Chapter 8

14 1 1
                                    

Chapter 8

November 10 Saturday 6:50 pm

Nakangiti ako sa aking sarili habang inaayos ang necktie ko. Tumingin ako sa relo ko, 6:50 pm pa. 7:30 pm naman yung umpisa ng dinner kaya pwede pa kong magrelax ng kaunti. Kapag naiisip ko yung mga conversation namin ni Felice ay talagang napapangiti ako. Kung merong ibang tao na makakakita sa akin ay iisipin na baliw na ako. Pero ngayon ay ang saya ko, matagal ko na rin di nararamdaman ito na since Rian. Is Felice the one that will change me for the better? Okay naman ako sa buhay ko pero maybe she will make things better and brighter. Di ko alam kung anong pwede mangyari sa future pero what I know is that I really like Felice and I want to spend a lot of time with her.

Sa sobrang happy ko hinahum ko yung Say It Again ni Marie Digby habang inaayos yung pagkakatuck ng long sleeves ko. Siguro pagkatapos ng dinner ay hanapin ko uli siya para makasama at magusap kami.

I was in this state nang may kumatok sa pinto ng room ko.

"Tris, andyan ka ba?" tanong ni Alaric

Lumapit ako sa pinto at binuksan ko ito. Nakita ko si Alaric na formal na formal at dala niya yata yung regalo niya para sa akin.

"Looking good Ric." sabi ko sa kanya.

"Ikaw rin Tris. Bagay sayo yang suot mo." tugon niya at pumasok siya sa room ko.

Umupo siya sa dulo ng kama ko at nagsalita na "Bro, ito pala yung regalo ko sayo. Nakalimutan kong ibigay sayo kaninang lunch."

Kinuha ko at tinanggal ko yung wrapper. Nakita ko ay ang Star Wars: The Complete Saga Blu-ray Disc Edition. Tagal ko nang gusto ng copy pero wala talaga sa Pilipinas. At lagi siyang out of stock online.

"Tagal ko nang gusto ito. Thank you, Alaric. Saan mo ito nakuha?" tanong ko sa kanya.

"Well, yung dati kong kaklase sa law school ay umuwi last month galing States. Nagpasabi ako sa kanya ng copy at di naman niya ako binigo." paliwanang ni twin bro.

"Ganun ba? Thank uli." sabay yakap ko sa kakambal ko.

"Oh, baka magkaiyakan pa tayo dito."

"Di naman bro, happy lang talaga ako ngayon." sabi ko at kumalas sa pagyakap ko sa kanya.

Tapos ay kinuha ko yung gift ko para sa kanya mula sa bag ko. At ibinigay ko ito kay Alaric.

Pinunit niya ang wrapper at nakita niya ang regalo ko sa kanya.

"Bagong tennis racket ito ha. And from the looks of it mukhang mahal." Sabi niya.

"Nakita ko kasi na medyo luma na yung racket mo kaya iyan ang gift ko. Talagang pinili ko yung mahal para sayo bro." paliwanag ko naman.

"Matagal ko nang gustong mapalitan yung racket ko pero wala akong time para bumili. Thanks Tris. Gandang gift ito at magagamit ko ng madalas." sabi niya at siya naman ang yumakap sa akin.

"You're welcome Ric." at naglayo kami at tinuloy ko ang pagaayos ng necktie ko.

"You look different and happy, Tristan. Anong meron sayo?" curious niyang tanong.

"Ako? Bakit masama bang maging masaya?" sabi ko nang may pangaasar.

"Spill it bro, Alam ko naman na may nagpapasaya sayo ngayon. Sinabi na sa akin ni Xander kanina lunch."

Humarap ako sa kanya at sinabing "Okay, her name is Felice. Isa siyang guest dito sa resort. We met kaninang umaga sa Ministop sa bayan. In fact, I already saw her last night pero di ko siya nakilala."

"Uyy, sounds like destiny to me. Ano bro, maganda ba?

"Yes, she's very beautiful. Tapos sweet and walang dull moments kapag kausap ko siya." sabi ko ng may ngiti.

"Tris, iba na yata yan. Iba yung itsura ng mukha mo tuwing binabanggit mo siya. Serious na ba yan?" sabi ni Alaric na tumawa ng mahina.

"Di ko pa alam pero all I know is that I want to get to know her more and to spend a lot of time with her."

"Naku, iba na talaga yan. Pero I'm happy for you na sa wakas ay nakatagpo ka rin ng girl na para sayo" wika niya.

"Thanks Ric. I hope so too." sambit ko nang may kumatok uli sa pinto.

Tumayo si Alaric at binuksan ang pintuan.

"O, Xander. Ikaw pala." sabi niya sa best friend ko.

Pumasok si Xander sa room ko at napansin kong may kakaiba sa mukha niya. Parang may gusto siyang sabihin na seryoso.

"Hoy Xander, ba't parang nilukot naman yang mukha mo?" tanong ko sa kanya.

"Ha eh.. kasi...." Parang nahihirapan siyang sabihin kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Naku Xander ilabas mo na yan at para kang ewan diyan." panunukso ni Alaric.

"Kasi si Felice...." simula ni best friend.

Bigla akong napatigil sa pagaayos ng sarili at lumingon sa kanya. "Bakit? What about Felice?"

"Kasi nung papunta ako dito ay nakita ko siya na may kasama lalaki..." wika ni Xander.

"Naku, masyado ka namang intrigero Xander. Baka kaibigan lang niya yun." pahayag ng kapatid ko at sabay tingin sa akin.

"Yung totoo ay ininvite ko siya sa dinner pero ang sabi niya may lakad daw sila ng kaibigan niya dito sa Batangas." paliwanag ko sa kanila.

"Pero... iba yung nakita ko." patuloy ni Xander.

"Anong iba?" curious na tanong ni Alaric.

"Kasi ang sweet nila tapos holding hands at hinalikan pa nung guy si Felice sa pisngi." sagot ni best friend ng may pagaalala.

Napaisip naman ako. Yun ba ang dahilan kung bakit lagi niya akong tinatanggihan tuwing niyaya ko siya. Ayoko namang magisip ng iba dahil hindi naman tama. Pero may iba akong nararamdaman, ewan ko pero nabad trip ako at bahagyang nainis.

"Hoy, Tristan. Nag space out ka nanaman." sabi ni utol habang ginagalaw yung kamay niya sa harap ng mukha ko.

Natauhan ako at nagsalita na "Okay lang ako."

"Wag mo kaming lokohin. Kilala ka namin. Halata ang mukha mo pag bad trip ka." saad ni Xander.

"Wag mong isipin yun. Di mo naman alam kung boyfriend niya talaga yun." assurance ni twin bro.

"Sorry Tris dapat yata di ko na sinabi sayo. Yan tuloy nasira ang gabi mo." pagsisising sambit ni Xander.

"Okay lang talaga ako guys. Kayo naman, I don't have the right to be angry with her. In the first-place friends lang naman kami." sagot ko at pumilit na ngumiti.

"Sigurado ka ba? Kasi parang sa nakita ko kanina ay you really like this girl." wika ni utol ng may pagaalala.

"Ano ba guys, dapat masaya tayo kasi rehearsal dinner niyo ito, Alaric. Speaking of dinner, punta na tayo dun." yaya ko sa kanila.

Lumapit si Alaric sa akin at inayos maigi yung necktie ko at sinabing "Sige, punta na tayo dun. Pwede mo naman na linawin kay Felice yung mga bagay bagay di ba?"

Tumango na lang ako at lumabas kami ng room ko. Bumaba kami at naglakad papunta sa rehearsal dinner. Pilit kong inisantabi yung mga sinabi ni Xander para maging masaya para kay Alaric. Pero di mawala sa isip ko si Felice at ang tunay na dahilan. Ewan ko, pero parang nagseselos ako.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon