Chapter 16
November 12 Monday 5:10 am
For the second straight night ay di nanaman ako nakatulog. At least nun una ay dahil sa overwhelming na saya pero ngayon ay dahil sa confusion at lungkot. Arrgh... malas talaga ako sa mga ganito. Una kay Rian tapos ngayon kay Felice. Baka nagbigla si Felice kasi naman 2 days pa lang kaming magkakilala tapos sasabihin ko na I'm falling for her. Pero yung naman talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. And I also know that she felt the same habang sumasayaw kami at dun sa kiss.
Tumingin ako sa cellphone ko, its already 5:10 am. Yikes, kailangan ko nang bumangon at baka nandun na si Felice sa spot namin. Kaya dali dali akong tumayo at tumuloy sa banyo para magshower.
Habang nagbibihis ay napaisip ako na sana okay na si Felice and if I have to I'll take everything back para lang maging okay kami uli. With this in mind, tumungon na ako sa spot namin sa beach and hoping that Felice will be there. But to my disappointment, wala siya dun. Baka nalate lang siguro ng gising dahil sa pagod kagabi sa wedding. Kaya umupo na lang ako sa beach at naghintay kay Felice at sa sunrise.
After a while, ay tumingin ako sa wristwatch ko. Its already 5:50 am, pero wala pa rin si Felice. Its not like her to miss this kasi she loves sunrise very much. Then the sun starts to rise on the horizon. Dahil kay Felice ay talagang naappreciate ko na ito na dati ay pangkaraniwan lang para sa akin. Isa na ito sa paborito kong oras at lalong pang mas maganda kung nandito yung babaeng mahal ko.
After an hour of waiting ay nagaalala na ako kung nasaan si Felice. Very unlikely na di siya nanood ng sunrise. Matawagan nga siya. Crap, naalala ko na wala pala akong number niya at sabi niya na ibibigay niya sa akin ngayong araw. Teka mapuntahan nga yung room niya at baka mahimbing pa ang tulog niya. Tumayo ako, tumungo sa room ni Felice. Pagkarating ko dun ay sinubukan kong sumilip sa may bintana kaso nakatakip ang curtains.
Kumatok ako sa pinto at nagsalita.
"Felice, are you there?"
Nilakasan ko ang katok ko para marinig niya. Grabe, mantika pala matulog si Felice.
"Felice, Felice. Are you there? It's me, Julian" ulit kong tawag sa kanya.
Wala pa ring sumasagot. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock ito. Kumatok uli ako, nagbabaka sakali na marinig na sa wakas ni Felice yung tawag ko. Pero wala talagang sumasagot.
Tapos bigla na lang kumanta si pareng Jason Wade. Nagriring ang phone ko, nakita kong si twin bro ang tumatawag. Sinagot ko yung tawag.
"Uy, Ric what's up?" sagot ko.
"Tris, asan ka?" tanong niya.
"Ah... may dinaanan lang ako."
"Magkasama kayo ni Felice, Ano?"
"Hindi kaya."
"Ang aga naman ng pagkadefensive mo. Well, breakfast na."
"Sige sunod na lang ako diyan."
"Sama mo si Felice para makilala nina Mom."
"Okay." Yun na lang ang nasabi ko tapos end ng call.
Now I'm really starting to get worried. Ano kaya ang nangyari kay Felice and why is she not answering the door? Ang daming scenario ang pumapasok sa isip ko. Tapos gusto siya makilala ng parental units. Bahala na nga at nagugutom na rin ako kaya naglakad na ako papunta sa restaurant.
Tuliro ako habang naglalakad. Ganun ba kalaki yung galit niya sa akin para di siya nagpakita kaninang umaga at para di niya ako pagbuksan ng pinto. Di ko talaga siya maintindihan. Ang tanging kasalanan ko lang ay I confess that I'm falling for her. Arrgh... sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip sa mga nangyayari. Siguro pag nakakain na ako medyo mababawasan ang sakit nito.
BINABASA MO ANG
Sunrise
RomanceTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.