Chapter 14
November 11 Sunday 6:50 pm
Sa wakas nakarating din sa reception area, ang tagal namin sa ceremony area dahil sa pictures, hiyawan, kulitan at batian. Ang sarap ng feeling dahil sa everyone's in a good mood even my Dad ay nakangiti na bihira niyang gawin. Siyempre maraming nagtatanong tungkol sa Felice, medyo iniiwasan ko yun mga tanong kasi yung iba ay di ko pa alam kung ano ang isasagot ko at ayaw kong mailang o maoverwhelm si Felice.
Ngayon ay nasa reception na kami. This time ay sigurado akong di na ako makakaiwas sa mga tanong, kasi naman second time ko lang magpakilala ng girl sa pamilya ko at kamag anak. Yung una ay si Rian at nung college pa yun kaya medyo matagal na rin. Kaya naman ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Napansin ni Felice na kinakabahan ako. Ang ginawa niya ay kinuha yung kaliwang kamay ko at hinawakan. Para bang sinasabi niya okay lang at wag akong kabahan dahil nasa tabi ko lang siya. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.
Naglakad kami ng ganun ayos, medyo napapansin ko ang mga nagtatanong na tingin ng mga tao sa amin. Tapos ay nakita ko sina Stefan sa isang unahang table at tinawag ako.
"Tris, dito na kayo ni Felice."
Lumapit kami sa table na iyon. Napatingin sila sa amin ni Felice dahil sa magkahawak ang mga kamay namin. Crap, grabe naman makatingin ang mga ito parang ngayon lang nakakita ng may magkaholding hands. Pumili kami ni Felice ng upuan, siyempre pagentleman ako at tinulugan siya. At umupo na rin ako. Di yun nakaligtas sa mga mata ng mga nasa table namin.
"Napakagentleman naman ni Tristan." panimula ni Tricia.
Eto na tayo. Simula nanaman ng ibully si Tristan show. Buti na lang ay wala si kambal dito.
"Teka guys, pagtritripan ba nanaman niyo si Tantan?" salo sa akin ni Maggie.
Talagang lagi kong kakampi si Maggie and I'm so lucky to have a friend like her. Tapos ay nagtanong siya.
"Tantan, hindi mo ipapakilala ang date mo?
Bago simulan na ipakilala silang lahat ay nagsalita uli si Maggie.
"Hi, I'm Margaret Bernardo. You can call me Maggie." sabi niya sabay ngiti.
"Felice, Felice Laurel." Sagot naman ni Felice at ngumiti rin.
Tapos ay isa isang nagpakilala ang mga tao sa table namin. At bigla namin narinig na may nagbukas ng microphone. Tumingin kami sa may dance floor at nakita si Jenny the wedding coordinator.
"Everyone, may I have your attention please?"
Isa isang tumingin kay Jenny ang mga tao at nang tahimik na ang lahat ay muli syang nagsalita.
"Okay, I would like to introduce to all of you, Mr. And Mrs. Alaric Nicholas Acueza." malakas na sabi ni Jenny.
Napatingin ang lahat sa entrance ng reception area at dun ay lumitaw sina Alaric at Althea. You can see the happiness and joy in their faces. Tumayo at napalakpakan ang lahat ng tao. At dumiretso sila sa table nila sa harapan.
Muling nagsalita si Jenny "Okay I know that everybody is hungry so let's eat. The programme will start after an hour."
Pagkasabi nun ay isa isang nagpuntahan ang mga tao sa buffet table. Pumunta na rin kaming lahat sa table para pumila at kumuha ng pagkain. Bumalik din kami sa table pagkatapos nun.
"So Felice, how did you meet Tristan?" tanong ni Tricia.
"Nagkakilala kami ni Julian sa bayan. Sa may Ministop." sagot ni Felice.
![](https://img.wattpad.com/cover/17313078-288-k960120.jpg)
BINABASA MO ANG
Sunrise
RomansaTristan sits at a beach, waits for his favorite time of the day to come, Sunrise. When the sun's rays begins to touch the earth, he remembers a person, Felice. The girl who changed his life and brought good memories within him.