put my hands on her hips and started to slow dance.
"Maggie, is something bothering you? Kanina ka pang tahimik?" tanong ko sa kanya.
"Okay lang ako Tantan. Wala ito." malungkot niya tugon.
"You don't look okay. You can tell me, di ba friends tayo."
Nagisip si Maggie ng matagal at napabuntong hininga. She is looking straight into my eyes.
"Honestly, I'm jealous of Felice." sabi niya.
Di na ako nagtaka sa sinabi ni Maggie. Umamin siya sa akin kahapon na in love siya sa akin. Medyo naguilty naman ako kasi ako nanaman ang source ng sadness ni Maggie. Kung pwede ko lang na tanggalin ang lungkot na iyon ay ginawa ko na.
"Don't get me wrong, I'm glad because you finally found the girl that makes you happy. At saka Felice is a wonderful person sa tingin ko magiging close kami."
Napangiti naman ako dahil napabait talaga ni Maggie.
"I'm so flattered sa feelings mo sa akin Maggie that I think I don't deserve your affection. I know that someday you'll find someone that will love you as much as you love me."
"You think so?" tanong niya.
"Oo naman, you're a beautiful girl Maggie. You're also sweet and bubbly. I'm pretty sure you'll find someone. Kaya smile ka na, mas maganda ka pagngumiti ka."
At sa wakas ay ngumiti na si Maggie. I'm so glad na masaya na uli siya at tuluyan nang nalinawan ang mga bagay bagay tungkol sa aming dalawa.
"Thank you, Tantan for comforting me. Lakas mo talaga sa akin." sabi niya.
"It's my pleasure. Sa dami ba naman ng times na ikaw ang sumasalo sa akin ay it's the least that I can do."
Tapos ay tahimik na kami for the rest of the song. Nakita ko naman na kasayaw ni Stefan si Felice. Tumatawa pa si Felice habang kasayaw si Stefan. Nun natapos yung sayaw ay nagpaalam si Maggie na punta muna siya sa CR. Kaya naman ay pinuntahan ko si Felice na kasayaw ni Stefan.
Tinapik ko ang balikat ni Stefan at nagwika "May I cut in?"
Lumingon si Stefan sa akin "Sure bro." Tapos tumingin siya kay Felice "Thanks for the dance, Felice."
"You're welcome, Stef." wika naman ni Felice.
Bago umalis si Stefan ay may ibinulong ako sa kanya. Tumango na lang siya bilang pagagree sa request ko. At lumakad na si Stef palayo sa amin.

BINABASA MO ANG
Sunrise
RomanceTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.