Chapter 13
November 11 Sunday 4:41 pm
Dumating din kami sa venue. Beach wedding ang kasal nina Alaric at Althea. Pero di lang basta beach wedding yun, talagang inayusan ng mabuti. Sa harap ay may altar na itinayo para sa ceremony. Tapos madaming nakalagay peach roses na alam kong favorite ni Thea sa may altar at sa wooden chairs na. Peach and white ang color ng wedding nila, kulay yun ng mga tela nalagay sa mga chairs. Talagang feeling mo ay isa church ang itinayo sa may beach.
Sobrang happy ako dahil sa kasal ni utol at dahil na rin kasama ko si Felice. Tapos dahil nasa wedding kami ay bigla na lang pumasok sa isip ko na what if this is my wedding and Felice is my bride. Okay Tristan you're getting way ahead of yourself. Kailangan magkakilala pa kami ng mabuti. Like I said before I want her to know me better at sana ganun din ako sa kanya.
"Ang ganda ng set up. Sigurado akong pinagpaguran ng sister in law mo ang lahat ng ito." sabi ni Felice.
Napatingin ako sa kanya "Well witness ako sa sipag at patience nina Thea kaya masaya ako dahil so far maayos naman ang lahat. Siyempre credits na rin sa wedding coordinator nila na si Jenny."
"Everything is so lovely. Ang gaganda ng mga roses."
"Favorite mo ba ang roses?" tanong ko sa kanya.
"Maganda ang roses pero I'm more of a tulip girl." sagot niya.
Okay, she likes tulips. Ilagay ko sa mental check list ko para kay Felice.
Nakita ko sina Alaric at Stefan malapit sa may altar. May pinaguusapan sila at bawat tingin sa aminin ni Felice ay nakangiting nakakaloko.
"Um... Felice, I want you to meet some people." sabi ko.
Naglakad kami papaunta sa kinaroroonan nila twin bro. Siyempre nagkunwaring di nila kami nakitang papunta sa kanila.
"Ric, Stef!" tawag ko sa kanila.
"Uy, Tris. Nandito ka na pala di ka namin nakitang dumating." pangaasar ni Stefan.
"Ric, Stef, si Felice date ko. Felice, Si Alaric, twin brother ko at si Stefan, best friend niya." pakilala ko.
"Nice to meet you two." sabi ni Felice
"Same here. So, you're the famous Felice that my brother can't stop talking about." wika ni Alaric na nakangisi.
"Me? Famous? Ano ba ang ikinukwento sa inyo ni Julian?" tanong ni Felice.
"Julian? Sino yun?" kunwaring tanong ni Stefan.
Grabe na ito. Ambush nanaman ako sa dalawang ito buti na lang wala pa si Xander kundi durog ako nito.
"Huy, mukhang nagkakasayahan kayo diyan ng wala ako." sigaw ni Xander.
Patay, speaking of the devil. Eto na officially maguumpisa na ang ibully si Tristan show.
Lumingon ako at nakita ko si Xander kasama si Tricia na papalapit sa amin.
"Xander sa wakas dumating ka din." lapit ni Stefan sabay hi five.
"Si Tricia kasi ang tagal magbihis eh"
"Bakit masama bang mapaganda para sayo at sa wedding." sumimangot si Tricia.
"Hindi naman honey. Siyempre gusto ko rin na ikaw ang pinamaganda sa wedding na ito next to Thea." paamong sabi ni Xander sabay himas sa braso ng kanyang girlfriend.
Tumawa ako ng malakas "Tiklop ka pala eh."
Sabay nagtawanan kaming lahat. Buti na lang nalihis yung topic, at kay Xander naman nakatuon.
"Guys, mamaya na natin ituloy ito. I have a wedding and a beautiful bride to marry." Pahayag ni twin bro.
Nagagree ang lahat na sa reception na lang ituloy ang kuwentuhan.
Nilapitan ko si Felice "Felice, pwedeng dun ka na kina Xander umupo. Kilala mo naman siya di ka na maiilang."
"Sure, parang masaya naman silang kasama."
"Gusto ko sana magkasama tayo pero duty awaits." sabi ko sa kanya at nagpose akong parang superhero.
"Okay lang yun Julian." sabi ni Felice at sabay tawa ng mahina.
I just love that I'm able to make her laugh and smile. Iba ang pakiramdam ko tuwing masaya si Felice. And I hope that I will able to do that for a very long time.
Eksatong dumating si Jenny "Everyone please be ready. The wedding is about to start."
Nakita ko rin yung priest na pumunta sa may altar kasama ang dalawang sakristan. Naalala ko tuloy nung nasa elementary ako ay sakristan sa parish church namin.
Nagpuntahan na ang mga tao sa mga wooden chairs at kaming tatlo nina Alaric ay pumuwesto sa harapan ng altar para hintayin si Althea.
Tapos nagsimula na ang wedding march. Nakita ko si Maggie na naglakad wearing a long peach dress. Ngumiti siya sa akin at binalik ko yung ngiti. Thankful ako dahil okay na rin kami.
Dumating na rin yung pinakakahintay ng lahat ang palitaw ng bride. Narinig kong nagsimulang tumutog ang band at kumanta ang choir ng Collide ni Howie Day. Favorite song nina Alaric at Althea yun.
Nagsimula nang maglakad si Thea patungo sa altar. Kasama niya ang mga magulang niya, ang ganda ni Althea siya ang pinakamaganda ngayon pero second lang siya kay Felice. Unti unti ay papalapit na siya sa kinaroronan namin ni Alaric. Napansin kong parang naluluha na ang kakambal ko. Kaya binulungan ko si Stefan at tumingin din kay Alaric na ngayon ay tuluyan nang napaiyak. Sabay namin hinawakan ang mga balikat ng kapatid ko at hinimas. Tumingin siya sa amin at nagthank you. Tumawa lang kami ni Stefan ng mahina.
Napatingin uli ako kay Thea. Malapit na siyang makarating sa pwesto namin.
Habang nakatingin ako kay Althea ay biglang ang nakikita kong mukha ay kay Felice. I know that I'm crazy, I'm crazy about her pero ngayon ay naiimagine kong si Felice ang bride na naglalakad papaunta sa altar at ako yung groom at sina Alaric at Xander ang best men ko. Alam kong masyadong maaga para dun pero I know inside my heart that someday I wish that Felice and I will end up together for the rest of our lives.
At sa wakas nakarating na din si Althea at ibinigay na siya ng mga magulang niya sa kapatid ko. Tapos ay umupo na sila harap ng altar. Pumunta na kami ni Stefan sa upuan namin. At nagsimula na ang ceremony for the wedding of my twin brother, Alaric and my sister in law na is Althea.
Lumingon ako sa aking likuran at napatingin kay Felice. Napatitig ako sa kanya. Nahuli naman ako niyang nakatitig at ngumiti siya. Grabe super saya ko talaga ngayon at I hope that this feeling won't end.
BINABASA MO ANG
Sunrise
RomanceTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.